Chapter 16

13 0 0
                                    

1 day...

1 day na lang finals na.

Sobrang ganda ng practice game namin. Lahat sila bumibilib sa amin.

Sobrang inspired kami at nakita yun ng lahat. Niyakap pa kami ng trainor at sa huling laro namin at nagpalakpakan ang lahat.

Ang sarap ng feeling ng ganito.

Sa lahat ng parte ng buhay mo parang perfect na.

Pakiramdam ko wala na akong mahihiling pa.

Bukas na yung laban namin.

Alam namin kailangan na naming magpahinga pero hindi pa kami agad umuwi.

Tumambay pa kami sa favorite namin puno,

Habang nakaupo ako humiga siya sa lap ko.

Kitang kita ko kung gaano ka kinis at kaganda ang face niya.

Ang swerte ko naman, Sabi ko sa sarili ko.

Tumagilid siya at humarap sakin, habang paidlip na.

"Gusto ko pag gising ko anjan ka lang." Sabi niya habang nakapikit na at ngumiti lang ako at hinimas ang mukha niya.

Sana laging ganito, Sana bawat araw ay ganito nalang. Para hindi na dumating yung time na masasaktan pa ako.

Papa Allan: Bakit ganyan kayo makahiling? Gusto niyo laging masaya lang.

Jasmine: Kasi masakit at mahirap kayang nasaktan.

Papa Allan: Oo nga. Pero kung hindi kayo masasaktan paano tatatag and relation niyo at paano mo malalaman kung gaano ka ba niya kamahal?

Jasmine: Pinapakita naman niya e.

Papa Allan: Jaz, Maraming dadaan na tao sa buhay mo na akala mo mamahalin at gugustuhin kang masama lalo na sa saya, pero ang tunay na kulay ng tao nakikita sa panahaon na nahihirapan ka.

Jasmine: Tama ka Papa Allan, pero magkekwento na ako.

Papa Allan: Demanding! Pinakademanding na caller!

Pag gising niya hinalikan niya ako bigla na kinagulat ko.

Papa Allan: Hindi man lang nagsipilyo.

Jasmine: Okay lang yon. Mahal ko naman lahat sa kanya.

Papa Allan: Ganyan talaga nagagawa ng love, lahat tatanggapin mo kahit bad breath pa siya.

At natawa si papa Allan.

Kinabukasan.

Araw na ng Laban.

Grabe ang kaba ko.

First time kong makakalaban sa finals at siya pa ang kasama ko.

Halo halo na ang emotion.

Malaki ang chance na mananalo kami pero hindi ko parin maiwasan na kabahan.

Habang nasa bench kami, 30 minutes before kami lumaban hindi na ako mapakali. Parang gusto ko na tong matapos, habang si Dave nagpapractice ng pagstroke at nagestretching na.

"Tama na yan." Sabi niya ng makita akong hindi mapakali tumayo upo sa upuan.

Niyakap niya ako Papa Allan sabay ngiti.

Narealize ko siya na talaga ang gusto ko. Wala ng iba.

"Kinakabahan ka ba?" Sabi niya habang hinahawi ang bangs ko.

"Oo e. Pero positive naman akong mananalo tayo."

"Dapat lang. Wala ka bang tiwala sakin?"

at tinitingan ko siya ng masama.

"Ang yabang." Sabi ko ng pabiro.

"Hindi yon ganun. Malakas lang loob ko kasi anjan ka."

"Bakit ano ba ako sayo?"

Opps... Naisip ko, maling tanong sa perfect na araw.

"Hindi mo parin ba alam?" Tanong niya.

Kunwari nag-isip ako at hinawakan niya yung ilong ko at kiniss ako sa nuo.

Walang salita pero alam ko kung ano na ako sa kanya. Kailangan pa ba yun tanungin diba?

Papa Allan: Oo. Malay mo Assuming.

Jasmine: Grabe ka Papa Allan!

Natawa si papa Allan.

Love Cases 1. ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon