Chapter 5

2 1 0
                                    

Aela's Point of View

"Sa matagal na panahon na wala ka dito sa academya. Saan ka nanirahan?" Tanong sakin ng mahal na reyna.

"Sa Hermenia po" sagot ko

Nagkatinginan sila at para bang takang taka na talaga sila sa mga nangyayari. Sumabog sana mga utak niyo, tss.

"Matagal ng wala ang Hermenia" sabi ng reyna.

"Pinagtri- tripan ata tayo ng babaeng ito eh" sabi nung isang lalake. Pag tripan kita jan eh.

"Bumagsak lang po sa ibaba ang bayan ng Hermenia. Hindi po yun tuluyang nawala" sabi ko.

"Meron din po akong mga kasamahan sa ibaba. Kailangan namin ang tulong niyo" dugtong ko.

Pwe! Kilala akong walang modo sa Hermenia tapos ang galang galang ko ngayon. Nakakasuka!

"Paano naman namin masisigurong hindi ka kakampi ng mga Robins?" Sabi nung babae at tinarayan ulit ako.

Dudukutin ko mata neto! Kanina pa ako tinatarayan eh!

"Hindi ko kayo pipiliting paniwalaan niyo ako. Ang gusto ko lang ay ang matulungan niyo sana ang mga kasamahan ko sa ibaba" sabi ko.

"Dadalhin ka namin sa infinity room. Kailangan naming makasiguradong hindi ka traydor!" Sabi nung Vier at kinaladkad ako

"SANDALI!" sigaw ng mahal na reyna bago pa kami maka labas ni Vier.

"Ha?" Gulat na tanong ni Vier.

"Pwede bang iwan niyo muna kami ni dito?" Sabi niya.

"Pero kamahalan"

"Ayoko nga"

"Buhatin na natin toh si Ernest"

Puro reklamo lalabas din naman pala. Ano bang problema nila at ayaw nila akong pagkatiwalaan? Hindi ba katiwa- tiwala ang ganda ko?

"Sabi ko iwan niyo kami" sabi ng kamahalan ng mapansin na nasa loob pa rin si Vier

"Ito na nga eh" sabi niya at lumabas na.

"Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong niya at sinenyasan akong umupo.

"Aela" maikling sabi ko at umupo

"Totoo ba ang mga sinasabi mo?" Tanong niya.

"Opo" sabi ko at tumikhim.

Ayaw talaga nila maniwala -__-

"Paniniwalaan kita, dahil na rin sa taga Hermenia ka. Nakita ko ang pakikipag laban mo kay Ernesto kanina, magaling ka. Nais kong sanayin mo ang mga mag-aaral dito ng sa ganon ay magawa nating matulungan ang mga taga Hermenia" sabi niya.

Teka, ano daw? Weh!

"Pero, meroon naman pong mga guro dito diba?" -ako

"Ang mga mandirigmang guro ay  nasa mundo ng mga tao ngayon. Nagbabaka- sakali kami na mahahanap nila doon ang libro ng propisiya" sabi niya.

No choice

"Karangalan ko po ang sundin ang utos niyo, kamahalan" sabi ko at yumuko sa kanya.

"Maraming salamat, sasabihan ko na lamang ang iba pang Minea para ikaw ay tulungan" sabi niya na tinanguan ko lang.

"Halika at sasamahan kita sa iyong kwarto" sabi niya.

Mapanuring titig agad ang sumalubong samin ng madaan kami sa kumpol ng mga estudyante. Tutusukin ko mga mata neto -__-

"Nay" nauunang mag lakad sakin ang mahal na reyna kaya nabigla ako ng huminto siya at lumingon sa sumigaw.

"Ano na namang kalokohan ang ginawa mo Vier!" Tanong ng Reyna.

Punong puno talaga siya ng autoridad. Mag ina pala sila? Ahh kaya pala ang lakas ng loob ng Vier na ito eh.

"Ano?! Wala akong ginawang kasalanan noh" sabi niya at ngumiti.

"Kung ganon ay bakit mo ako tinawag?" Tanong ng mahal na reyna.

"Ako nalang maghahatid sa kanya" sabi niya at inakbayan ako.

Naglahad din siya ng kamay sa mahal na reyna at para bang nanghihingi ng kung ano. Tinitigan muna siya ng mahal na reyna bago ibigay ang isang susi.

"Sa dulong kwarto sa ikalawang palapag. Gusaling parisukat" sabi ng reyna at linampasan na kami.

"Salamat po" sabi niya at kumaway pa sa mahal na reyna na di naman siya pinansin.

"Anong pinag usapan niyo?" Tanong niya. Naka akbay pa rin sakin yan -__-

"Kung paano ka kikitilan ng buhay" pabalang na sagot ko at tinanggal sa balikat ko yung kamay niya.

"Weh?" Napatampal nalang ako sa noo ko dahil sa sagot niya.

"Ewan ko sayo" sabi ko at mas binilisan ang lakad.

Pero napahinto din ako ka agad dahil sa nakita ko sa daanan.

Kuneho

+++++++++++++++++++

+ Vote, Comment and Share +

By; Peach_Daday

Missing ProphecyWhere stories live. Discover now