Chapter 4

2 1 0
                                    

Aela's Point of View

Nagising ako ng makaramdam ng kakaiba sa buhok ko. Para bang may humihimas himas nun.

Bumangon ako pero wala akong nakitang kahit sino sa paligid. Nasa isang putol na puno din ako. Sino nagdala sakin dito?

Tumayo ako at inayos yung hood ko. Pero natigilan ako ng maalala ko ang mga nangyari kanina. Kinapa ko yung lahat ng parte ng katawan ko para mag hanap ng masakit o kaya ay sugat.

Ang alam ko nasaksak ako ng kutsilyo ng ilang beses. Pero kahit unting galos man lang ay wala ako. May lahing bampira na din ba ako? Naghihilom ang sugat? Weh? Impossible.

"Ano yun?" Mahinang bulong ko ng mapansin ang isang puting buntot sa likod ng isang puno.

Linapitan ko yun kaso tumakbo yun ng sobrang bilis kaya tinanaw ko nalang siya mula dito. Huminto yun at tumingin sakin, pero nag patuloy din ulit sa pag takbo palayo.

"Puting Uso" sabi ko.

Lumakas ang hangin at para bang itinutulak ako neto papunta sa isang lugar. Naglakad ako papunta dito at kasiyahan ang bumungad sakin. Tanaw ko na mula dito ang mga gusali ng academya.

Gumawa ako ng hagdanan na gawa sa metal gamit ang mahika ko. Matatagalan pa kasi akong maghanap ng daan para makababa. Pero kapag nalalampasan ko na ang ilang baitang ay naglalaho na yun.

************
Ng makarating ako sa field ng academya ay agad akong pinalibutan ng mga estudyante hawak ang mga sandata nila.

"ISANG ROBINS!" sigaw ng isa sa kanila kaya mabilis akong sinugod ng iba sa kanila.

Syempre linabanan ko sila, ayokong mapatay noh! Pero puro salag lang ang ginagawa ko at linalason ko sila kaya nakakatulog sila.

Parang ang dali ata nila masyadong mapatumba? Ito ba yung inaasahan kong tutulong na magligtas sa mga kasamahan ko sa Hermenia? Parang walang kwenta eh.

"TUMABI KAYO!" sigaw ng isang matinis ang boses na babae.

"Ang mga Menia"

"Magkakaroon naba ng digmaan?"

"Patay yang babae na yan sa mga Minea"

Pasimple ko silang tiningnan. Alam ko namang di pa rin nila nakikita ang mukha ko. Napangisi ako ng makita ang mga taong nakapalibot sakin. Ang mga Minea.

Tatlong lalake at isang babe. Parang gusto kong mag stretching muna sa kanila.

"Tikman mo ang kapangyarihan ko!" Sabi ng isang lalake at may mga lupa na bumulusok papunta sakin.

Hinati ko ang mga yun gamit ang espadang hawak ko. Medyo nakakahingal siya kasi ang dami. At halatang hindi lang mga normal na lupa.

Nag summon ako ng maliit na metal na kasing laki ng karayom at linagyan yun ng kakaunting lason na pampatulog at pasimpleng ibinato sa kanya.

Hindi niya napansin yun kaya ayun bulagta siya sa lupa. Napa singhap naman yung mga estudyante sa paligid.

Pero hindi ko rin inaasahan ang mabilis na kilos ng isang lalake at tinira niya ako ng isang apoy na kulay itim. Malakas na klase ng kapangyarihan yun kaya kahit na nasalag ko yun ay na out of balance ako.

Pero may brasong pumulupot sa bewang ko at pinigilan ang pag bagsak ko. Siya yung lalakeng tumira ng itim na apoy papunta sa direksyon ko. Hindi ko siya nakita sa mga unang dumating kanina. Isa din ba siyang Minea?

"Hi" sabi niya habang nakatutok sa leeg ko ang isang kutsilyo.

Natanggal na din yung hood ko kaya kitang kita na ang mukha ko ngayon.

"Paldova" sabi ko ng hinihingal. Maayos na ang tayo namin ngayon pero nasa bewang ko pa rin ang braso niya.

(Paldova- isang uri ng pagmumura)

"Ano?!" Tanong niya at ilinapit ang mukha niya sa akin.

Nagpumiglas naman agad ako at ilinayo ang mukha ko sa kanya.

"Ang ganda niya"

"Robins ba talaga yan? Mukha siyang Helens eh"

"Bagay sila. Yieee"

"Bitawan mo ako!" Tiim bagang na sabi ko.

Nag e- enjoy ata siya sa pang aasar sakin. Nginitian niya lang ako ng pilyo at mas ilinapit pa ang mukha niya. Ano bang gustong mangyari ng hayop na ito?!

"Vier! Bitawan mo ang ating bisita" sabi ng isang babae.

(Vyer)

Ang mahal na Reyna. Parang walang nag bago sa kanya simula noong huli beses na nakita ko siya. Nag- bow ako bilang pag- bibigay galang.

"Mahal na Reyna" sabi ko.

"Anong ganap at may napadpad na bisita dito sa aming academya?" Sabi niya at naglakad palapit sakin.

"Isa akong Helens" sagot ko.

Mapanuring mga mata ang bumulusok sakin. Para bang ayaw nilang maniwala sa mga salitang sinabi ko.

"Mukhang galing ka sa dakong iyon. Sa barrier ka ba dumaan?" Tanong ng reyna.

"Opo" sagot ko

"Hindi basta bastang nakakapasok doon ang isang Robins. At kung isa ka namang helens ay maliit pa rin ang tsansa kasi maari kang mamatay dun" sabi nung isang lalakeng Minea

"Isa akong Minea" sagot ko na naging dahilan ng pag singhal ng lahat.

"Patunayan mo! Wag ka puro salita" nakangising sabi nung Vier.

Mabilis ko siyang tinira ng metal ball. Nailagan niya naman yun at kinindatan ako.

"Metal Summoner? Minea nga" sabi niya sa mahal na reyna at inagaw sa isang estudyante ang isang mansanas.

Kinagatan niya agad yun at lumapit sa akin. Sira ang ulo ng lalakeng ito.

"Sumunod ka sa aking opisina" sabi ng reyna sakin na tinanguan ko lang.

Sumunod ako, pero nakakapag- taka na pati yung ibang Minea ay sumunod sa amin. Yung lalaki naman na may taglay ng mahika ng kalikasan ay buhat buhat nung dalawa pang lalake. At pansin ko din na kanina pa ako tinatarayan netong babae.

"Gusto mo" alok sakin nung Vier nung mansanas na kinakain niya

"Ito gusto mo?" Sabi ko at ipinakita yung kamao ko.

Pero hinalikan niya yun kaya mabilis ko siyang tinutukan ng espada. Agad naman kaming sinaway ng mahal na reyna kaya nauna na ako sa kanila.

***************
Vyer ang pagkaka pronounce sa pangalan na Vier. Baka kasi magkamali ka☺☺☺

+ Vote, Comment and Share

By: Peach_Daday

Missing ProphecyWhere stories live. Discover now