Chapter 2.

24 1 0
                                    

After a week nagcall out yung professor namin para sa gustong maging badminton player ng school namin na ipanglalaban sa ibang schools. Nagpalista ako for try out.

Sa pila pa lang ng magpapalista nakita ko na siya na nakapila rin siya sa boys, mejo natuwa ako kasi pwedeng makasama ko siya pero ayokong umasa masyado.

Kinabukasan nag try out na kami.

Versus versus ang lahat, laban laban sa isa't isa. Sa first individual muna, Boys vs. boys, girls vs. girls ang manalo na 4 maglalaban laban.

Boys vs girls naman.

Naging okay naman yung try out. Nakapasok ako sa second place.

Tapos naging girls vs. boys na doon ako mejo kinabahan, natatakot kasi akong baka kalabanin ko siya. Parang conflict of interest diba? Isipin mo naman kasi kung matalo ko siya anong isiipin niya? at kung matalo ako anong iisipin niya diba? Pero syempre may goal din ako at sayang yung scholarship na inooffer ng school namin.

First day ng girls vs boys na try out. Hinanap ko siya pero hindi ko talaga siya nakita, pero okay lang din kasi nabalitaan ko ng nakapasok siya sa boys team.

Noong second day noon, Pairing na ang laban at nagulat ako dahil pinag pares pares kami.

Sobrang kaba ko talaga, kasi ang bunutan ng makakapartner mo on the spot e. Tapos ako pa yung unang tinawag, tapos sumigaw si ma'am. David chan. Bigla siyang lumapit sa tabi ko. Nanlaki yong mata ko, hindi ko naiwasan na hindi siya tingnan, tiningnan din niya ako pero parang wala lang ako. Wala siyang expression, pero kahit pa walang hi o hello okay lang, yung makita ko lang siya sa tabi ko sapat na. Sobrang saya!

Sa una todo focus ako sa game, pero para bang bawat sigundo na tumatagal, nadidistract ako sa kanya.

Panay titig ako, hindi ko maiwasan e, lalo na sa mga times na magkakabangaan kami, hindi ko talaga maiwasan hindi kiligin. 

Papa Allan: Wow ha! Bunguan palang yan.

Jasmine: E syempre crush nga papa Allan.

Papa Allan: Defensive. Sige na crush mo na siya, E siya kaya? Crush ka niya? 

Natawa si Papa Allan.

One part sa laro namin na yoon bigla na lang akong napatitig sa kanya. Ang greedy kasi ng kalaban namin na guy, puro siya yung tinatarget, kaya ako parang viewer na lang. Tapos tinamaan ako ng bola! sobrang out of focus ako, bigla nalang natumba ako sa impact ng bola. I was so ashame! Pero lumapit siya tapos inooffer yung hand niya na grinab ko naman.

"Okay ka lang?" Sabi niya.

"Oo. pasyensya na ha."

"Okay lang yan. Just be focus. Malapit na tayong manalo." sabi niya tapos ngumiti siya.

Sobrang saya! First time ko siyang nakitang ngumiti, nawala yung mata niya pero ang gwapo niya. Hindi ako makapaniwalang ganun pala siya kabait, hindi suplado.

Papa Allan: Nawala yung mata niya? as in? o baka parang napapikit lang.

Jasmine: Ganun na nga po yun.

Papa Allan: Ikaw naman kasi, ayusin mo buhay mo. Magkaiba ang nawala ang mata sa pumikit kasi natawa si chinito.

Natawa si Jasmine...

Jasmine : Basta, parang ganoon na rin yun.

Papa Allan: Hoy! magkaiba kaya yon.

Jasmine : Oo na, sige na papa Allan. Excited na ako magkwento e.

Papa Allan: Aba sosyal. Show mo to? Sige na nga show mo na to. Tuloy!

Love Cases 1. ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon