Elimination...
Termination...
1 week past.
Ilang araw na lang finals na. Hindi ko na maitago ang kaba. So far kami pa lang daw ang team na umabot sa rank 1 since our school is stablized.
Ang bigat ng responsibility, para bang bawat araw dapat mas gumaling pa ako kahit na feeling ko yun na talaga ang best na meron ako.
Araw araw magkasama kami pero this past few days hindi ko na siya masyadong mabigyan ng pansin dahil nga napepressure ako.
Hindi naman kasi ako kasing galing niya. Sa totoo lang siya lang din ang nagdadala ng laro, support lang ako.
One day, after practice. Habang nakaupo kami sa ilalim ng favorite na puno namin kinausap niya ako.
"Parang iba ka nitong mga nakaraang araw." sabi niya.
"Ha? Hindi naman."
"May problema ka ba sakin?"
"Wala no. kinakabahan lang ako."
"Bakit naman? Rank 1 na tayo."
"Baka kasi matalo tayo."
"Ba't mo naman naisip yon?"
"Wala pressured lang."
At inakbayan niya ako,
"Wag ka ng mapressure. I assure you mananalo tayo." sabi niya.
"Bakit parang palagi kang confident?"
"Kasi anjan ka." Sabay smile siya.
Para akong nasa heaven!
I never imagine na darating tong time na to!
Hindi ko napigilan mapangiti.
"Tingnan mo naka smile ka na." sabi pa niya at tumayo siya.
Inooffer niya ang kamay niya sakin para tumayo din ako, at grinab ko naman.
"Halika dito." sabi niya habang nakatingin sakin at naglalakad patalikod sa gitna ng field kung san malapit ang net namin.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko.
Ano ba tong ngyayari? Naisip ko.
Tama ba to? Bakit ganito siya? Bakit para bang sobrang confident niya para hawakan nalang ako bigla.
Papa Allan: Siguro dama niya crush mo siya. Wag ka na magtanong sure ako gusto mo yan.
Jasmine: Syempre naman. pero parang may mali papa Allan. Dapat hindi ko inaallow.
Papa Allan: Asus! As if naman ginawa mo yun! Sige kwento ng malaman natin.
Inalis ko yung kamay ko.
Papa Allan: Weh di nga?
Jasmine: Ayoko kasing isipin niya na easy to get ako no.
Natawa si Papa Allan.
Papa Allan: Sige kwento
"Sorry." sabi niya.
"Sorry din. Hindi lang ako sanay e."
"Akala ko kasi okay lang."
"Okay lang naman."
"Pwede bang hawakan ulit ang kamay mo? Ang sarap kasi hawakan ng kamay mo ang smooth."
Napangiti nanaman ako.
Ano ba to! Parang panaginip naman!
Binigay ko ang kamay ko sa kanya ah hinimas niya muna bago hinawakan.
"bakit hindi ka sanay na may kaholding hands?"
"No bf since birth ako e."
At huminto siya sa paglakad.
"Hindi nga?"
"Oo."
At biglang napangiti niya na para ding nahiya siya sa ginawa niya.
"Bakit naman? Hindi ka naman suplada."
"Siguro kasi hindi ako friendly. Ikaw pa lang yung nakasama ko ng ganito katagal at kaclose e."
"Ah. Ang swerte ko pala. Ako ang first na naging kaclose ka."
"Swerte ba yon? Wala nga akong sense of humor e."
"Hindi ko naman kailangan yon. Mas gusto ko yung tahimik pero ang sarap titigan. Para bang ikaw."
"Ha?"
Papa Allan: Nabingi naman siya! Bungol!
At natawa si Papa Allan.
"Wala. Tara na doon. Mag practice na tayo."
At nag pratice nga kami ng isang oras.
Habang naglalaro kami, may mga napapansin siya na mali sa mga stroke ko, pero imbes na magalit siya lumalapit siya sa akin at hinahawakan ang kamay ko habang ginaguide kung paano ba ang tamang stroke.
Naging sobrang productive yung araw na yon. Sobrang saya! Just to imagine na ang sweet niya pala.
Noong uwian hinatid niya ako, at bukas susunduin niya pa ako!