Chapter 18

2 1 0
                                    

Aela's Point of View.

"Tigilan mo ako Vier masakit balakang ko" Nasa may pool side kami ngayon.

Balak kasi naming mag night swimming. Kaso wala palang laman yung pool kaya eto kami ngayon hihintayin muna na mapuno ang pool.

"Minsan na nga lang mag lambing eh" sabi niya at mas siniksik sa leeg ko ang mukha niya.

Nasa gilid kasi ako ng pool tapos bigla niya nalang akong niyakap mula sa likod.

"Asus, anong lambing lambing?" Biglang sulpot ni Linda sa gilid.

"Kasi naman Linda, payagan mo na akong manligaw sayo. Para di kana na iingit diyan" singit din ni Ernest na kanina ba nagba-babad sa araw.

"Ulol" mabilis na sagot ni Linda pero mukha namang kamatis ang mukha ngayon.

Hindi ko mapigilang di mapangiti dahil sa kanilang dalawa. Halata naman kasi talaga na gusto nila ang isa't isa.

"Aray!" sabi ni Ernest at humawak sa dibdib niya.

Tinarayan lang siya ni Linda. Napakunot ang noo ko ng bumamaba siya sa pool na kakaunti pa lang ang tubig.

"Anyare? Na aning ka na?!" Natatawang tanong ko kay Ernest ng humiga siya sa pool.

"Magpapakamatay na ako. Hindi ako mahal ni Linda" Pagmamaktol niya at pumikit pa.

"Tanga, di ka malulunod sa ganyan kababaw na tubig" sabi ni Linda at umupo sa kaninang inuupuan ni Ernest.

"HALA" gulat na sabi ko ng biglang may bumuhos na sandamakmak na tubig sa pool.

"Tangina papatayin mo ba ako?" hinihingal na tanong ni Ernest kay Leo.

Si Leo pala may gawa ng tubig na yun? Si Ernest naman mabilis na nakapag teleport papunta sa harapan ni Leo.

"Akala ko ba magpapakamatay ka?" Inosente namang tanong ng isa.

"Halos mabaliw na ako kanina sa kakahanap ng hos para sa tubig tapos pwede naman palang gamitin ang kapangyarihan mo" nangigigil na sabi ni Eduard ka Leo.

"Di ka nag sabi" sagot ni Leo at inagaw ang tinapay na kinakain ni Eduard.

"Anong oras na ba?" Tanong netong nasa likod ko.

Nakalimutan kong may tuko palang nakalingkis dito sa likod ko -___-

"Mag 8 na" sagot ni Leo na ngumunguya pa.

Si Eduard naman hinahabol ang kamay ni Leo para makuha yung tinapay na kanya naman talaga.

"Magbibihis lang ako" sabi ko at tinanggal ang braso ni Vier na nakapulupot sa bewang ko.

"Sabay na tayo" sabi ni Linda at lumingkis sakin.

☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺☺
✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉✉

Eduard's Point of View

Naka shorts lang kaming apat na lalaki at walang pang itaas habang umiinom ng alak. Nakalublob kami sa pool at naka helera.

Sabay sabay kaming napatingin sa dalawang babae na kakarating lang. At talagang lahat kami natigilan. Para silang kumikinang na bituin habang palapit dito. Nagtatawanan din sila kaya di nila napansin na naka titig kami sa kanila.

Naka two-piece silang pareho. Puti ang kulay ng kay Linda at Asul naman kay Aela.

"Tara samahan niyo kami" sabi ni Vier at inalalayan si Aela na bumaba.

Inabot ko naman ang Linda para tulungan din siyang bumaba. Sobrang sama tuloy ng tingin na ipinukol sakin ni Ernest.

"Inom kayo" alok ni Leo at binigyan sila ng baso na may alak.

"Penge ako niyan" sabi ni Aela at inagaw sakin ang marshmallow na kinakain ko.

Lagi nalang akong inaagawan ng pagkain -___-

☺☺☺☺☺

Alas 10 na ng gabi at tingin ko lahat kami ay may tama na. Kung ano ano na din ang pinag sasabi ni Leo. Kesyo daw may nakilala siyang babae at tingin niya ay nahulog siya rito. Kaso may kasintahan na daw ang babae kaya di siya maka porma dito.

"Tara na nga matulog na tayo" sabi ni Ernest at hinila na si Leo papasok sa bahay.

"Aela, lasing ka na rin tara na matulog na tayo" sabi ni Vier at kinaladkad na si Aela papasok.

Mukhang wala talaga akong pag-asa kay Aela. Pero ano nga ba sila ni Vier? Meron na banag sila?

"Hey" tawag sakin ni Linda

Nilingon ko siya at nag titigan kami ng ilang sandali bago kami natawa parehas. Alam kong lasing na din siya kaya inaya ko na siyang pumasok sa loob.

Kaso di ko inaasahang uupo siya sa kandungan ko. Tapos sumandal siya sa dibdib ko.

"Ayoko, dito nalang ako" sabi niya.

"Malamig na, tsaka may pasok bukas." Sabi ko at binubat nalang siya.

Kumapit naman siya sa leeg ko at pumikit. Napatitig ako sa mukha niya ng masinagan yun ng buwan.

*DUG* *DUG* *DUG* *DUG*

Napalunok ako dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi pwede toh! May gusto si Ernest sa kanya.

Mabilis akong umakyat papunta sa taas at dumeretso sa tapat ng kwarto nila ni Aela. Napahinto ako sandali sa paglalakad ng panandalian akong mahilo.

Lasing lang ako

Pinihit ko ang doorknob kaso naka lock yun. Narinig ko din ang pag sigaw ni Aela sa pangalan ni Vier. Mukhang may nangyayaring kababalaghan sa loob.

Idineretso ko nalang sa kwarto namin ni Vier si Linda. Pagbaba ko sa kanya sa kama ay agad naman siyang bumaluktot. Linalamig siguro siya. Malamig kasi dito sa kwarto namin dahil parehas kaming initin ni Vier.

Binalot ko siya ng comforter ar saka ako dumeretso sa banyo para makapag linis.

Ng matapos akong mag bihis ay naisip ko si Linda. Pano siya mag- papalit kung tulog na tulog na siya?

"Linda" tawag ko sa kanya at inalog siya.

"Hmmm" tugon niya.

"Mag bihis ka muna"

Bumangon naman siya ng nakapikit. Itinulak ko siya papasok sa cr at ng lumabas siya mabilis akong napatalikod sa kanya.

Hindi nakatali ang bathrobe niya.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒✒

+ Vote, Comment and Share +

By: Peach_Daday




Missing ProphecyWhere stories live. Discover now