Chapter 1

2 1 0
                                    

Aela's Point of View

"ATE AELAAAAAAAA" sigaw ng isang bata.

(Eyla)

Hi ako si Aela isang Menia. Kasalukuyan akong nakikipaglaban sa mga halimaw ngayon. Nadagit kasi si Ana ng isang halimaw habang umaakyat ng puno para kumuha ng prutas.

Bitbit siya ng isang aswang ngayon. Mabilis ko naman silang hinabol at sinaksak ng kutsilyo yung aswang na may hawak sa bata.

"Ate" umiiyak niyang sabi habang nakayakap sakin.

"Okay ka lang ba Ana?" Tanong ko tumango naman siya pero bakas mo pa rin ang takot sa mga mata nya.

"Ate gusto ko na umuwi kela ina" sabi niya.

"Sige iuuwi na kita------ AHHHHHH"

Bigla nalang may kumalmot sa likod ko. Naka armor pa naman ako na backless ngayon tsaka shorts.

Eh sino ba naman kasi nag utos sayo na mag backless ka

Epal talaga konsensya ko. Nandiri ako ng dilaan niya yung kuko niya kung saan nandoon ang dugo ko. Pag aswang ka nga naman.

"Kadiri" sabi ko at binato siya ng Kutsilyo.  Ayun bumulagta siya sa lupa.

Ginawa kong invisible yung sarili ko pati yung bata. Sinenyasan ko din siya na tumahimik kasi tatakas kami. Ang dami pala nila ha.

"Asan na yung diwata?" Umaalingaw ngaw na sigaw ng halimaw.

Kala mo magpapakita pa ako sayo? Ngekngek mo

"AAAHH AHAS" sigaw ni Ana

Napatampal ako sa noo ko. Mabilis kong binato ng kutsilyo yung ahas at tumakbo karga yung bata. Lumingon kasi sa direksyon namin yung mga halimaw.

"PALVODA! HANAPIN! NASA PALIGID LANG SILA" sigaw ulit nung halimaw.

(Palvoda- isang uri ng pagmumura)

"Sabi ko sayo wag ka maingay eh" sabi ko at mas binilisan ang takbo.

******************
Nakarating kami sa kuta namin na hingal na hingal ako. Ang kuta namin ay isang parte ng Hermenia na dating bahay aliwan.

Tama nasa Hermenia kami, ang Hermeniang lumubog ilang taon na ang nakalilipas. Marami rami rin sa amin ang nakaligtas. At hanggang ngayon ay umaasa kami sa tulong ng mga nasa Academya. Tulong na sana ay maka- alis na kami sa pisteng lugar na ito.

"Alam mo medyo mabigat ka din eh" sabi ko kay Ana.

Pero di niya na nagawang sumagot kasi kinuha na siya mula sakin ng mga magulang niya. At ayun pinagkaguluhan na siya ng mga tao.

"Wow ha! Walang anuman. Di niyo man lang ako binigyan ng tubig na maiinom eh noh?" Sabi ko at dumeretso sa may balon.

Ginamit ko yung timba dun na panalok ng tubig at saka ako uminom. Pero biglang may gumulat sakin kaya naibuga ko sa mukha niya yung tubig na iniinom ko.

"*ubo**ubo**ubo*" -ako

"Palvoda" sabi ni Luzy at pinunasan yung mukha niya.

(Palvoda- isang uri ng pagmumura)

Siya si Luzviminda. Isang traveler, di siya madaling mapagod at madali siyang makatanda ng mga daanan.

"Bat kasi nang- gugulat ka?" Takang tanong ko at uminom ulit.

"May alam na kasi akong daan papuntang Hermenia Acade---------" di niya ulit natapos sasabihin niya kasi naibuga ko ulit sa mukha niya yung tubig na iniinom ko.

"ISA PA TALAGA AELA! LULUNURIN NA KITA SA BALON NA YAN" sigaw niya at pinunasan ulit yung mukha niya.

"Hehe, pasensya na." Nakangiwing sabi ko.

"So yun nga. Puntahan natin yun bukas ng umaga----- MAMAYA KA NA NGA UMINOM!! BAKA MAIBUGA MO NA NAMAN YAN EH"

Ilinapag ko na lang yung timba sa gilid ng balon. Inosente ko din siyang tiningnan.

"Napagod ako eh" sabi ko na inirapan niya lang.

"Magpahinga kana gabi na" sabi niya.

"Lagi namang gabi eh" sabi ko naman

"May sinasabi ka?" Tanong niya

"Matutulog na ako kako" sabi ko at tumakbo papunta sa silid ko.

Hindi ako tanggap ng mga tao dito dahil sa pagiging Minea ko. Iilan lamang ang nagpapakita ng kabaitang loob sakin dito. Hindi nila matanggap na hindi ko nagawang iligtas ang mga mahal nila sa buhay na namatay. Duh labingdalawang taong gulang palang kaya ako nun.

Kahit naman ang mga magulang ko di ko nagawang iligtas,yung kanila pa kaya? Tsaka musmus pa ako nun eh.

*************
"Aela bruha! Gumising kana. Malayo layo ang lalakbayin natin" sabi ni Luzy.

Kanina pa naman talaga ako gising, tinatamad lang talaga akong bumangon. Mas masaya kaya mag kulong dito, kesa dun sa labas na lagi akong ina away.

"Maliligo lang ako" sabi ko at pumasok sa banyo.

Kaso sobrang bagal ng agos ng tubig kaya lumabas muna ako ng banyo at hinintay na mapuno yun.

"Bakit nakatunganga ka pa diyan?" Tanong ni Luzy na bihis na ngayon.

"Wala, hinihintay ko lang na mapuno yung tubig" sabi ko at tiningnan yung dala niyang damit para sa akin.

Isang itim na leader jeans at leather na sando. May boots din dun na itim. Tsaka cloak na pula.

"Puno na" sabi niya kaya pumasok na ako sa CR.

**************
A/N: Eyla po ang pagkakabigkas sa pangalan na Aela. Para siyang Ella na may Y. Sana po di ka po malito sa pagbigkas nun.

+ Vote, Comment and Share +

By: Peach_Daday



Missing ProphecyWhere stories live. Discover now