Chapter 8

1 1 0
                                    

Leonardo's Point of View

Sa nangyari kay Aela kahapon, pumutok agad ang balita na isa siyang Robins. Ayaw nilang tanggapin ang katotohanan na isang Minea si Aela.

Hindi din siya pinapalabas sa kanyang kwarto mula ng magising siya. Kulay pula kasi ang mga mata niya, na ayon sa Reyna ay may masamang mensahe.

"Puntahan natin si Aela" sabi ni Eduard na naglalaro ng apoy sa daliri niya.

"Tapatin mo nga ako, may gusto ka kay Aela noh?" Nakangising tanong ko kay Eduard.

Napapansin ko kasi ang kakaiba niyang tingin kay Aela. At lagi siyang naglalaro ng apoy netong mga nakaraan. Na ginagawa niya lamang kung may kakaiba siyang nararamdaman.

Bilang water summoner ay taglay ko ang abilidad ng conclusion. Madali akong makapag conclude ng mga bagay bagay. At ni-minsan ay hindi pa ako nag kamali. Kaya napansin ko agad ang kakaibang pag tingin  ni Eduard kay Aela.

"Sa tingin ko din" biglang sulpot ni Ernest.

"Oo gusto ko siya. Pero mukhang gusto din siya ni Vier" nakangising sabi niya pero halata mo sa mukha niya na malungkot siya.

"Pwede mo naman siyang maunahan eh. Hindi naman gusto ni Aela si Vier" pangumbinsi ko.

"Hays, bahala na nga" sabi niya at lumabas ng kwarto.

Ang kwartong ito ay tambayan naming mga Minea. Madalas kami dito.

"San punta nun?" Takang tanong ni Ernersto.

"Ay oo nga pala, nag aya yun na pumunta kay Aela" sabi ko at kamot batok na sumunod kay Eduard.

☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺

Habang naglalakad kami papunta sa gusaling parisukat ay naka salubong namin si Linda na busangot ang mukha.

"Oh, bakit ganyan mukha mo?" Takang tanong ko.

"Mag- uumpisa ngayong araw ang pag sasanay natin sa mga estudyante dito" sabi niya

"Wag ka ngang bumusangot. Magagalit sayo ang diyosa ng araw niyan eh." Saway sa kanya ni Ernesto.

"Eh naiinis ako sa mga estudyante dito eh. Walang mga galang" sabi niya at sumabay sa aming mag lakad.

Walang taglay na kapangyarihan ang mga estudyante dito. Talagang kami lang at ang mahal na reyna ang meroon. Kung magkakaroon man ng digmaan ay ang kanilang espada lamang ang makakatulong sa kanila para manatiling buhay.

Kaya puspusan ang pagsasanay namin. Kaya lang, umalis ang mga guro para pumunta ng Mortal world. Kaya ito samin napasa ang responsibilidad.

☺☺☺☺☺☺☺☺☺
Nakarating kami sa tapat ng kwarto ni Aela at naabutan si Eduard na nakatayo lang sa labas.

"Uy, bat di ka pa napasok?" Takang tanong ni Ernest sa kanya.

"Ahhh, nahihiya kasi ako" nakangiwing sagot niya.

"Ayyyyyieee, bakit ha?" Pang aasar sa kanya ni Linda at sinundot sundot ang tagiliran ni Eduard.

"Uy ano ba! Tigilan mo nga ako" saway sa kanya ni Eduard.

"Sus, ke bago bago ni Aela dito nabighani ka na agad" sabi ni Linda at binuksan ang pinto ni Aela na di naka kandado.

Pero natigilan kaming lahat sa nakita namin. Naka ibabaw si Vier kay Aela. At nasa sahig sila pareho ngayon.

"WAAAAAAAAAAHHH" tili ni Linda at mabilis na yumakap sakin.

Nilingon naman ako ni Ernest at saka siya nag iwas tingin. Isa pa toh halatang may gusto kay Linda.

"May ginagawa ba silang kababalaghan?" Tanong ni Linda habang nakayakap pa rin sa akin.

"WALA KAMING GINAGAWA" sabay na sigaw ni Vier at Aela.

"We?" Pang aasar ko sa kanila.

"Wala nga" sabi ni Vier at tumayo saka tinulungan din si Aela na tumayo

"B- bat pala kayo nandito?" Tanong ni Aela na di nakatingin samin.

"Kasi ngayon ang umpisa ng pag sasanay natin sa mga estudyante" sagot ni Eduard na di makatingin kela Vier at Aela.

"Huy! Tsansing na yan eh. Kanina ka pa naka yakap sa kanya" sabi ni Ernest at hinila ang likod ng damit ni Linda para mapalayo sakin.

"Ehem!" Pag tikhim ni Vier ng madaan siya sa harap ni Ernest.

Halata mong nang- aasar si Vier dahil medyo sumasayaw pa siya habang naglalakad palayo samin. Sumunod na din sa kanya si Eduard. Sana di mag sapakan ang dalawa na yun.

"Hindi na pula mata mo" sabi ni Linda kay Aela.

Magaan ang loob ko kay Aela. At mukhang ganon din ang iba samin. Kaya ata mabilis kaming napa lapit sa kanya.

"Tara na nga" sabi ulit ni Linda at hinila ang braso ni Aela.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

+Vote, Comment and Share+

By; Peach_Daday

Missing ProphecyWhere stories live. Discover now