1 week daw ang pwedeng itagal ng bagyo sa Manila, ayon sa PAG ASA. Pero since immortal ang tingin saming mga college may pasok parin.
Buong araw ko siyang hindi nakita, namimiss ko na siya.
Gusto ko siyang puntahan sa classroom niya pero masyado naman akong mahahalata. Ang layo naman kasi ng building namin sa building nila. At ano namang gagawin ng isang architecture student sa B.S Math building kung hindi may sinasadya.
Sad na ako. Matatapos na ang klase wala pa ang hero ko. Wala naman siyang sinabing magsasabay kami. Pero paano naman din kaya siya uuwi ng hindi ako kasama at wala naman siyang kotse.
Papa Allan: Taxi? Hindi pwede?
Yung nga din naisip ko papa Allan noong araw na yon.
Tic tac... 5 pm na. Uwian ko na, Tapos na class niya kanina pang 4 malamang nakauwi na yon. Naisip ko.
Pero gusto kong makasigurado kaya kahit mukhang tanga sige punta ako sa building niya. Tanong tanong kung kilala sila si David at kung saan ang room nila. may nakapagsabi sakin na nasa 3rd floor daw. Dali dali naman akong pumunta.
Pagdating ko doon. Nakita ko agad siya, nakatalikod habang naka pabilog ang upuan nilang magkakaklase.
May kaholding hands siyang babae at katabi pa niya.
Parang biglang sumikip yung dibdib ko, sobrang nagulat ako.
Agad akong nagtago pero sumilip silip parin, tumayo siya para ayusin ang uniform niya pero hindi man lang niya binitawan yung babae.
After noon umuwi agad ako. Ang sama ng pakiramdam ko, hindi ko iniexpect na ganun pala siya, kahit sino lang hahawakan niya. Imposible nama na si Tina yon dahil alam ko naman ang itsura ni Tina.
Naisip ko siguro sa lahat ganon siya. Pinaglalaruan lang niya ako.
Kinabukasan maaga akong umalis, Sunduin man niya ako o hindi wala na ako sa bahay.
Ayoko na muna siyang makita o makausap.
Buong araw noon nakinig lang ako sa professor ko kahit na lumilipad ang isip ko.
Sino ba naman ang makakapagfocus ng nasasaktan.
Sino ba naman ang hindi masasaktan malaman na ganon pala siya.
Buong araw na yon nagexpect akong pupuntahan niya ako.
Pero wala.
Gusto ko siyang kausapin at tanungin kung ano ba ako sa kanya pero baka masaktan lang ako.
Kung tatanungin ko naman siya kung sa lahat ba ng girls ganun siya, ano namang karapatan ko?
Sino ba naman ako, wala lang naman ako sa buhay niya.
Pwedeng isang kaibigan,
Pwedeng wala lang.
Another day passed, pero wala paring isang David.
Puntahan ko kaya ulit siya, naisip ko.
Pero para ano pa? Para umasa ako at makita naman na may kahalikan siya?
Haizt. Ang hirap pala ng ganito.
Parang kayo na hindi naman kayo.