Feels like heaven ang peg ng paggising ko. Halos hindi ako nakatulog pero okay lang, para kasing ayokong matapos yung araw na yon
May laban kami nung next day noon.
Super prepared ako, sobrang inspired din.
Tapos biglang may beep beep...
Pagtingin ko sa bintana, anjan na siya!
Dali dali kong tiningnan yong orasan, My God! 7:30 am na pala! 8:30 am ang laban namin.
Hindi pa ako nakakaligo.
Agad agad nagsuklay ako at binuksan ang pintuhan. Bumaba siya ng car niya at lumapit sakin.
Parang ayokong magsalita nakakahiya hindi pa ako nakakapagtooth brush.
Lumayo ako konti sa kanya.
"Sorry kakagising ko lang." Sabi ko.
Napangiti siya.
"Ang cute mo pala pag bagong gising." at napangiti din ako.
"Sorry talaga ligo muna ako." sabi ko at isasara ko na sana yung pinto ng hinarang niya,
"Wait lang, pwede bang jan nalang ako sa loob mag-antay?" sabi niya.
"Ah ok sige." sabi ko. "Pero pag pasyensyahan mo na medyo magulo kasi dito e."
"Ok lang naman." at pinapasok ko na siya.
Naligo na agad ako at pag labas ko nakabihis na ako, medyas na lang at sapatos.
Umupo ako sa sofa katabi niya at nagsuot ng socks, nagmamadali ako baka kasi malate kami.
Lumuhod siya at habang nagmemedyas ako sa kabilang paa ko, sinapatusan na niya yung kabila kong paa na may medyas na.
"Wag na. nakakahiya." Sabi ko at inalis ko sa kamay niya yung paa ko pero hinila niya pabalik.
"Ok lang. para lang naman makaalis na tayo."
"Wag na kaya ko na." at binitawan na niya yong paa ko at lumabas ng bahay karga ang bag ko.
Competition time.
Sobrang ganda ng laro. Ang galing ng kalaban namin nakakapressure. Semi finals palang pero ang lupet na ng kalaban namin.
Nanalo naman kami. 5 points ang lamang.
Sobrang napagod kami sa laban, pero mas naramdaman ko ang pagod ni dave.
Pag tapos ng laban, naglakad kami sabay palabas ng court. Hindi na siya nagsasalita. Sobrang hinihingal parin siya kahit 30 minutes ng tapos ang laban.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko ng may pag aalala.
Hindi siya sumagot.
Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko naman kasi alam din kung anong gusto niyang gawin ko.
"Uuwi na ako. Sumabay ka na." Yaya niya sakin despite na alam kong pagod na siya, naisip parin niya akong ihatid.
"Kaso mukhang pagod ka na e." sagot ko naman.
"Okay lang naman, kaya ko pa naman ihatid ka. ayaw mo ba?"
"Syempre gusto. Kaso dadaan pa ako sa school saglit para magpay ng sa thesis namin."
"Okay lang sige, dadaan tayo don." Sabi niya at binuksan ang front seat ng kotse niya.
...
Pag dating namin ng school hindi ako agad nakabalik. Nakita ko kay si Mia na close friend ko.
"Kayo na ba ni chinito?" Tanong niya na para bang kinikilig.
"Hindi naman." sagot ko. "Magkasama lang kami kasi partner kami sa sports."
"Kahit na nakita namin na naghoholding hands kayo sa field?"
at napangiti ako ng maalala ko yon.
"Friend mag ingat ka. Pinaguusapan na kayo."
At napatitig ako sa kanya.
"Hindi naman ako against sa kung anong meron kayo. pero ayoko rin na pinaguusapan ka. alam mo naman siguro kakabreak lang nila ni Christina at hindi pa malinaw kay Tina yung reason ni Dave."
"Salamat ha. Pero..." Bago pa ako magsalita nagsalita na siya kaya huminto ako.
"Basta kung ako sayo lumayo ka nalang. Ayokong umasa ka."
Habang naglalakad ako pabalik ng kotse iniisip isip ko yung mga sinabi ni Mia. Kung sa bagay tama naman siya.
Hindi nga ba umaasa lang ako?
Hindi kaya ganon siya sakin dahil panakip butas lang ako?
Baka namimiss lang niya ang gf niya kaya siya ganon.
Sobrang nalungkot ako. Nawalan ng pag asa.
Pag pasok ko ng kotse nakita ko siyang tulog, nakayuko sa manibela.
Umupo ako sa tabi niya, dahan dahan sinara ang pinto baka siya magising.
Umangat yung ulo niya at sumandal sakin.
hinawakan ko yung pisngi niya gamit yung pinakamalapit kung kamay.
Naisip ko. Dapat ko bang ipagpatuloy to? Pwede kasi akong umiwas na lang, pero pag iniisip ko palang ang hirap na.
Gustong gusto ko siya. Gusto talaga.
Maya maya nagising na siya at pagkakita sakin ngumiti siya.
"Wag kang aalis sa tabi ko ha, kahit anong mangyari." Sabi niya at napatitig ako sa kanya.
As if na alam niya ang iniisip ko.
"Mangako ka." sabi niya. Pero hindi ako kumibo.
"Ayaw mo ba sakin?" tanong niya na kinagulat ko. "Kasi gusto kita." sabi niya at natulala ako.
... Ano daw? Naisip ko.
"Okay lang kung ayaw mo sakin. Wag ka lang lalayo sakin." dagdag niya.
Kung alam mo lang, sobrang pinapangarap kita. Naisip ko.
Pero hindi ko kayang sabihin.
Buong biyahe namin, hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin.
Ang bilis ng ngyayari at ang gulo ng isip ko, pagod pa ako at bukas may laban pa.
Pag baba ko ng kotse bumama din siya.
"Susunduin sana kita bukas." sabi niya.
"Maaga ako aalis e." sabi ko.
"Kahit anong oras." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Pwede ba?" tanong niya.
Hindi ko naman kayang humindi e.
"Oo naman." at hinalikan niya ako sa nuon.
Dapat ngumingiti na ako sa oras na yon pero hindi ko magawa kasi nasa isip ko parin na baka nga panakip butas lang ako sa kanya.