Chapter 5.

25 0 0
                                    

3 days past.

2 days nalang competition na.

Dama na namin ang pressure. Pinakalaban na kami sa isa pang pair at ng dating mga varsity player. 3 days na sobrang pagod. Pero ang sarap ng feeling na sa bawat araw siya nagging lakas ko. Nararamdaman ko kasi yung determination niya, talagang umaapaw sa bawat round. Kaya hindi ako pinanghihinaan ng loob, mas maging confident ako na mananalo kami sa finals. Dama ko e.

Kahit ang varsity players noon hands up samin, magaling daw kaming pair, para daw nababasa namin ang galaw ng bawat sila. We're so compatible daw. How i wish sa real life din.

Pero unbelievable ang experience kasama siya. Bukod sa first time kong sumali sa competition, nakasama ko pa ang inspiration ko. 

Araw araw i grow with him, ang sarap ng feeling. Hindi lang ako sure kung ganun ang feeling niya.

Sobrang napapalapit na ako sa kanya, sana siya rin. Kung pwede ko lang sanang malaman ang nasa isip niya.

Competition day.

Elimination round palang para sa lahat ng schools na sasali. No doubt nakapasok kami.

Sobrang tuwa, free lunch agad. Free lunch galing sa kanya.

"Anong favorite mong food?" tanong niya.

"Kahit ano lang, basta masarap."

"Ang simple mo naman. Kahit ba sa love ganyan ka? kahit sino lang? " nagulat ako sa tanong niya.

Napahinto ako sa pagsubo at nag-isip. First time ko natanong ng ganon.

"Syempre hindi." sagot ko. "Ang love hindi parang karinderia na pwedeng kainan ng lahat. dapat sa love minsan parang restaurant, tulad nito, pipiliin mo lang ang papapasukin mo sa buhay mo. Yung sigurado kang mamahalin ka. Masaktan ka man worth it naman."

"Ano namang standard mo?"

"Basta mabait, mahal ako at hindi ako lolokohin. Hindi ako paasahin."

"May boyfriend ka ba?" biglang tanong niya at bigla din akong kinabahan.

Huminga ako ng malalim, naisip ko pag humindi kaya ako, tatanungin kaya niya ako kung pwedeng manligaw?

I was so fearful.

"ha?"

"Sabi ko, may bf ka na ba?"

"Wala."

Papa Allan: Nabibibingi pag lovelife ang pinaguusapan?

Jasmine: Hindi naman papa Allan. pero nakakakaba kaya, ikaw kaya sa posisyon ko.

Papa Allan: Ano ako bading? Sige kwento.

"Ganon ba."

... Yun lang yun? Wala ng kasunod?

"Bakit ko naman natanong?" tanong ko, hoping magtanong siya.

"Wala lang, wala akong matunong eh."

"Ikaw ba?" Tanong ko naman. Medyo may fear.

Bakit ko pa kasi tinanong e. Bakit kasi pag tinanong tayo ng ganon, kailangan din tanungin natin sila ng ganon.

"Ako?"

"Uo."

"Meron."

Awts. Ang sakit. Sabi ko na nga ba e. Bigla akong palungkot, pero hindi ko pinkita sa kanya.

"Ah talaga. Sa bagay sino nga ba naman ang aayaw sayo." At tinitigan nya ako ng matagal.

"Ganon ba tingin mo sakin?"

"Anong tingin?"

"Na lahat nakukuha ko."

"Parang..."

"Hindi yan totoo. Iniwan nga niya ako e, hindi na siya nagpahabol."

"Ah ganon ba. Sorry." At tiningnan ko siya.

Papa Allan: Ayon oh! May pag-asa.

Jasmine: Medyo nakaklungkot yon. Dama ko nasaktan siya e. Pero oo may pag asa ako.

"Ok lang yon. Ikaw naman talaga ang dahilan e." Sagot niya.

"Ha? Panong naging ako?"

"Wala lang. Joke lang." Sabay ngiti siya.

"Iniwan nga niya ako e, akala niya iniwan ko siya." at biglang nag iba ang mode niya, naging malungkot.

Noong oras na yoon hindi ko alam ang gagawin, ayokong nakikita siyang nalulungkot, gusto ko lagi lang siyang masaya.

"Sorry." Sabi ko at napatingin siya sakin.

"Bakit ka nagsosorry?" Tanong naman niya.

"E kasi bigla kang nalungkot dahit siguro sa maling tanong ko."

"Hindi naman. Ganon lang talaga minsan tinatanggap nalang."

"Hindi ka ba nasasaktan?"

"Nasasaktan, pero wag na nating pagusapan."

"Okay." sagot ko at naisip ko...

Kung ako hindi kita pababayaang masaktan.

"Ha?"

Biglang tanong niya na kinagulat ko naman.

Nagisip lang ako pero parang narinig niya.

"Anong ha?"

"Parang may binulong ka. Ano ba yon?"

"Adik ka ba? Wala noh." Sabi ko at tumayo na ako at agad agad din siyang sumunod sakin.

Love Cases 1. ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon