Chapter 20

15 1 0
                                    

Aela's Point of View

"Diba dapat paa mo ang sumasakit kasi ang taas ng takong ng sapatos mo? Bakit balakang ang nirereklamo mo?" Tanong ni Eduard

"Masakit din naman paa ko eh, kaso mas masakit balakang ko sa kaka kembot" sabi ko at pinukpok ang may bandang likod ko.

Kakatapos lang kasi namin sa school at bumyahe kami ka agad papuntang Melendrez hospital. Malayo- layo din daw kasi yung byahe.

"Ako na" bulong ni Vier at ipinulupot ang kamay niya sa akin.

Pinipisil pisil niya ang mga bewang ko kay hinayaan ko nalang siya. Medyo nawawala kasi yung sakit.

☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺

"Malapit na tayo" sabi ni Ernest na nakanguso at naka busangot pa rin hanggang ngayon.

HAHAHAHA kawawa

"Huh? Eh wala ngang mga bahay o gusali dito eh" puna ni Leo

Kanina pa kami bumabyahe at inabutan na kami ng dilim. Sumilip din ako sa bintana at tama nga sila. Puro kahoy.

"Andito na tayo" sabi ni Ernest at biglaang pumreno.

"WAAAAAH" sabay sabay naming sigaw kasi wala kaming mga seatbelt.

Ayun naumpog kami sa mga pwedeng maumpogan.

"PALDOVA" sabay sabah naming sabi maliban kay Ernest.

Pinagbabatukan din namin si Ernest.

"Aray aray, pasensya na masakit" pagsuko ni Ernest.

Bumaba na si Linda at luminga linga sa paligid.

"Wala naman eh" maktol ni Linda.

Bumaba din silang lahat maliban sakin. Nagpalit pa kasi ako ng sapatos.

"May nararamdaman akong kakaiba" sabi ni Leo.

"Wag kang manakot punyeta ka" sabi ni Linda.

"Panong wala dito? Ayan yung sabi dito sa detector eh" sabi ni Ernest habang hawak ang mobile phone niya.

"Baka nagkamali ka lang?" Tanong ko at bumaba din.

"Hindi ito talaga yung sab------" hindi ko siya pinatapos at masayang itinuro ang nakita ko

"Ayan yung hospital oh" natatawang sabi ko at itinuro ang direksyon.

Grabe naman ang mga mata ng mga ito. Bakit di nila nakita agad eh ang laki laki naman ng hospital? Nasa madilim na parte nga lang.

"Asan?" Kunot noong tanong ni Eduard sakin.

Nawala ang ngiti ko at tiningnan sila isa isa na wierd ang tingin sakin.

"Di niyo makita?" Takang tanong ko

"Wala namang kahit ano dyan maliban sa mga puno eh" sagot ni Vier

"Sabihin mo nga kung anong nakikita mo" kunot noong sabi ni Leo

Sinabi ko sa kanila kung anong hitsura ng hospital na lalong nagpakunot ng noo nila.

"Tamang tama ang bawat detalye. Teka lang nakita mo ba kanina sa picture yung hospital?" Sabi ni Erenest

"Hindi" sagot ko at umiling iling.

"HINDI IKAW SI AELA!" sigaw ni Leo at sinaksak ako sa tagiliran.

Napahawak ako sa tagiliran ko dahil sa pagdurugo nun. Saan niya nakuha ang patalim na yun? Panong hindi ako si Aela? Siraulo ba siya?

Nanlaki ang mata ko dahil may kinakalagan silang babae na kamukhang kamukha ko.

"Sandali, anong nangyayari" kinakabahang tanong ko.

Tinutukan nila ako ng kapangyarihan nila kaya namutla ako lalo. Binaling ko sa babae ang tingin ko dahil nag iba ang mukha niya.

Tinuro ko yung babae dahil wala na akong lakas mag salita. Tumama na sakin ang Air blades ni Linda. Napaupo nalang ako sa lupa dahil sa panghihina.

"Aela dito ka sa likod ko. Ikaw ang puntirya ng babaeng yan" sabi ni Vier at hinawakan ang kamay nung babae.

Diba nila nakikita ang mukha nung babae? Pulang pula ang mga mata nun at may mga itim na ugat na kitang kita sa buong katawang niya. Mukha siyang halimaw para ikumpara sa akin.

Sunod na tumama sakin ang fire balls ni Eduard. Abilidad ko ang poison kaya linagyan ko ng lason ang buong katawan ko para di ko maramdaman ang mga sakit na tumatama sa akin.

Pero alam kong mas madali netong mapanghihina ang katawan ko. Maaari kong ikamatay ang pag lason sa sarili ko.

"Hayaan na natin siya, mukhang hindi na siya mabubuhay kailangan na nating hanapin ang hospital" sabi nung babae na sobrang panget ng boses.

"Ayos ka lang ba? Wala ba siyang ginawang iba sayo kanina" nag aalalang tanong ni Vier sa babae.

Umiling naman yung babae. Yinakap niya yun at hinalikan sa noo. Para akong bubuga ng apoy dahil sa kalandian nilang dalawa.

Tangina mo Vier pag talaga ako mabuhay pa kakalbuhin kita. Ramdam ko ang pagdausdos ng luha sa mga mata ko.

Ano bang nangyayari sa kanila? Bakit iba ang mga nakikita nila? Bakit sa babaeng yun nag-aalala si Vier? Tangina oo na nag seselos na ako. Mahal ko na kasi ata eh.

Naka-alis ang sasakyan nila sakto namang may dumating na kalahi ata nung babae pero mga lalaki ang mga ito. Kinaladkad nila ako papasok sa hospital. Puro nalang pag pupumiglas ang nagawa ko kasi wala na akong lakas. Unting kembot nalang matetege na ako eh.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒

+Vote, Comment and Share+

By: Peach_Daday



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missing ProphecyWhere stories live. Discover now