Chapter 14

3 1 0
                                    

Aela's Point of View

"Bakit mo kami iniiwasan?" Pambungad na tanong ni Edward sa gurong Alanis ng maka rating kami sa taas.

"Wala akong iniiwasan" sabi niya at umupo sa silyang nasa gilid.

"Mga Helens kami" sabi ni Leo na mukhang di naman pinansin ng gurong Alanis.

"Ano na namang kailangan ng mga Helens sa akin?" Tanong niya.

"Nais ng reyna na ikaw ay bumalik sa academya" deretsang sabi ko.

"Pinaratangan nila ako ng hindi totoo at ngayon ka- kailanganin nila ako? Ayoko, hinding hindi na ako babalik sa Hermenia" sabi niya at lumabas na ng Rooftop.

Tinanaw nalang namin ang likod niya hanggang sa naka alis siya. Mukhang may hinanakit siya sa Hermenia.

"Alam niyo ba ang tungkol dun?" Tanong ko.

"Napagbintangan siyang nage-espiya. Ayun rin daw sa sabi sabi isa siyang Robins dahil sa taglay niyang abilidad.Ikinulong siya sa kweba ng 100 araw. Pero napatunayan na siya ay hindi nagka- sala. Dinamdam niya ito kaya siguro ayaw niya ng bumalik doon" sagot ni Leo na naglalaro ng tubig sa kamay niya.

"Pag tuonan muna natin ng pansin ang paghahanap sa mga dyamante bago natin problemahin itong guro. " sabi ni Vier at naglakad na ulit.

At syempre nahila ako kasi nga hanggang ngayon ay hawak niya pa rin ang kamay ko. Ano bang problema niya? Ayaw niyang bitawan ang kamay ko eh. -___-

"Pumasok na tayo sa sunod nating klase" rinig kong sabi ni Eduard.

Rinig ko naman ang mga yapak nila na naka sunod sa amin. Ilang beses kong sinubukan na hilahin ang kamay ko, pero naka ngisi lang ang gago at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kamay ko.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒

Kanina pa namin hinihintay ang guro namin pero walang nadating. Kanina pa din ako kinukulit netong si Vier. Katabi ko kasi siya at sa kabila naman si Leo na nakatulala.

"GOOD MORNING CLASS. SORRY IM LATE" sabi ng kakapasok lang na guro at inayos ang salamin niya.

Sobrang gulo ng buhok niya at ang dami niyang dala dalang mga gamit. Halata talaga na madami siyang ginagawa.

Walang nag abalang tumayo pero may mga bumati naman sa kanya ng goodmorning.

"Alam niyo naman na ako ang Adviser niyo hindi ba? Sa darating na festival-------" guro

"Woooooh, festival na"

"Maam anong petsa ang festival"

"Sino ang gaganap nating lakambini at lakandiwa?"

"SANDALI! PAG SALITAIN NIYO MUNA AKO" sigaw ng guro.

Naramdaman kong bumigat ang kaliwang balikat ko at napansin kong sumandal dun si Vier. Hinawakan niya din yung isang kamay ko at pinaglaruan yun.

Nabagok ba toh? Bakit ganito siya umasta?

"Ang pinaka pinag fo- focusan ng festival ay ang Lakandiwa at Lakambini. Ngayon kailangan nating piliin kung sino ang may pinaka pinalad na mukha para sa event na ito" rinig kong sabi ng guro.

Hindi ako interesado kasi hindi naman yan ang ipinunta ko dito. Iba ang misyon ko at hindi ang festival na yan.

"Ang panget ng kuko mo" sabi ni Vier kaya napatingin ako sa kuko ko at napakunot ng noo.

"Hindi naman ah? Patingin nga nung sayo" Sabi ko at hinawakan yung kabila niyang kamay.

At talagang nahiya ang mga daliri ko sa ganda ng mga daliri niya. Ang linis din ng kuko niya.

"Malinis yan, yung sayo tingnan mo ang hahaba" sabi niya at pinindot ang mga kuko ko.

"Nagagawang pumatay niyan uy. May spesyal na abilidad ako na panglalason. Nagagawa kong patayin ang aking kalaban kahit na masugatan ko lang sila gamit ang kuko ko" depensa ko.

"Panget parin. Kasing panget ng mukha mo------" natigilan siya sa kakasalita.

Napansin kasi namin pareho na tahimik ang buong kwarto at nakatitig samin ang mga kaklase namin. Tapos bigla nalang silang nagtilian.

"Ayieeeeeeee"

"Omg, bagay sila"

"Ang sweet nila tingnan"

Napa- ayos ng upo si Vier at binitawan ang kamay ko. Yung mga ka- klase naman namin nakatingin pa rin samin ng mapang asar.

"Mukhang may napili na kayo" nakangiting sabi ng aming guro.

"Ano daw?" Walang ka ide- ideyang tanong ko kay Leo.

Kaso mukhang ngayon lang natauhan sa pagka tulala niya si Leo at tanong lang din ang isinagot sa akin.

"Ahh bago ba kayo dito?" Tanong nung guro sa amin.

"Opo" sagot ni Linda.

"Kayong dalawa, can you please stand here infront" nakangiting sabi ng guro sa amin.

"Gusto niyo bang sila ang maging lakambini at lakandiwa ng inyong pangkat?" Tanong ng guro sa aming mga ka klase.

"Opo"

"No, mas bagay kami ni Vier"

"Matatalo tayo"

"Yes na yes po maam"

"Magpakilala nga kayo" sabi ulit ng aming guro.

"A-ako si Aela Rehmia" nag aalangang sabi ko.

Sa mundo namin ay hindi kailangan ang apelyido pero dito ay kailangan. Kaya gumawa gawa nalang ang reyna ng mga salita na maari naming gamitin bilang apelyido.

"Vier Tyalro" sabi ni Vier at ngumiti.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

+Vote, Comment, and Share +

By; Peach_Daday

Missing ProphecyWhere stories live. Discover now