Chapter 10

2 1 0
                                    

Aela's Point of View

Inumpisahan naming ituro ang pinaka madali. Ang dami na namang nag reklamo, kesyo alam naman na daw nila yun. Nang- gigigil na talaga ako sa mga ito eh.

"Wag kayong maarte" sigaw sa kanila ni Linda

Wala namang nagawa ang mga estudyante kundi ang sundin ang sabihin namin. Ang hirap nilang turuan sa totoo lang. Palibhasa mga anak mayaman.

"Hays, napapagod ako sa kakasaway eh" reklamo ko at umupo sa lapag.

Tinabihan naman ako ni Vier at inalok ako ng tubig. Tinanggap ko yun at uminom, binalik ko din sa kanya agad ng matapos ako. Napangiwi nalang ako ng uminom din siya dun.

"Bakit?" Patay malisyang tanong niya.

"Wala" sabi ko at nag iwas tingin.

Ang gwapo niya pala talaga. Sabagay prinsipe ang isang ito eh. Pero nakakpag taka na sa kanya ibinigay ng hari ang isinumpang kapangyarihan. Mahirap daw gamitin yun eh.

"Alam mo may naisip akong paraan para maisa ayos sila" sabi ko habang nakatingin sa mga nag sasanay

"Ano?! Siguraduhin mong matino yan" sabi niya

Nanlilisik naman ang mata kong nilingon siya. Akala niya ba sakin di matino? Paldova!

"Syempre, di naman tayo magka- lahi eh" sagot ko at tinarayan siya.

"Gagawa palang kasi tayo ng lahi" sagot niya na nagpatigil sakin.

Isama mo pa ang ngiti niyang nakaka asar. Tumayo na siya at ilinahad ang kamay sakin. Tinanggap ko yun at tinulungan niya akong tumayo.

"Sandali, may naisip na paraan si Aela para mas mapadali ang pag sasanay" sabi ni Vier.

Nakuha niya ang atensyon ng lahat kaya ginawa kong paraan yun para mag salita.

"Sa lahat ng ayaw ng mag sanay pumila sa unang linya. Sa mga medyo may alam na sa pakikipag laban pumila sa ikalawang linya. At sa mga baguhan at gusto pang malaman mula umpisa ang mga teknik sa pakikipag laban ay pumunta sa ikatlong linya" sabi ko na sinunod naman nila.

Yan dapat ganyan, hindi yung nag iinarte pa. Nakaka- gigil eh.

"Tapos?" Takang tanong ni Ernest.

"Sa mga nasa unahang linya si Vier at Eduard ang bahala sa inyo. Sa ikalawang linya sina Ernest at Linda. At kami ni Leo sa ikatlo" sabi ko.

Napansin ko naman ang pagtata talon ni Ernest sa gilid. Hala muntanga siya dun.

"Yun na yun?" Tanong naman ni Eduard.

"Paglalaban labanin ang mga nasa grupo nila Vier. Ihahanda sa laban ang nasa grupo nila Linda. At mananatiling nag sasanay ang mga nasa grupo namin ni Leo."
Sabi ko.

Madaming nagulat sa sinabi ko at may mga lumipat mula unang ng linya papuntang . Ang yayabang ng mga ito takot din palang masugatan.

Kakaunti lang ang napunta sa grupo namin ni Leo. Halos lahat ay nasa grupo nila Vier. Tingnan lang natin kung di nila gustuhing mag sanay sa susunod na mga araw.

"Magaling kang mag isip" puna sakin ni Eduard.

Nginitian ko naman siya. Pero ang totoo nun ay pumapalakpak na ang mga tenga ko. Pinuri niya ako ayieeeee. Ang galing ko daw oh.

Pero napatigil ako ng may mang batok sa akin. Tiningnan ko naman agad ng masama ang hinayupak na gumawa nun.

"PROBLEMA MO?!" Galit na tanong ko sa kanya.

"Makangiti wagas. Mukhang kang mangkukulam sa ngiti mo nakakatakot" sabi ni Vier at linampasan ako.

"INGGIT KALANG KASI KUMPLETO NGIPIN KO" sigaw ko.

Napangiwi ako ng lingunin niya ako ng walang kahit anong ekspresyon sa mukha.

"Biro lang" sabi ko ng malapit na siya sakin.

"Takot ka pala eh" sabi niya at hinila ako sa braso.

"Huy ano ba, mag sasanay kami" reklamo ko sa kanya at tinangkang hilahin ang braso ko. Kaso ang lakas niya.

"Kaya na ni Leo yun" sabi niya at patuloy akong hinila.

✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉

Kanina pa kami lakad ng lakad at ayaw niya ding bitawan ang braso ko. Nakarating kami sa mapunong parte ng academya kung saan ako pumasok noon.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko ng pumasok kami sa loob ng gubat.

"Wag kang maingay" saway niya sakin at nag patuloy sa paglalakad.

Napataray nalang ako sa kawalan dahil sa ginagawa ng isang ito.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

+ Vote, Comment and Share +

By: Peach_Daday

Missing ProphecyWhere stories live. Discover now