Chapter 4.

24 0 0
                                    

Buong hapon na yon, walang ngyari. hindi kami nagpractice kahit nakatanggap si dave ng call from the trainor na kami na lang nagpractice muna kasi may biglaan silang meeting.

Napag-usapan namin na wag ng magpractice muna, iprepare nalang ang sarili namin para sa whole day na practice bukas.

Sobrang nakakatuwa siyang kausap, wala naman kaming common denominator pero yung way na makipagusap siya sobrang ang gaan sa pakiramdam at ang galing ng sense of humor niya lagi sakto ang sinasabi niya sa usapan.

Inabot kami ng gabi sa pwesto na yon. Doon nalang din kami kumaen kasi may baon siya, at infairness ang sarap niya magluto.

Doon ko napatunayan, hindi lang noodles ang kinakaen niya.

Natawa si Papa Allan.

Papa Allan: Sabi ko sayo e.

Doon ko rin nalaman na siya lang pala mag-isa dito nag aaral, kasi pangit daw ang turo sa ibang bansa kaya nagdecide siyang mag-aaral dito since na may kamag anak naman sila dito dahil Filipina ang mama niya.

Highschool pa lang dito ka siya nag aral para mahasa ang english niya, since hindi masyadong tinuturo sa taiwan ang english, pero pag dating ng college nagbukod na siya.

Doon ko rin nalaman na taiwanese siya at hindi chinese. Nahihirapan daw siya sa climate dito pero dahil gusto talaga niya yung badminton, okay lang sa kanya magtiis.

Pero eto ang pinakamalupet sa lahat,

Tinanong niya ako kung pwede daw ba niya akong sunduin kinabukasan!

At syempre oo agad ang sagot ko.

Papa Allan: Akala ko ba hindi ka ganong babae?

Jasmine: Sundo lang yoon papa Allan.

Papa Allan: Dahil- dahilan!

Ang aga kong nagising noong umaga na yun. 1 hour than my usual time na nagigising. Agad agad naligo ako, hinanda ang training bag at mga kailangan ko. Gumawa ako ng sandwhich na ginaya ko sa naresearch ko kagabi. Halos every 10 minutes nag espray ako ng perfume ko, natatakot akong mawala yung amoy.

Parang biglang tumagal ang oras, 6:30 am palang. 7:00 pa siya darating. 30 minutes na lang pero ang feeling ko 2 hours to go pa.

Medyo inantok, medyo nakatulog ako ng may marinig akong busina. Siya na pala yon.

Papa Allan: Ang taray! Nakakotse!

Jasmine: Ehm ehm...

Papa Allan: Well, sa kanya ang kotse hindi sayo.

At tumawa ng malakas si papa Allan.

Jasmine: Bad mo papa Allan.

Papa Allan: Anong Bad! Pinapaalala ko lang nuh!

Jasmine: Alam ko naman papa Allan eh. Joke lang.

Papa Allan: Joke lang. Tse. 

At natawa si papa Allan.

Pag labas ko, siya pa ang nag-open ng pintuan ng car para sak at sa harap niya ako pinaupo.

Parang dream come true agad!

Kaso bitin e. Kasi naman 30 minutes ride lang to school. May music pa, hindi kami nakapagusap! :(

Papa Allan: Ang choosey...

Tapos pag dating namin doon laro agad.

Pag dating ng break kinol out pa siya ng classmate niya para ipakita yong thesis nila.

30 minutes na nga lang e, kinuha pa nila. Hindi pa tuloy makain tong sandwhich ko.

Lunchtime na. Sinundo naman siya ng friends niya. Kawawang sandwhich.

Uwian na... Haizt, kailangan daw niyang mauna.

"Teka lang." sabi ko. Hindi na ako nahiya ayokong masayang ang effort ko gumawa ng food para sa kanya.

Lumingon siya kahit medyo nagmamadali.

"Gusto mo ba ng sandwhich?"

"Thank you." sagot niya, pero hindi niya kinuha yung sandwhich na inooffer ko. "but no thanks. hindi ako gutom. pero salamat ulit. See you tomorrow." sabi niya at tumakbo na siya papalayo sa sandwhich ko.

;(

Love Cases 1. ChinitoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon