Kinabukasan, Normal school day. Wala munang training, it's time daw na humabol naman kami sa klase.
Hours past.
Sa breaktime ko anjan siya.
Sa lunchtime ko anjan siya.
Sa pag-uwi ko anjan siya.
Parang himala!
"Kayo na ba?" Ang daming nagtatanong pero hindi ako sumasagot.
Kami na nga ba? Hindi ko rin alam.
Pag-uwian namin sinama niya ako sa condo niya.
Papa Allan: Ayan tayo e.
Jasmine: Papa Allan...
Papa Allan: Sorry naman, Naiinterrupt pala kita.
Ang linis ng paligid.
One room lang pero organize.
Wala siya masyadong gamit bukod sa mga books. TV na may cable, Refrigerator, laptop at tatlong bilog na upuan.
Pagdating namin, naghubad lang siya ng shoes at humiga na.
Paghubad ko ng shoes lumapit ako sa kama niya at hinila niya ako. Tapos...
Papa Allan: Wait! Jaz... Kung may gagawin kayo wag mong ikwento on air ha.
Jasmine: Wala nga papa Allan e.
Papa Allan: So nadisappoint ka?
Jasmine: Oo.
Natawa si Papa allan.
Papa Allan: Walang hiya! Nadisappoint ka pa hindi naman kayo!
At natawa rin si Jasmine.
Napaupo ako sa kama pero hindi ko inallow yung sarili ko na mas lumapit pa sa kanya.
"Ang ganda mo pala sa malapitan. " Sabi niya habang ang lagkit ng titig niya sakin.
"Bakit ba ganyan ka sakin?" Tanong ko.
"Paanong ganito?"
"Sinasabihan mo ako ng mga ganyang bagay. Ano ba ako sayo?"
Tama bang itanong ko yun? Tanong ko sa sarili ko.
Pero siguro eto na nga ang tamang panahon.
"Special ka sakin." Sabi niya.
"Special?"
"Oo. Kasi sobrang gusto kita."
Sobrang sweet niya!
Ang kulang nalang talaga mapasakin siya.
Humiga ako sa tabi niya. Nagkwetuhan ng konti...
Papa Allan: Kwentuhan talaga?
Jasmine: Hay nako si papa allan. Hindi naman ako ganon no.
Papa Allan: Hinuhuli lang kita!
Jasmine: Kahit mag CCTv ka dun papa allan wala talaga!
Papa Allan: Ay galit? Nakakatakot ha. Sige na nga tuloy na.
Pero nagkwentuhan lang talaga kami noon. Tapos nagluto siya ng food naman. Ang daming kakaibang species at mga gulay gulay sa ref niya na hindi ko naman alam kong ano.
"Marunong ka ba ng gawaing bahay?" Tanong niya habang kumakaen kami.
"Medyo lang, Busy sa studies e."
"Gusto ko kasi ng maasikaso sa bahay."
"Ah talaga? Pero ang linis mo sa bahay ha."
"Hindi ako naglinis niyan. Simula nuong last na nilinis yan hindi ko na yan ginalaw."
"Ah ganon ba. May katulong ka pala."
"Wala. May masipag lang na naglinis."
"Wow. Ang swerte mo naman may taga linis ka ng bahay."
"Si Christina ang last na naglinis nito." At para bang nalungkot siya.
"Pwede bang magtanong?" Lakas loob kong nagtanong.
"Ano naman yon?"
"Bakit kayo naghiwalay ni Tina?"
"Wag na nating pag-usapan." Sagot niya na parang nairita sa tanong ko.
"Gusto ko lang sanang malaman kasi sabi nila magulo daw yung break up nyo."
"Kung sasabihin ko ba, Maniniwala ka?"
"Oo naman."
"Dumating lang sa point na nagsawa na ako sa relationship namin."
"Ganon ba. Bakit naman?"
"Kasi ang bigat ng responsibility pag nasa relationship ka."
"Ganon ba yon?"
"Oo. Kaya hangga't maari ayokong pumasok sa relationship."
Awtz naman! Hanga't maari ayaw niya makipagrelasyon?
So ano tong ginagawa namin?
Noong buong gabi na yon, buong gabi ko minuni muni yung sinabi niya.