Another day nanaman.
May practice kami ngayon. Nasasabik ako, alam kong makikita ko ulit siya.
Pero panira naman ng mood pag naaalala ko yung nakita ko. Feeling ko maiilang na ako, at ngyari nga.
Hindi maganda yung naging practice namin, pag nakikita ko kasi siya naiinis ako.
Alam ko namang hindi tama, napakaunprofessional ko naman.
Kaya pagdating ng next round talagang ginalingan ko na. May time na naiinis talaga ako e, kaya sinasadya ko nalang na patamaan ko siya ng bola.
Walang sorry sorry basta tuloy lang ako sa laro at pinatamaan din niya sunod sunod.
Sobrang nabibwisit na talaga ako, sinunod sunod ko ring patamaan siya.
Nagalit ang trainor, para daw kaming mga bata, Sana daw kung nagaaway kami hindi namin dinadala sa laro at narealize ko namang tama rin siya pero hindi ko alam kay Dave kung narealize niya yon. After kasi namin mapagalitan bigla pa niya akong nginitian.
Hindi ko alam kung magagalit ako o hindi e. Pero ang gwapo niya talaga.
Paano ko ba ireresist yung ganyang kagandang smile, para siyang angel sa paningin ko.
Pinabalik kami sa court nun. Hindi ko napigil na mapangiti din pagdating sa pwesto ko.
Parang bumalik ulit ang nararamdaman ko sa kanya dahil lang sa isang smile na yon.
Siguro nga ganon ko na talaga siya kagusto, pero kahit pa, mahirap ng umasa. naisip ko.
Paglunch time hindi ako sumabay sa kanya, pero pinuntahan niya parin ako at nakisabay siyang kumaen sakin.
"Bakit parang dinededma mo ata ako?" Sabi niya sabay subo ng chopstick.
Haizt salamat naman nahalata niya. Sabi ko sa sarili ko.
"Ano?" Sabi niya na tila ba narinig niya yung naisip ko.
"Hindi naman ha."
"Kaya ba ganon mo na lang ako patamaan ng bola?"
I feel na ang bad ko tuloy.
"Sorry." Sagot ko.
Pero nginitian lang niya ako.
"Masaya ako."
"Ha? bakit? sadista ka ba? Gusto mong nasasaktan?"
At natawa siya.
"Hindi no. Kasi nagkakatampuhan tayo."
Adik ba siya? Naisip ko.
"Anong pinagsasabi mo." At nagpatuloy na akong kumaen.
Pero kung sa tutuusin, oo nga naman nagkakatampuhan kami.
Parang couples na talaga kami. Kilig much!
Hinawakan niya yung kamay ko pagsubo ko, pero inalis ko agad. Ayokong makita ng kahit sino na hinahawakan niya ako. Ayoko ng gulo.
Pero parang nadisappoint siya sa ginawa ko.
"May problema ba?" tanong niya.
"Wala naman. Nasa madami kasi tayong tao."
"Kinakahiya mo ba ako?"
"Hindi no!"
"Haizt." Sabi niya sabay tingin palayo sakin.
Napayuko ako. Naramdaman ko na talagang nainis siya.
Buong araw hindi na kami nag usap noon.
Hindi na rin kami pinaglaro pa dahil pagbalik namin nagpapatamaan nanaman kami ng bola na kinagalit ng trainor namin.
Uwian na...
Paglabas ko sa C.R pagtapos ko magpalit ng damit nakita ko siya sa bench nagpapalit ng damit, ang sexy niya!
Parang one of sexiest man alive siya sa mga mata ko.
Ang ganda ng abs niya at yung way na magdamit siya para akong napapanganga.
Kumuha pa siya ng suklay at nagsuklay, nagpabango, at pinunasan ang mukha niya ng tissue.
Ang linis linis nyang tingnan, ang puti na niya ang linis pa at ang sexy pa.
Para siyang magnet. Sobrang naaattract ako.
"Anong tinitingnan mo?" Sabi niya.
Hindi ako kumibo at tumalikod nalang.
Sobrang kilig ko talaga. Hindi ko mapigil ngumiti mag-isa.
Talagang siya na ang gusto ko, Sana gusto rin niya ako.
Sana kami nalang para pwede ko na siya matawag na akin lang.