Chapter 20

15 0 1
                                    

"Halika na sa loob." Sabi niya pero parang ayokong kumilos.

Grabe naman, Inaabuso ba niya pagiging pilay ko?

Hindi naman ganito gusto kong first night namin.

"Wait lang." Sabi ko at hinahawakan ko ng mahigpit ang gulong ng wheel chair ko para hindi ito tumakbo.

"Parang gusto ko ng umuwi e." sabi ko pa na may halong kaba.

"Hindi ka ba naexcite?" Tanong niya.

At lalo akong kinabahan.

Sino ba namang maeexcite sa first night tapos pilay. Bulong ko.

"Ha? Anong first night?" Sabi niya.

Narinig pala niya.

Biglang tumawa si Papa Allan ng malakas.

Papa Allan: Assuming!

At lumayo si  Papa Allan mic habang tumatawa ng malakas.

Sumama ako sa loob ng bahay.

Feeling ko wala akong choice, siya rin naman kasi ng tutulak sakin.

...

Sobrang dilim ng bahay.

Ang tanging ilaw lang yung nanggaling sa ilaw sa labas na ilang parte lang ng bahay ang tinatamaan ng sinag nito.

Tinakpan niya ang mga mata ko at naka-aninag na ako ng ilaw.

Pag tanggal niya ng kamay niya nakita ko ang buong team sobrang saya nila at nagpapalakpakan.

Welcome to our heroes!
Congratulation Jasmine & David!

Yan ang nakasulat sa tarpuline na nakasabit sa dingding ng sala nila Dave.

Andun din ang parents niya at mga kapatid at pati si Tina.

Sobrang saya ko!

Hindi ko naiwasan maiyak.

Tears of joy!

Niyakap ako ni Dave noong nakita niya akong umiiyak.

Sobrang napawi kung pagod ko.

Sobrang worth it.

Lumapit ang mama ni Dave sakin at binigyan ako ng tissue at niyakap din ako, pati step father niya at mga kapatid.

At pinakahuli si coach.

"I'm so proud of you." Bulong ni coach.

"Salamat po." Sagot ko naman at tinapik niya ako sa likod at hinug din niya si Dave.

Nagpalakpakan ang lahat at nagbukas ng champaigne ang papa ni Dave at lahat nagsimula ng magusap at ang iba ay kumaen.

...

Kinuhanan ako ni Dave ng food.

"Kaen ka na." Sabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya na may hawak na food habang nakangiti ako dahil sa umaapaw na saya na nararamdaman ko.

"Salamat pero busog pa ako e." Sagot ko.

"Kumaen ka na kahit kunti."

At sinubuan niya ako habang nasa tapat ko siya nakaupo sa isang mababang upuan.

"Salamat." Sabi ko.

"Para saan?" Tanong niya.

"Wala lang. Sobrang pinasaya mo ako.ngayon."

at ngumiti siya at biglang hinalikan ako.

Nagulat ako. Nagulat ang lahat.

Bigla silang nagpalakpakan at may mga sumigaw pa.

Sobrang saya!

Nakakabaliw!

Maya maya nagplay ang isang video na may background music na Baliw by Jane (Ost ng my girlfriend is a gumiho.)

Sa video lumabas ang mga stolen shots namin ni dave na magkasama.

Yung unang nag usap kami sa faboritong puno.

Noong hinawakan niya ang kamay ko para itayo ako mula sa pagkakaupo.

Picture na hawak niya ang kamay ko habang tinuturuan ako ng stroke.

Mga tawanan sa practice.

Ang paghawi niya ng bangs ko noong kinakabahan ako sa laban namin sa finals.

At ang pinakalast ang first kiss namin sa butterfly sanctuary.

Sobrang na amaze ako, natulala at kinilig ng sobra sobra.

This is a dream more than i can imagine.

Tumayo si Dave. Nilapag ang plato ng pagkaen at lumuho sa harap ko.

"Will you be my girlfriend?" Tanong niya!

Natulala ako, hindi ko alam kung anong isasagot.

Sobrang hindi ko to ineexpect.

"Ha?" Yun lang ang nasagot ko.

"Pwede ba kitang maging girlfriend?"

Papa Allan: Tinagalog na. Medyo bungol ka kasi!

Paano ba naman ako hihindi.

"Yes." at lahat nagpalakpakan.

Hinalikan ako ni Dave sa harap ng lahat at kahit saan nakikita ko may ngppicture.

Pero wala na akong pakialam.

Moment ko to.

Pinikit ko ang mata ko at mas nafeel kong totoo ang lahat na ngyayari.

...

After ng gabi na yon.

Kinaumagahan kailangan na akong umuwi at magpahinga at ganon din ang buong team na natulog sa bahay nila.

"Dito na muna." Sabi niya at iniwan niya ako sa tapat ng kotse habang nakasakay sa wheel chair ko.

"Okay sige." sagot ko at kiniss niya pa ako bago siya umalis.

Sobrang sweet niya.

And take note Papa Allan! Hindi paasa mode ha. Kami na.

Papa Allan: Ngayon lang yan.

Sabay tawa si Papa Allan.

Maya maya lumapit si Tina sakin.

"Kamusta? Masaya ba? " sabi niya pero hindi ako sumagot.

Alam ko naman away lang gusto niya.

"Ganyan din niya ako nakuha. Luhod luhod sa madaming tao. Proposal. Big cakes. Bawat away may flowers. Pero pagsasawaan ka lang niya at itatapon. Isipin mo, kami nga 4 years e. Tinapon lang niya ng ganon ganun. Ikaw pa Ilang months lang. Wag ka nalang umasa masyado, enjoyin mo na lang hangga't andyan pa siya."

Sabi niya at umalis na at sumakay sa van nila.

Love Cases 1. ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon