Prologue

23 2 0
                                    

Hermenia isang mayamang bayan NOON. Dito nakatira ang mga mayayamang tao sa magical world. Naging payapa ang magical world matapos ang digmaan sa pagitan ng mga Helens at Robins

Helens ang tawag sa mga mabubuting magicians. Robins naman para sa mga masasama. Nanalo ang Helens laban sa kasamaan. Pero kapalit neto ay ang pagkamatay ng Haring Martin ng Magical World.

Isinakrpisyo niya ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng lahat. Ngunit bago siya mamatay ay ipinasa niya ang kaniyang mga kapangyarihan.

Usap usapan noon na kasabay ng pagkamatay ng Hari ay ang pagkawala ng Libro ng propisiya. Kaya lingid sa ka- alaman ng lahat na may panibagong pag atakeng pinaghahandaan ang mga kalaban.

Limang taon makalipas ang pagkamatay ng Hari ay nagkaroon ulit ng digmaan. Hindi naging handa ang mga Helens kaya marami ang namatay.

Hindi din nila inaasahan ang malawakang pagpapasabog sa magical world. Lumubog ang bayan ng Hermenia na noon ay nakalutang lang pala sa hangin. At ang kapangyarihan lamang ng Haring Martin ang nakpag- papalutang dito.

Tanging ang Academya na lamang ng Hermenia ang nanatiling nakalutang dahil sa kapangyarihan ng Reyna. Ang Reyna ay ang nagsisilbing Principal sa paaralang ito kaya mas pinili niyang protektahan ang Academya kesa sa Kaharian.

Naging malaking pagluluksa ang ginawa ng mga estudyante dahil sa pagkawala ng mga mahal nila sa buhay na naisama sa paglubog ng Hermenia.

Ang alam ng lahat ay tuwing matatapos ang isang digmaan ay may lilitaw na libro ng propisiya. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay bigo sila.

Ngunit hindi nagpabaya ang Reyna, pinapag sanay niya ang mga estudyante para sa posibleng digmaan.

Bagaman ay nasa mga estudyante ang takot na baka ay mamaya o bukas ay magkaroon ng digmaan, ay nagawa pa rin nilang maging masaya. Dahil yun ang gusto ng Reyna.

Ayaw ng Reyna na balutin ang Academya ng lungkot at takot. Dahil ang academya na lamang ang tanging nasisinagan ng araw. At ayaw niyang magalit ang dyosa ng araw dahil sa kalungkutan nararamdaman ng mga estudyanteng kanyang binibigyan ng Enerhiya mula sa sinag ng araw.

Lumipas ang mga taon at isa isa ng nabunyag ang mga batang nagtataglay ng kapangyarihan ng  Haring Martin na kung tawagin ay mga Minea.

(Mi-ne-ya/Mineya)

Nabuo ang apat na Minea na nagtataglay ng kapangyarihang Tubig, Apoy, Hangin at Kalikasan. Pero isinama din sa kanila ang anak ng Hari. Ang Minea na nagtataglay ng Cursed Magic.

Ngunit hindi nila alam na meroon pang isang Minea na nasa labas ng Academy. Naisama siya sa paglubog ng bayang Hermenia. Siya ang nagtataglay ang Invisibility, poison at isa din siyang Metal bender.

Paano kaya nila malalaman ang hinaharap kung patuloy paring nawawala ang Libro ng Propisiya?

Magagawa ba nilang makaligtas?

Muli bang magwawagi ang mga Helens laban sa Robins?

Abangan....

*****************

Must Read!

This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious unless otherwise stated.

No parts of the story may be reproduced distributed or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the Author.

Plagiarism Is A Crime!!

+ Vote, Comment, Share +

By: Peach_Daday

Missing ProphecyWhere stories live. Discover now