Chapter 7

3 1 0
                                    

Aela's Point of View

Nakarating kami sa sinasabi nilang plaza at naka lingkis pa rin sakin si Linda. Inaway kasi siya ng mga kasama naming lalake kaya sakin siya dumikit ng dumikit. Parang kanina lang ang salbahe neto sakin ah?

"Ang tagal niyo. Kayo nalang kaya hinihintay. Mga pa spesyal" sabi ni Vier.

Nakapila ang mga studyante ngayon at parang magkakaroon ng seremonya ng pagtataas ng watawat.

"Tumayo ka na diyan" sabi ni Linda at itinuro ang isang bilog na kulay abo sa gitna nina Eduard at Vier.

Tumango nalang ako at tumapak na doon. At kakaiba ang pakiramdam ko habang naka apak doon. Para bang lumulutang ako at di ko maramdaman  yung sarili kong katawan.

Iba ang kulay ng mga bilog naming apakan kesa sa ibang estudyante sa likod namin. May mga simbolo ng hayop ang mga apakan namin. Yung kanila naman ay simpleng kulay puti lang na bilog.

"I balanse mo ang sarili mo. Baka matumba ka" sabi ni Vier matapos niya akong masalo nung muntikan na akong matumba.

Diko ko kasi maramdaman ang katawan ko kaya di ko alam kung pano ako mag ba- balanse.

"Sino yung isang babae?"

"Bakit nandyan siya?"

"Bakit anim na sila?"

"Yan yung bagong Minea"

"Magandang umaga sa inyong lahat" nakangiting sabi ng mahal na reyna.

Sinagot naman namin siya ng magandang umaga. Napansin ko din na nasa likod niya ang mga guro at nakatayo din sa bilog na apakan.

"Ngayong araw, ay nakatakda nating gawin ang ritwal sa pag tanggap ng enerhiya mula sa araw. Huwag niyo din kakalimutan ang pagpa- pasalamat sa diyosa ng araw pag natapos. Kailangan dito ang pokus ng bawat isa. Dahil dalawang beses lamang sa isang taon natin ito maaring gawin" sabi ng Reyna at umpak na din sa nakahandang apakan sa kanya.

Tumingala ang mahal na reyna at pumikit. Napalingon ako sa mga katabi ko at ganon na rin ang ginagawa nila. Taranta ko naman silang ginaya. Bakit may ganito na dito? Nag aral din naman ako dito dati pero walang namang ganito.

Unti unti kong naramdaman na umaangat ang inaapakan ko. At parang may inerhiyang nabubuo sa mga daluyan ng dugo ko. Pero ka akibat nun MASAKIT.

"AHHHHHH" sigaw ko dahil sa sakit.

Sumakit din ng sobra yung puso ko. Waaaaaaaaaahh mamatay ata ako dahil sa pagkuha ng enerhiya neto eh.

Napa- pikit ako ng mariin ng maramdaman ko na parang may lalabas na enerhiya mula sa kamay ko.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦♦

Ernesto's Point of View

Ang sarap sa pakiramdam ng natatanggap kong enerhiya. Parang buhay na buhay ang katawan ko ngayon. Nang makapag- pasalamat na ako ay minulat ko na din ang mga mata ko.

Napatingin ako sa mga estudyante sa likod ko na nakangiti ngayon. Gaya ko ay mukhang positibong enerhiya ang ibinigay sa kanila ng Diyosa ng araw.

"AHHHHHH" napalingon ako sa dereksyon ng sumigaw at nakitang si Aela yun.

May tumatamang liwanag sa dibdib niya at kitang kita ang dugong dumadaloy sa braso niya kung saan nandun ang markang bulaklak na katulad ng meron kaming ibang mga Minea.

"Anong nangyayari sa kanya?" Nagtatakang tanong ni Linda na nasa tabi ko na pala.

"Mukhang ibang enerhiya ang natatanggap niya" sabi naman ng Leo

"Ayaw ata sa kanya ng diyosa ng araw" dugtong ni Eduard

"Hala, lumuluha siya ng dugo" tarantang sabi ni Linda at napatakip sa bibig.

Maging kami ay di maka paniwala sa nakikita. Pwede siyang mabulag pag nagkataon dahil sa pagdudugo ng mata niya.

Napatingin ako kay Vier na kunot noo lamang na pinanu- nood ang naghihirap na si Aela.

"LUMAYO KAYO SA KANYA" sigaw ng mahal na reyna.

"AHHHHHHH" kasabay ng sigaw ni Aela ay ang pagpapakawala niya ng light ball.

"Teka, diba metal summoner siya? Bakit meron siyang ganon kapangyarihan?" Nagtatakang tanong ni Eduard

"Hindi tinatanggap ng katawan niya ang enerhiya mula sa araw" sabi ni Vier at ikinulong sa shield na gawa sa kapangyarihan niya si Aela.

Sigaw lang siya ng sigaw at sunod sunod din ang pag papakawala niya ng kulay puting liwanag. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil din siya. Pero nanatili paring nakapikit ang mga mata niya. Mabilis kaming lumapit sa kanya ng matumba siya.

Iinupo siya ni Vier at ginising. Nagmulat naman siya ng mata at parang pagod na pagod. Natuptop ko ang bibig ko dahil kulay pula ang mga mata niya.

"Mamatay na ata ako eh" sabi ni Aela at nawalan na ng tuluyan ng malay.

"Dalhin na natin siya sa pagamutan" sabi ni Leo.

Binuhat naman siya ni Vier at mabilis kaming nagtungo sa pagamutan.

"Nasaan ang Ascarde?" Pambungad na tanong ni Linda

(Ascarde- isang uri ng mang- gagamot)

"Nasa bahay pahingahan niya po" sabi ng babaeng nandito.

"Ako na pupunta sa kanya" sabi ko at nag teleport papunta sa bahay pahingahan ng Ascarde.

Dahil ako ang nag- mamay ari ng kapangyarihan ng kalikasan ay nasa akin din ang abilidad na Teleportation. O ang paglipat ng lugar sa isang iglap lamang.

Kumatok ako ng tatlong beses sa kanyang pintoan at binuksan niya naman yun.

"Anong maipaglilingkod ko?" Nakangiti niyang tanong.

"Kailangan ka namin sa pagamotan. May kasamahan kaming kailangan mong matingnan" sabi ko at hinawakan siya sa kamay.

Mabilis akong nag teleport papuntang pagamutan. At syempre dahil hawak ko ang kamay ng Ascarde ay kasama ko siya ngayon.

"Walang galang na bata. Hindi pa nga akong pumapayag" sabi niya at nilampasan ako.

Nilapitan niya si Aela at may hinawakan sa leeg. Sinenyasan niya din kaming lumabas na ginawa naman namin.

+++++++++++++++++++++

A/N: Hindi ako fluent mag tagalog kaya may mga halong English tong story. Sana okay lang sayo. Sorry di po kasi ako professional author.

+Vote, Comment and Share+

By: Peach_Daday

Missing ProphecyWhere stories live. Discover now