Chapter 13

2 1 0
                                    

Aela's Point of View.

Unang araw namin ngayon sa Mt. Eves University. Gaya ng unang araw ko sa Hermenia Academy ay mapanuring mata ang ibinungad samin ng mga estudyante.

Ibang iba ang mundo ng mga mortal sa mundo namin. Dito madaming sasakyan, sobrang init at malalaki ang mga gusali.

"Ang ganda ng paaralang ito" sabi ni Ernest habang naglalakad kami patungong una naming klase.

Ang ikli ng palda ko, ito kasi ang uniporme dito. Nung dumaan din ako kanina sa gate may na detect daw na metal sa mga dala ko. Ayun hinalungkat nila yung bag ko, tawa naman ng tawa yung mga kasama ko.

Duh, nasa loob ng katawan ko ang metal na na de- detect nila. Humingi naman sila ng tawad ng wala silang mahanap na kahit ano sa mga gamit ko. Sabi din nila baka nasira lang yung metal detector nila.

"Andito na tayo" sabi ni Eduard at pinihit ang pinto ng isang silid.

"GOOD MORNING, WHAT CAN I DO FOR YOU?"  Tanong ng babae sa harapan na tingin ko ay isang guro.

"Kami po yung late transferies" Sagot ni Leo.

Mukhang mapapasabak kami sa mga wikang banyaga dito. Sinulyapan ko ang mga magiging ka klase namin at mukhang mas malala sila kesa sa mga estudyante ng Hermenia.

"They are handsome"

"Ang ganda nung dalawa pre. Chicks"

"Omg, im gonna make him mine"

"Kindly introduce your self first" sabi ulit nung guro

"Hi, Im Rosalinda. But please call me Linda" sabi ni Linda na medyo ikina mangha ko.

Marunong na ata silang mag english. Sabagay ilang beses na silang pumunta dito sa mundo ng mga mortal.

"Ernest"

"Leo"

"Vier"

"Aela"

Ginaya ko yung pagpapa kilala nila. Nakakatamad na din kasing mag salita eh. Daldalan kasi kami ng daldalan ni Linda kanina.

"I am Mrs. Vina your English Teacher.  Pwede na kayong maupo" sabi niya.

Napansin kong magkakahiwalay ang mga upuan na walang nakaupo kaya napatingin ako sa mga kasamahan ko.

Mukhang nakaramdam naman yung mga ka klase namin kaya lumipat sila ng upuan kaya nagawa naming maupo sa likod na magkakatabi.

✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉

Natapos ang una naming klase kaya napag desisyonan namin na wag pumasok sa ikalawa para hanapin ang gurong Alanis.

"Ahhmm miss may kilala ka bang guro na Alanis ang pangalan?" Tanong ni Leo sa isang babae.

Mukhang kinilig naman yung babae. Talaga naman kasing may mga itsura ang lahi naming mga Helens.

"Bago lang din po ako dito eh. Sa iba nalang po kayo mag tanong" sabi niya at umalis na.

Pagka alis nung babae iba na naman yung pinagtanongan ni Leo.

"Ahh alam ko Filipino teacher siya eh. Try niyong puntahan sa Filipino Faculty" sagot nung babae at wagas kung makangiti kay Leo.

"Salamat" sabi ni Leo at inaya kaming hanapin ang Filipino Faculty.

"Ako na nga maghahanap---" di natapos ni Ernesto ang sasabihin niya ng pigilan siya ni Linda.

"Hindi, baka may maka kita sayo kapag sumulpot ka nalang kung saan. Sama sama nating hahanapin ang faculty na yun" sermon ni Linida kay Ernest kaya nanahimik nalang yun isa.

✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉

Nahanap namin yung faculty kaya mabilis namin siyang ipinag tanong.

"Andito po ba si Mr. Alanis?" tanong ni Eduard at bahagyang sumilip silip sa loob.

"Anong kailangan niyo sa akin?" Sabi niya at tumitig sa mga mata ko.

Sakin talaga? Problema neto?

Matipuno ang pangangatawan niya. Kahit na alam mong matanda na ito at bakas pa rin ang lakas neto sa katawan.

Tinitigan ko rin siya at nginisihan. Napalunok siya at tumalikod.

"Madami akong ginagawa sa susunod nalang kayo bumalik" sabi niya.

"Tinakot mo eh" sabi sakin ni Vier kaya tinarayan ko nalang siya.

"Bigyan mo kami ng kahit kaunting sandali para maka usap ka" sabi ni Eduard.

Mabuti nalang at walang ibang tao dito maliban samin. Nasaan kaya ang ibang guro ng filipino?

"Sa susunod na lang-----" natigil agad siya ng may metal na humarang sa daraanan niya.

"Sasama ka o hindi?" Pananakot ko.

Napansin ko kanina na natatakot siya. Anong ikinatatakot niya?

"Baka may maka kita dito sa metal na bagay na yan" sabi ng gurong alanis kaya pinaglaho ko ang metal ko.

"Sa rooftop nalang tayo mag usap" sabi ni Linda at nauna ng maglakad.

Hinawakan ni Ernest ang braso ng gurong Alanis at saka nag laho. Mukhang nauna na sila sa rooftop.

Naiwan kami nina Leo, Eduard at Vier. Nagmadali kaming naglakad para muling makapasok sa gusali na kung tawagin ay Main Building.

"Kaklase ko yan sila beh"

"Ang ganda at pogi talaga nila"

"Vier crush kita"

"Eduard marry me"

Mukhang kilala na kami agad dito sa paaralang ito kahit unang araw pa lamang namin. Hinila ako ni Vier sa braso ng mapansing nahuhuli ako.

Ilang hagdan din ang inakyat namin. At di mawala sa usap usapan ng mga tao dito ang mga pangalan namin. Tapos laging nandoon ang salitang FESTIVAL na malapit na daw mangyari.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

+ Vote, Comment and Share +

By; Peach_Daday

Missing ProphecyWhere stories live. Discover now