Chapter 14

20 0 2
                                    

Simula nung araw na yon mas naging kampante ako.

Kahit di talaga kami. Anyway title lang yon ang importante sakin yung kami. At alam ko at dama ko na mahal niya ako.

Kinabukasan noon wala paring announcement for the tournament.

Excited na akong maglaro! Lalo na ngayon na sobrang inspired ako.

Buong araw naman kaming hindi magkikita.

Ilang oras palang gusto ko na siyang puntahan. Sana puntahan nalang niya ako.

After ng lunch, papasok na kami ng classroom ng makita ko si tina nasa corridor sa tapat ng classroom namin.

Hindi ko siya pinansin, pero pagdaan ko bigla niya akong hinila at sinampal bigla.

Nagulat ako at lahat ng classmates ko. Hindi ko akalain na gagawin niya yon.

Pagsampal niya parang akong nawala sa isip ko, hawak hawak ko lang yung kanang mukha ko habang hinihila niya ako papalayo sa classroom namin, tapos binitawan niya ako na parang patapon.

"Tigilan mo si Dave." Sabi niya.

Pero hindi ako kumibo. Anyway, ano namang sasabihin ko?

"Please lang. Kasi magulo lang kami, hindi pa kami hiwalay. akala ko magpartner lang kayo sa game! Bakit nilalandi mo ang boyfriend ko?"

"Hindi ko siya nilandi! At hindi kami!" Sagot ko.

"Sayo na nggaling yan, hindi kayo kaya tigilan mo siya." at umalis na siya.

...

Habang nasa room ako nung araw na yon hindi na yun naalis sa isip ko.

Totoo kayang hindi pa sila break?

May possibility kaya?

Kaya ba ayaw niya akong ligawan?

Ang daming tanong sa isip ko.

Buong araw na yon, ako ang pinaguusap kahit san sa building namin.

Hiyang hiya ako, kasi feeling ko sa bawat tingin at bulong nila ako yung topic. Iniisip siguro nila na masama ako, nang aagaw ng bf ng iba.

Nahihiya akong lumabas ng classroom noon.

Pero may choice ba ako?

Wala naman diba kaya kinapalan ko na mukha ko, kunwari walang ngyari. Pero sa totoo lang sobrang hiya at medyo masaktan ako doon.

Naisip ko ang hirap pala ng ganitong situation.

Bukod sa hindi ko alam kung kami ba o hindi, kung pinapaasa lang ba niya ako o hindi. Higit sa lahat kailangan ko pa siya iwasan.

Pagdating ng uwian.

Nakita ko si Dave nagaantay sa labas ng classroom namin. Habang nakatalikod siya lumabas na ako akala ko hindi na niya ako mapapansin pero nakita parin niya ako.

"Wait lang" Tawag niya sakin at napahinto naman ako.

Papa Allan: Nagpapapigil.

At tumawa si papa allan

"Narinig ko yung ngyari" sabi niya habang ako nakatalikod lang.

"Sorry sa ngyari. hindi ko naman alam na gagawin niya yon e" dagdag pa niya.

"Hindi okay lang." Sagot ko kahit naiinis ako at nasasaktan na.

Pumunta siya sa harapan ko.

"Ano bang gusto mong gawin ko para maging okay ka?"

"Okay lang naman ako." Sagot ko sabay ngiti.

"Mabuti naman kung ganon." Sabi niya at nginitian din niya ako. "Kailangan ko na muna siyang kausapin, Salamat." Sabi niya at umalis na na parang walang ngyari.

Kinabukasan.

May practice kami noon, pero hindi ako nagpractice, kasi masama ang loob ko at ayoko muna siyang makita.

Maya maya dumating yung trainor namin at pinaalam ako.

"Bakit hindi ka pumunta sa training? Ilang oras na kaming nagaantay doon o." Sabi niya na medyo naiirita. "Dalian mo na. magbihis ka na." dagdag pa niya.

"Trainor, pasyensya na po. Ayokong pong magtraining ngyon."

"Ano?" Sabi niya ng pagalit. "Ano bang ngyayari sayo?"

"Masama lang po ang pakiramdam ko."

"Kaya ganon lang yun? Hinahayaan mo ang team na mag-antay sayo? At sa tuwing magkakasakit ka o hindi okay ang pakiramadam mo hindi ka magtratraining?"

"Pasyensya na po."

"Kung hindi ka sersyoso sa laban na to. Papalitan na lang kita." sabi ni trainor na kinagulat at kinalungkot ko.

"Si Tina na lang ipapalit ko. Hindi man siya nakapasok sa try out okay naman sila ni Dave, atleast maiinspire pa si Dave. Baka mas lalo pa siyang gumaling."

Sobrang nasaktan ako doon. Mas napanghinaan ako ng loob.

"Sige po kung yan ang desisyon ninyo." Sagot ko at pumasok na ako ng room.

Nagpaalam ako magsi-C.R sa prof ko pero sa CR umiyak lang ako.

Sobrang sama ng loob ko. Sa dami dami ng pwedeng ipalit bakit si Tina pa. Parang pinaglalaruan ako ng tadhana.

Papa Allan: Hindi naman parang sinadya lang.

Ang sakit noon Papa Allan. Hindi ko na siya makakasama, hindi ko na alam kung makakasama ko pa siya lalo na anjan na si Tina na alam ng lahat na minahal talaga niya.

Ano nga naman ang laban ko na almost 3 months palang niya nakikilala sa 4 years niyang girlfriend.

Papa Allan: Alam mo Jaz wala yan sa tagal. Nasa kung anong pakiramadam ang iniwan mo sa tao na yun.

Paano kung 4 years nga pero sapat lang ang naramdaman niya at sayo higit kahit ilang buwan lang diba?

Kaya don't lose hope.

Love Cases 1. ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon