Chapter 23

12 0 0
                                    

Lumaki kaming wala ng ama, bata palang kami iniwanan na kami ng papa ko. Naaksidente siya noong habang nagdadrive.

Nanggaling din naman sa mayamang angkan ang pamilya namin dati. May malaking bahay at kotse pero simula ng namatay ang papa ko nagbago na ang lahat hindi kasi mahilig ang mama ko sa business kaya nalugi ang supermarket na pinagmamay-ari namin.

After 2 years na mawala ang papa namin na benta na lahat ng pagmamay-ari namin. Naalala ko pa noon 8 years old palang ako noon sobra kong iniyakan yong bahay namin kasi ayoko talagang umalis doon at dahil na rin sa mga kaibigan ko.

Pero mabuti si lord nakabili din kami ng bahay namaliit pero maayos, eto nga yong tinirahan namin at ang mama ko naman nagstock holder nalang sa isang lumalaking company na buhay pa naman hangang nagyon habang yong dalawa kong namang kuya naadik sa networking at stock exchange.

So far good naman ang finances namin may ipon naman kaya kahit nasa bahay lang sila bukod sakin na nagaaral pa okay lang din kasi kumikita naman sila.

Maganda rin yon kasi hindi kami nagkakalayo layo lalo na at 3 lang kami.

Minsan nga lang naisip ko sana magasawa na rin tong mga utol ko. Si Ryan 26 na hangang ngayon gf parin sila ng 6 years na niyang gf ewan ko ba ayaw pa daw niyang matali. Eto naman si Paul 23 ayaw kahit gf gastos lang daw ang babae magpapakasal nalang daw siya sa plan promatrix na networking niya yayaman pa siya.

Most of the time wala rin sila sa bahay busy sa mga sarili nilang ginagawa bukod kay mama, ngayon lang siya naging busy nagaaral siya magbake gusto daw niyang magbakery.

Okay naman ang buhay namin pero kung itatapat mo sa buhay ni Tina at Dave wala lang rin ako.

Si Tina elite na yon noong pinanganak pa, U.S citizen siya talaga may-ari ng isang trading company doon ang daddy niya pero nanlalaki daw ang mama niya, ayon sa balita kaya naghiwalay ang magulang niya pero siya sustentado pa habang ang mama niya nasa japan ngayon may aswang hapon.

Nakakaawa din si Tina wala kasi siyang kasama sa buhay. Sabi nga sa balita si Dave lang daw ang nakakasama sa buhay ni Tina at ang lola niya, iniwanan na siya ng tita at cousins niya masama daw kasi ang ugali.

Grade 6 na ako ng nakilala ko siya. IIsa lang naman kasi ang private school na malapit dito sa lugar namin kaya naman nagging magclassmate din kami.

Hindi ko pa kilala si Dave noon pero alam ko may boyfriend siya na taga ibang school, at dahil hindi naman ako tsismosa kahit ilang beses na si Dave pumunta sa school dedma lang ang sa pinagkakaguluhan nila.

4th year Senior prom noong nakita ko taga for the first time si Dave kasi sumayaw sila ni Tina noon sa stage pero since puro light effects ang meron hindi ko masyadong nakita ang face niya kaya rin hindi ko alam na siya pala yong nagbabadminton noon.

Balita ko pa noon live in na raw sila noon ni Tina dati pa na okay lang naman daw sabi ng mama ni Tina pero nagalit daw ang mama ni Dave kasi ayaw niya kay Tina.

Pahiyang pahiya daw si Tina noon sa mama ni Dave noong sinugod noon si Tina sa school dahil hindi umuuwi sa tagaytay si Dave ayaw daw pauwiin ni Tina.

Simula noon nagkagulo na sila. Sabi pa ng iba pinauwi pa daw si Dave sa Taiwan ng 1 taon kaya dapat 3rd year na si Dave pero dahil nga natambay siya ng 1 taon pagbalik niya 2nd year college palang siya dito.

Pero eto raw si Tina pumunta pa sa taiwan kasama ang mama niya at kinausap daw ang mama ni Dave. Since na noong panahon na yon patay na patay pa si Dave kay Tina napilit din ni Dave si mama niya na sumama na siya pabalik sa pinas pero bawal daw matulog si Dave sa kanila at dapat lagi siyang nasa tagaytay pag uuwi sila na pinangako naman ng both na kampo.

Papa allan: Wow ha! Hindi ka pa tsimosa niyan?

Jasmine: hindi naman papa Allan. Sobrang sikat kasi si Tina noon e. Kinaiingitan ko nga siya dati kasi ang daming nanliligaw sa kanya kahit may boyfriend na siya. Sakin wala man lang pumapansin.

Papa Allan: Importante ba yon?

Jasmine: Sa teen ager oo naman.

Papa Allan: Palagay ko hindi. Mas importante na mag aral kayo.

Jasmine: Tama ka jan kaya nag-aral naman ako.

Papa allan: Hahaha! As if may choice ka! Wala namang nagliligaw sayo e. Ano pa bang pagkakaabahalan mo?

Jasmine: Grabe ka talaga papa allan! You're so mean.

Papa allan: kasi naman totoo diba?

Jasmine: Oo na! Oo na!

Papa allan: pikon! bleh bleh!!! Haha!

Pero alam mo Jaz at lahat ng nagbabasa nito na hangang ngayon single dapat kayo maging masaya. Ang pagiging single ay isang blessing. Because it allows you to focus on your career na wala kayong iniisip na iba. Meron din naman may mga swerte na may kapartner na very supportive pero hindi tulad ng wala kang karelation wala ka masyadong iisipin at poproblemahin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Cases 1. ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon