Chapter 19

3 1 0
                                    

Eduard's Point of View

"Damit" sabi ni Linda na halatang antok na antok na.

"Andun, mag bihis ka na" sabi ko at di pa rin humaharap sa kanya.

Mahirap na baka kung anong mangyari. Baka kung ano makita ko.

"Bakit dito mo ako dinala?" Tanong ni Linda kaya nilingon ko na siya.

Nakahiga na siya sa kama ngayon. Lumapit ako dun at saka tumabi sa kanya.

"Nasa kwarto niyo si Vier" maikling sagot ko.

Nanigas akong ng yakapin ako ni Linda. Dati naman ginagawa niya sakin toh. Dati naman ayos lang sakin. Pero bakit para akong kinukuryente ako ngayon?

"Goodnight" sabi ni Linda at mas sumiksik sakin

"G- Goodnight" -ako

☺☺☺☺☺☺☺☺

Nag umaga nalang pero wala akong matinong tulog. Hindi kasi ako kumportable na malapit sakin si Linda. Di ko rin mapigilang maisip kung anong nangyayari sakin.

Si Aela ang gusto ko. Alam kong siya yun, pero bakit ganito ang ina-asta ng puso ko tuwing nasa malapit si Linda?

"VIER! GUMISING NA KAYO!" sigaw ni Ernest mula sa labas.

Napansin kong medyo gumagalaw na si Linda kaya medyo kumilos na din ako. Ang dali niyang magising.

"Linda, gising na. Papasok pa tayo" sabi ko at tinapik tapik siya.

Tinanggal ko na din yung kumot namin. Kaso mas humigpit yung yakap niya at idinantay niya pa ang binti niya sakin. Kitang kita ko tuloy ang legs niya ngayon.

Wala kasi siyang ibang damit kaya damit ko ang ipinasuot ko sa kanya at boxer ko.

"Tara na----" natigilan ako dahil biglang lumitaw si Ernest sa may paanan namin.

"Ernest" gulat na banggit ko sa pangalan niya.

"A- anong ginagawa ni Linda dito?" Gulat na tanong niya din.

"Yung t-shirt ko din nasa cabinet ni------" natigilan din sa sasabihin niya si Leo na kakabukas lang ng pintuan ng makita ang posisyon namin ni Linda.

"Nasan si Vier?" Alangang tanong ni Leo.

"Nasa kabilang kwarto" sagot ko.

"Patay na"- Leo

☺☺☺☺☺☺☺☺☺

Hindi na ako pinansin ni Ernest mag mula kaninang umaga. Malamang ay galit siya sa akin. Yakap yakapin ko ba naman ang babaeng mahal niya.

Kahit na magkababata kami ni Linda ay talaga namang kung ako siya eh mag seselos talaga ako. Kaya ngayon ay kailangan kong gumawa ng paraan para maka usap siya.

" Kumuha ka ng plato mo, lalasunin kita eh" bulyaw ni Aela at inambahan ng suntok si Vier.

Nasa bahay kami ngayon at nagtatanghalian. Dalawang oras naman ang lunch break kaya umuwi muna kami. Nakatanggap kasi kami ng bagong impormasyon tungkol sa isa pang dyamante.

Masyado na kaming matagal dito sa mundo ng mga tao, kailangan na naming makabalik sa Academya. Kaya dapat ay magawa na namin ang mga dapat naming gawin.

☺☺☺☺☺☺☺☺☺
✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉

Aela's Point of View

"Ang arte arte mo" sabi ni Vier at kinuha ang kutsara ko.

Napaka tamad talaga ng hinayupak na ito.

"Sino kaya dito ang nag iinarteng ayaw kumuha ng plato niya?" Sagot ko din.

Biglang may bumubulusok na plato papunta sa direksyon namin. Mabuti nalang at nasalo ko yun bago pa may tamaan sa aming dalawa ni Vier.

"Ayan oh" sabi ko at isinampal sa kanya ang platong ibinato ni Ernest.

Kanina pa yan badtrip. Nalaman ko kasi na nag seselos daw yan kasi magkayakap na natulog si Linda at Eduard.

Mas boto pa rin talaga ako kay Ernest at Linda. Wala akong pake diyan kay Eduard. Panira siya sa ginagawa kong loveteam.

"AYUN!" sigaw ni Leo at nagtatalon sila ni Linda.

Kanina pa sila tapos kumain kaya sila na ang naghanap ng lokasyon ng dyamante. Mahirap daw i-trace lalo na at mukhang may mga sealed ang mga ito.

"Saan?" Tanong ko

"Melendrez Hospital" sagot ni Linda.

"Ano? Mamayang gabi?" Nakangiting tanong ni Leo na sinang ayunan namin.

Sana lang ay matapos na namin ang mga misyong itinalaga samin. Pansin ko kasi ang kakaibang kulay ng liwanag tuwing nakikita ko ito. Ang liwanag ang kapangyarihan ng mahal na reyna. Kaya maaring meroong nangyayaring hindi maganda sa kaniya ngayon. O kaya sa academy.

"Wala ng ulam" reklamo netong katabi ko.

Napasilip naman ako kay Ernest na mukhang napag diskitahan ang ulam namin. Gigil na gigil siya habang nginunguya ang mga ito.

"Sige na nga, hati na tayo" pag suko ko at sinungalngal siya ng kutsara kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Bakit ba wala ka manlang extra sweetness? Ang sama mo sakin eh" sabi ni Vier at uminom ng tubig.

Naku wag ka nang humiling baka langgamin tayo pag ako ang naging sweet.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

+Vote, Comment, and Share +

By: Peach_Daday

Missing ProphecyWhere stories live. Discover now