Chapter 22

10 0 1
                                    

Pag gising ko kinabukasan ang bigat ng pakiramdam ko, at sobrang namamanhid tong kanang legs ko kung saan nakasemento ang paa ko.

Tinayo ko half body ko at ginalaw galaw okay pa naman both legs ko. Siguro nanibago lang.

Kinuha ko clutches ko at naglakat pa

C.R. Ang sakit pala sa kili kili nitong clutches na to. Parang feeling ko mamaga ang kili kili ko bago ako gumaling.

Pag dating ko sa C.R ng kwarto ko kinuha ko ang toothbrush ko at nagstart mag toothbrush. Humawak ako sa sink as support.

Ang hirap pala ng ganito.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at naalala ko yung time na nagpropose si Dave.

Hangang ngayon kinikilig parin ako.

Siguro kahit naman sayo mangyari no kikiligin ka diba?

Maya maya, habang nasa banyo ako nagring ang phone ko, alam ko si Dave ko yon kaya dali dali kong tinapos pagtotoothbrush ko at kinuha yung saklay ko.

Sa pagmamadali ko hindi ko napansin na basa na pala kung flooring na tiles ng banyo at tamaan pa ng clutch ko yong domex na kumalat ang laman sa lapag.

Naramdaman ko madulas na ang lapag, pero naging kampanti ako. Naisip ko kasi may rubber naman yong clutches.

Dali dali ako humakbang pero nadulas ako. Napaupo ako at naramdam ko sobrang sakit ng kanang paa ko. Pilit ko kumapit sa lababo para tumayo ulit pero hindi ko na kayang makatayo sobrang sakit na talaga ng paa ko.

Ang last ko nalang natandaan sumigaw ako ng malakas na "Mama!"

....

Paggising ko nakita ko agad yong kanang paa ko nakapatong sa isang tela na nakasabit sa tubo na nakakabit sa taas ng kama ko.

"Mabuti gising ka na." Sabi ng mama ko na namamaga pa ang mga mata.

"Ano bang ngyari ma, ba't ka umiiyak?" tanong ko naman at umupo siya sa tabi ko.

"Anak," Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Nadulas ka kasi sa banyo"

Bigla na siyang umiyak.

Nakaramdam na ako ng kaba na baka may masamang naging resulta yon.

Naiyak na rin ako,

"Ma, ano nga ngyari sakin? nakacomplication ba?" at tumango siya.

Lalo akong napaiyak, hindi na ako makapagsalita.

"Pwede daw maparalyze yong kanang paa mo." Sabi niya ang paputol putol dahil sa kakaiyak.

"May tinamaan daw na nerves mo."

Sobrang nashock ako. Hindi ko naman akalain na pwede pala yong mangyari sa pagkadulas lang.

"Ma. Hindi nga? Joke ba yan?" Tanong ko, ayokong maniwala.

Kung hindi na ako makakalakad hindi na ako makakapag-aaral, paano si Dave ko, iiwanan na niya ako, at sobrang dami pang nasa isip ko nung panahon na yon.

"Ma! Hindi yan totoo!" Sigaw ko. Buti nasa private kaming room kaya walang nakikiaalam at walang mga mata na nakatingin sa paligid ligid.

Hindi na sumasagot mama ko.

Pero talagang napipikon na ako, ayokong tanggapin.

Binuhat ko yung kanang paa ko na nakapatong sa tela paalis doon at sinubukan kong igalaw ang tuhod ko pero walang response.

Sinubukan kong galawin ang fingers ko sa paa pero walang response.

"Hindi pwede to!" sigaw ko ng pauulit ulit.

Nagwawala ako sa sobrang inis. Hindi ko to kahit kailan matatanggap na hindi na ako makakalakad.

Niyakap ako ni mama pero hindi ako nagpahawak. Pilit ko parin ginagalaw yong paa ko at pinilit ko pang bumaba para makapaglakad ako.

Alam mo yong feeling na may gamit ka na favorite mong gamitin at kailangan mong gamitin pero hindi nagpafunction, ganong ganon ang pakiramdam ko.

Nakakagigil, nakakainis, kahit anong gawin ko wala akong magawa.

"Ryan and Paul!" Sigaw ni mama at pumasok ang mga kuya ko at binuhat ako sa gitna ng kama at binalik ang kanang binti ko sa tela.

"Tama na Jaz. Magiging okay din ang lahat." Sabi ni kuya Paul.

At niyakap nila ako habang tuloy tuloy lang ang pag-iyak ko.

Love Cases 1. ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon