Chapter 15

17 0 1
                                    

Papa Allan: Sa bawat relasyon iba iba ang naiiwang experience niyan sa isa't isa, meron matagal nga pero sa huli ang pangit ng naging ending, meron naman bago palang pero alam na nilang sila na.

Hindi lahat ng matagal lalong nagtatagal kaya matuto tayong alagaan yong ganda at saya ng relasyon. Matutong magpakumbaba, magpatawad at mag take effort sa bawat minuto ng relasyon. Hindi dapat uso sa relation ang bahala na, winowork out yan simple lang ang dahilan kung bakit kailangan. Dahil mahal mo yan.

2 Days after...

Nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay.

Feeling ko huminto na ang mundo ko at yung sakit na nararamdaman ko hindi na matatapos.

2 days nakasama ko ang pamilya ko, sobrang bless ako sa support nila, pinayuhan nila akong pumasok at maghanap ng bagong inspiration. Pero yun ganun kadali, sobrang masaya ang lahat para iwanan ng ganon nalang, pero wala naman akong choice.

Papa Allan: Mabuti yan. Dapat lang naman sa family nggagaling ang support, malaking bagay kasi ang moving on. Hindi yan parang flu after 3 days o inuman mo lang ng meds ok na e. Being broken hearted is like having cancer it can break you into pieces and gaining your self back is a difficult thing to do.

Pag dating ko sa school pumunta ako sa court kung san sila Dave nagtitraining. Alam ko magiging masakit to pero gustong gusto ko na siyang makita. Gusto ko siyang hawakan. Gusto ko siyang makasama ulit. Pero hindi na pwede, iba na ang situation ngayon.

Nakita ko siyang naglalaro kalaban si J.c na dating varsity sa badminton ng school namin. Sobrang natuwa akong makita siyang nag-eenjoy sa laro. Bawat ngiti niya parang gamot sa sakit nararamdaman ko. Pero nagbago ang lahat noong nakita kong lumapit si Tina sa kanya at pinunasan ang pawis niya.

Naramdaman ko ang pagmamahal ni Tina kay Dave at ang pagsingit ko sa relasyon nila kahit kailan hindi magiging tama.

Napayuko na lang ako at umalis doon.

Sobrang sakit naman Papa Allan. Bakit kailangan ganon?

Papa Allan: Eh kasi pumunta ka don. Dapat kasi matutunan mo ring isipin muna ang mararamdaman mo kahit pa miss mo siya.

Habang nakatambay ako sa corridor nakita kung papalapit si Dave aalis na sana niya ako pero naabutan niya ako ay kinawakan niya ang kamay ko.

"Kailan ka babalik sa team?" Sabi niya pero hindi ako sumagot at humakbang lang mapapalayo sa kanya.

"Teka." Sabi niya. "Kailan ka ba babalik? Miss na kita"

Parang kinurot nung puso ko noon, pero balik sa team lang. Sana tanungin din niya kung kailan ako babalik sa buhay niya.

"Hindi na ako babalik." sagot ko habang nakayuko.

"Bakit naman?"

Hindi ako sumagot.

Hinawakan niya ang braso ko at hinila pabalik sa corridor.

"Wag ka naman ganyan. Gusto kitang makasama."

Parang gusto kong maiyak. Gusto ko siyang yakapin at ipaalam ang nararamdaman ko ngayon at kung gaano to kabigat para sakin.

Pero ayoko ng makigulo pa sa buhay niya.

"Please naman jaz. Bumalik ka na."

Humakbang ako papalayo sa kanya pikinorner niya ako sa mga braso niya.

Hinawi ko ang kanang braso niya na inalis din naman niya.

"Hindi na ako babalik. Hindi na ako pinapabalik ni trainor. Hindi daw ako ang kailangan mo. Si Tina daw para mas mainspired ka pa."

At naglakad na ako papasok ng classroom

"Wait lang. Ikaw ang kailangan ko eh." sabi niya habang hinila ako pabalik ng corridor at nilagay ulit ang mga kamay niya sa gilid ko para icorner ako.

"Hindi naman to para sa team. Para to satin. Diba pangarap natin ang manalo? Eto na. Finals na sa isang araw."

At parang natauhan nga ako. Ang dami ko na ring paghihirap para bitawan ko pa. Pero sasapat na bang dahilan yon? Madadag dagan lang ang sakit na naramradaman ko.

"Please naman. Ikaw ang kailangan ko. Ikaw ang partner ko diba?" at biglang niyakap niya ako na sobrang kinabigla ko, lalo na't ang daming tao sa paligid namin. "Bumalik ka na." Sabi niya habang nakasandal ang face niya sa right shoulder ko.

Napangiti ako. Hindi ko napigilan eh lalo na ang higpit ng yakap niya, naramdamn kong totoo ngang namimiss niya ako.

"Gusto ko ikaw ang kasama ko sa pagkapanalo natin. at ikaw lang" sabi niya pa.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Parang huminto sa pag-ikot. Nawalan ako ng pakialam sa lahat.

Nakita ko si Tina sa labas ng corridor sa may tapat namin.

Sobrang nagalit siya, pero umalis nalang siya na galit na galit.

Sobrang sarap sa pakiramdam ko, feeling ko nanalo na ako na mapasakin siya sa isang iglap lang.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ikaw lang ang gusto ko." Isang beses pa niyang binulong sakin.

Natapos yung araw na yon sa hawak kamay.

Mula sa oras na yon hangang sa oras na umuwi kami hawak kamay.

Love Cases 1. ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon