Chapter 12

1 1 0
                                    

Aela's Point of View

"Ipapadala ko kayo sa mundo ng mga tao para sa isang misyon" sabi ng mahal na reyna habang pinaglalaruan ang isang dahon.

"Kaming lahat?" Tanong ni Eduard.

"Oo, kailangan niyong kunin ang tatlong dyamante na sumisimbolo sa academya. Bibigyan ko kayo ng mapa para matunton ang mga iyon. At wag na wag kayong babalik na di kumpleto ang dyamate." Sabi niya at binigyan kami ng mapa

"Kelan ang alis namin?" Tanong ko.

"Mamayang gabi" deretsang sagot ng reyna.

May masama akong kutob kung bakit pinapa- alis kaming lahat ng reyna.

"Yun lang ba ang misyon namin?" Tanong ni Linda.

"Kailangan niyo ring maisama pabalik dito sa academya ang gurong si Alanis. Siya ay sinaunang guro na naglayas matapos ang digmaan. Makakatulong siya upang sanayin ang mga estudyante dito" sagot ng mahal na reyna at ngumiti.

"Pano yung pagsasanay?" Tanong ni Leo.

"Magpapatuloy ang inyong pagsasanay kapag naka balik na kayo rito" -reyna

✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉

"Pan samantala kayong mag aaral sa Mt. Eves University. Doon nagtuturo si Alanis sa ngayon. Di magtatagal ay babalik na ang ibang mga guro. Naway sa madaling panahon ay magawa niyo ang inyong mga misyon" sabi ng Reyna habang gumagawa ng lagusan papuntang mundo ng mga tao.

Kanina pa ako tahimik dito, pinag mamasdan ko kasi ang kilos ng reyna. Nasa likod kami ng academya.

"Mapag hahalataan ka na niyan" pasimpleng sabi sakin ni Vier kaya nilingon ko siya.

"Ano?" Tanong ko.

"Umakto ka ng normal. Baka mahalata ka ni Ina o ng iba" sabi niya kaya napa tikhim ako.

"Buo na ang lagusan" sabi ng reyna kaya lumapit na kami sa lagusan.

"Bilang Reyna ng mga immortal. Binabasbasan ko kayo sa inyong pagpunta sa mundo ng mga tao. Hinihiling ko rin sa mga diyos at diyosa na sana ay bigyan kayo ng dagdag talino para makasabay kayo sa gawain ng mga mortal na tao" sabi ng Reyna at nagliwanag ang mga katawan namin.

"Maraming salamat ina. Mag iingat ka dito" sabi ni Vier at yinakap ang kanyang ina.

Bago pa kami makarating sa lagusan ay muli akong humarap sa mahal na reyna.

"May problema ba Aela?" Tanong ng reyna.

Ang ganda niya kasi talaga eh. Parang ka edaran lang namin. Tumingala ako sa buwan at gumawa ng ritwal.

"AKO SI AELA ISANG MINEA. HINIHILING NA MAWALA SA PANINGIN NG LAHAT NG ROBINS ANG ACADEMYANG ITO. IPINAPAUBAYA KO MUNA SA PANGANGALAGA NG PAARALAN ANG AKING ABILIDAD" sabi ko at nagliwanag ang buong academya.

Napaupo ako sa lupa dahil sa panghihina. Napasuka din ako ng dugo kaya mabilis akong inalalayan ni Vier at Linda.

"Hindi mo kinakaya ang pag iwan sa iyong abilidad" sabi ng reyna at may ipinalunok sa akin na kulay puting bilog.

Nawala ang panghihina ko pero parang kulang parin talaga ang pagkatao ko.

"Baka sumugod ang mga Robins habang wala kami" sabi ko habang naghahabol ng hininga.

"Pero hindi mo pwedeng isakripisyo ang buhay mo para sa academya. Kailangang buo kayong mga Minea sa digmaan" sabi ng Reyna

"Sigurado po ba kayong hindi niyo na kakailanganin ang abilidad ko?" Tanong ko.

Hinang hina na kasi talaga ako eh. Sobrang laki ng academya at ang dami ng naninirahan dito kaya siguro apektado ang katawan ko.

"BINABAWI KO ANG GINAWA KONG RITWAL" sabi ko at para akong tinamaan ng ilang libong kidlat.

"Ayos ka lang? Nagpapaka bayani ka kasi agad eh. Hindi pa naman nag uumpisa ang digmaan" sermon sa akin ni Vier at inalalayan na akong pumasok sa lagusan.

"Ayos na ako, di ko akalaing ganon ang magiging epekto ng pag- hiwalay ko sa abilidad ko--- WAAAAAAAAAAAAH" -ako

Salita ako ng salita tapos bigla nalang nang higop yung lagusan
-____-

"Andito na tayo" rinig kong sabi ni Ernest.

Minulat ko ang mata ko at nasa loob kami ng isang malaking mansyon.

"Kaninong bahay toh?" Tanong ko.

"Sa atin" sagot ni Eduard.

"Dito kami tumitira kapag may misyon kami dito sa mundo ng mga mortal" Sabi ni Linda at hinila ako papunta sa kwarto daw namin.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

+ Vote, Comment and Share +

By; Peach_Daday


Missing ProphecyWhere stories live. Discover now