Chapter 15

3 1 0
                                    

Aela's Point of View

"Mas maganda naman ako sayo. Bakit di ako yung pinili ng mga yun" pagtataray ni Linda habang tinitirintas ang buhok ko.

Ay mali tinatali niya na pala kasi umalis na siya sa likuran ko. Umupo siya sa harap ko at tinarayan ako. Hinawak hawakan ko naman yun kung maayos. At maayos naman kaya kinuha ko yung panggupit ng kuko at naglinis ng kuko.

Di ko alam kung talaga bang tinuturing na akong kaibigan netong si Linda o ano. Ang salbahe niya sakin eh. Nasa bahay nga pala kami ngayon. Wala kaming ganang pumasok eh. Nakakatamad kaya.

"Maarte ka daw kasi" sabi ni Ernesto sa kanya

"ANO?!" Pasigaw na tanong sa kanya ni Linda.

"Ang ganda mo. Crush ko nga kagandahan mo eh. Gusto na kita dahil jan. Mahal na nga ata kita eh" Sabi ni Ernest na nagpangiti sakin.

Parang gusto kong mang asar. Laglag ang panga ni Linda dahil sa mga narinig niya mula kay Ernest. Si Ernest naman napatakip ng bibig. Hahaha huli.

"Naks naman pre, di kana torpe?" Tanong ni Vier na kakarating lang.

Mamatay matay kami ni Vier sa kakatawa ng maglaho nalang bigla si Ernest. Si Linda naman kumaripas ng takbo paakyat.

"HAHAHAHAHAHA" sabay na tawa namin ni Vier.

Biglaang pag amin ba naman ang mangyari. At unang beses kong nakita na natameme ang Linda.

"Ang saya niyo" walang buhay na sabi ni Leo at umupo sa inuupuan kanina ni Linda.

Natigilan ako sa kakatawa pero ang Vier tuloy pa rin. Mukha siyang tanga.

"Teka nga, kanina ka pa ganyan ah. May nangyari ba?" Tanong ko kay Leo.

"Wala trip ko lang gumanito" sabi niya at nagtakip ng dyaryo sa mukha.

Nilingon ko si Vier at patanong na sumenyas kung anong nangyayari kay Leo. Kaso nagkibit balikat lang siya at dumeretso sa kusina.

Umupo nalang ulit ako at inayos ang paglilinis ng kuko ko. Nakakahiya kasi sa mapanghusgang Vier na yun eh. Ng matapos akong maglinis ng kuko humilata nalang ako sa sofa.

"AELAAAAAAA" mabilis akong tumakbo papuntang kusina dahil sa biglaang sigaw ni Vier.

"Bakit?" Tarantang tanong ko.

"Kain tayo" nakangiting sabi niya habang naglalapag ng mga pagkain sa lamesa.

Natampal ko ang noo ko dahil sa narinig ko. Seryoso ba siya?

"Tatawag tawagin mo ako ng malakas, tapos gusto mo lang pala na kumain tayo?" Di makapaniwalang tanong ko at namewang.

"Bakit may iba kabang gusto nating gawin?" Mapang asar na tanong niya at nagtanggal ng apron.

Nakakabighani siyang tingnan sa apron na yun sa totoo lang. Kung narinig niya yun malamang lalaki na naman ulo nun.

"Ibig kung sabihin, akala ko pinapatay kana dito ganon" sabi ko at tinarayan siya.

Tumalikod na din ako sa kanya at tinangkang umalis na ng kusina. Kaso napatigil ako sa paghakbang ng may yumakap sakin mula sa likuran.

"Nag-aalala ka?" Bulong ni Vier sa tenga ko.

Bakit ang bilis niyang nakalapit sakin? Tsaka bakit yinayakap ako ng hinayupak na toh?

"Yuck, mahiya ka nga" sabi ko at siniko siya sa tagiliran.

Dumaing naman siya at mahina akong natawa sa hitsura niya. Hawak hawak niya yung tagiliran niya at di maipinta yung mukha niya.

"A-akala ko ba nag- aalala ka?" Hirap niyang sabi at humawak sa kamay ko bilang alalay. Napaupo na din siya sa sahig. Masakit ba talaga yun?

Medyo na awa naman ako sa kanya, mukhang napalakas ata ang pagkakasiko ko.

"Pasensya kana, may nalalaman kapa kasing payakap yakap eh" sabi ko at lumuhod para makapantay siya.

"WAAAAAAH" tili ko ng itulak niya ako kaya napahiga ako.

Puma-ibabaw din siya sakin at nakangising mas inilapit sakin ang mukha niya. Ako naman etong nagpupumiglas at sinubukang i summon ang mga metal ko. Kaso may nakapalibot na itim na bilog sa kamay ko. Pinipigilan nun na lumabas ang anumang kapangyarihan ko.

"Ano na namang kalokohan toh?" iritang tanong ko sa kanya.

"Gaganti lang" sabi niya

At kinagat niya ako sa leeg.

✒✒✒✒✒✒✒✒✒

+ Vote, Comment, and Share+

By: Peach_Daday

Missing ProphecyWhere stories live. Discover now