Oras na ng laban.
1st round pa lang panalo na kami. Ang laki ng lamang.
"Sure na talaga to." Sabi ni trainor at niyakap na kami.
Second round na sprain ang isa sa mga player ng kabilang team at kailngan palitan siya.
Sobrang kampanti parin kami ni Dave.
Not until nagsimula ng tumira yung bagong kalaban.
Bawat stroke sobrang habol at effort ang naeexert namin ngayon compare sa kalaban namin kanina. Puro pa si Dave ang target.
Half palang ng round, Nadama ko na bilang tumindi ang pagod ni Dave. Kinabahan ako bigla. Lumalamang na sila.
Bawat tira ma halo ng kaba ang paghabol.
Bawat tira may chance na lumamang pa sila.
Parang bigla ko ng naramadaman na dahil agad matapos na ang laban sa round na to.
Lumilipad na ang bola papapunta sa court namin.
Anjan na ang bola,
Hinahabol na ni Dave, Sobrang taas ng bola mukhang sa end of the line magpofall pero hindi na namin mahahabol pa sa layo ng babaksakan nito.
1 tira nalang mapapanalo pa nila yong round, then another round? ayaw na namin, pagod na kami parehas. Hindi mahahabol ni dave.
Agad akong tumakbo kung saan sa palagay ko pupunta ang bola.
Pagtakbo tinalon ko na ng walang takot.
Last option ko na to.
Kaya ko to. Sabi ko sa sarili ko.
Magiging masiyadong mataas pero bahala na.
Wala na yon sa isip ko.
1 tira nalang, at tinamaan ko ang bola. Sapat lang para umabot sa kabilang net.
at hindi nanaabot ng kalaban. ...
Nanalo kami sa laban na yon pero may nabaling buto sa paa ko. Mali kasi ang bagsak ko.
Natuwa ang lahat pero ako naiyak sa sakit.
Agad agad dinala nila ako sa hospital at sinimentuhan naman ang paa ko.
3 months pa bago gumaling. Yun ang sabi ng doctor.
Naiyak ako.
3 months hindi ako makakapasok, 3 months hindi makakalakad at 3 months hindi ko siya makakasama araw araw.
Habang nasa Hospital room.
Habang nasa bed kami at nakaupo ako sa dulo wala na akong buong inisip kundi yon.
Lahat ng staff na kasama namin natuwa sa pagkapanalo pero ako hindi ko maiwasang maiyak sa ngyari.
Hindi naman ako nagsisi. Sana lang hindi nalang ganon ang ending mas magging masaya sana ko nag iba ang ending.
Papa Allan: Accept accept lang. Atleast diba ikaw ang reason why kayo nanalo sa huli sayo parin ang pagkapanalo.
Jasmine: Tama ka jan papa Allan at gagaling din naman to kailangan lang mag antay.
Papa Allan: Patience is a virtue.
Pumasok si Dave si kwarto. Pinunasan ko ang luha ko. Ayokong makita niya akong ganito, mahina at umiiyak.
Gusto ko makita prin niya akong masaya.
Anong sense ng kabayanihan ko kung ikakalunglot ko diba?
Ano man ang kinalabasan kailangan ko maging masaya.
"Ok ka lang?" Sabi niya at hinawakan ang face ko at tumabi siya sakin.
"Hindi mo naman kasi dapat ginawa pa yon e." sabi niya.
"Kasi pagod na tayo. Kung hindi natin ipapanalo ang round na yon magkakaisang round pa. Matatalo tayo."
"Okay lang naman kung hindi tayo matalo. We still did a great job."
"Pero useless yon. Sabi mo gusto mo manalo tayo, magkasama tayong mananalo."
"Oo nga pero ganyan naman ngyari sayo. Hindi ka makakapunta sa gathering mamaya." at bigla akong nalungkot.
" Okay lang yon."
"Hindi ka pa makakapasok sa school."
"Okay lang yon, 3 months lang ako magpapahinga saka pwede naman turuan mo ako."
"Paano naman? Magkaiba tayo ng course." at napaisip ulit ako.
"Sana naisip mong 3 months kitang hindi makakasama at mahirap para sakin yon." sabi niya at biglang tumayo at tumingin sa bintana.
Hindi na ako sumagot, feeling ko hindi naman kailangan pa.
Nafeel kong hindi siya masaya sa ngyari, pero ako masaya dahil nalaman kong importante pala ako sa kanya.
Biglang tumahimik kami bigla.
"Dadalawin mo ba ako sa bahay?" Tanong ko.
"Oo naman. Pag may time."
"Mamimiss mo ba ko?"
Papa Allan: Mga tanong! Bakit pa ang hilig niyo magtanong ng ganyan? Hindi niyo nalang antayin nuh.
Jasmine: Syempre Naninigurado lang.
Papa Allan: You let boys move.
Jasmine: Whatever Papa Allan.
Papa Allan: Whatever ka jan. Demanding ka!
"Oo naman. Paano ba namang hindi?" Sagot niya at hinawakan at hinalikan ang kamay ko.
Sobrang kinilig ako, nawala ang lahat ng takot ko. Feeling ko nagkaassurance ako na kahit matagal tagal akong mawawala hindi niya ako ipagpapalit.
After ng scene na yon binuhat niya at sinakay sa wheelchair.
"Labas tayo." Sabi niya.
"Ha? Baka hindi ako payag ng doctor." Sabi ko ng may pag aalala.
"Pinaalam na kita. Sabi ko may kotse naman ako e. need lang talaga at pumayag naman siya."
Bigla akong natuwa.
Kahit hindi ako makasama sa party mamaya okay lang may date naman kami!
Papa Allan: Date talaga? Kahit walang sinabi si Dave?
Jasmine: Hm... Papa Allan may sakit ako. Kokontra ka pa ba? Ayaw akong pasayahin?
Papa Allan: Ayaw agad pasayahin!!!
Parang nagkekwento ka lang naman diba?
Jasmine: Oo nga pala no haha!
Tapos yon nga may pinuntahan kami...
Jasmine: Next chapter!