Chapter 11

2 1 0
                                    

Aela's Point of View

"Napapagod na akong mag lakad eh" reklamo ko ulit.

Kanina pa ako reklamo ng reklamo dito pero ayaw niya pa awat sa kaka lakad.

"Malapit na tayo" sabi niya at tanaw ko na mula rito ang barrier.

"Hindi tayo pwedeng lumapit sa barrier" sabi ko sa kanya pero di niya ako pinakinggan.

Napa- buntong hininga ako ng lumihis kami ng daan papunta sa isang talon. Humarap siya sa talon na ikinataka ko.

"AKO SI VIER, ISANG MINEA. ANAK NG HARING MARTIN AT REYNA MYRA. INUUTUSAN KITANG BUMUKAS" sigaw niya at yumuko sa talon ng tubig

Nagtataka naman akong pinanu- nood siya. Baka nababaliw na ang isang ito. Napahawak ako sa braso ni Vier ng bumukas ang talon.

Alam kong may talon dito pero hindi ko alam na bumubukas ito.  Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila pa loob.

Para akong ignorante na palinga linga sa paligid ng makapasok na kami sa talon. May mga nagkalat na alitaptap dito na nagsisilbing liwanag.

"Anong lugar ito?" Tanong ko at hinigpitan ko ang pagkakahawak namin ng kamay.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang saglit niyang pag ngiti.

"Nasa talon ng katotohanan" sabi niya.

Saktong pagsabi niya nun ay nakarating kami sa isang puno. Pero nagulat ako sa mga bunga neto. Malalaki ang mga bunga neto at may mga sanggol sa loob.

"Ano yan?" Kinakabahang tanong ko

"Ang puno ng buhay" sabi niya.

"Bakit may mga sanggol?" Tanong ko ulit.

"Ito ang huling habilin sa akin ng aking ama. Maging ang akin ina ay hindi alam ang tungkol dito. Mahiwaga ang punong ito. Ang punong ito ang nagsasabi kung sinong Helens o Robins ang malapit ng ipapanganak." Sabi niya.

Umikot ikot ako sa puno at nakangiting pinagmasdan ang mga bata. Pero napatili ako ng mag mulat ang mata ng isang bata at ngumiti.

"Wag kang matakot. Di ka nila nakikita at hindi pa sila naipapanganak" sabi ni Vier at inakbayan ako.

"Mukhang masiyahing bata ang isang ito" sabi ko at itinuro yung batang nagmulat ng mata.

"Nagmulat na siya ng mata. Ibig sabihin sandaling panahon nalang ay maipapanganak na siya" sabi ni Vier na may pait sa boses.

"Bakit mukhang hindi ka masaya?" Tanong ko.

Teh, kanina ka pa tanong ng tanong ah.

"Isa siyang Robins. Pero isa ding Helens" sabi niya na nagpakunot ng noo ko.

"Ibig mo bang sabihin kalahating robins at kalahating Helens ang isang ito?" Tanong ko.

"Oo, nakatakda siyang maging anak ng ating reyna at ng isang Robins" sabi niya kaya napanganga ako.

"Ibig sabihin, kapatid mo siya" sabi ko at sumunod sa kanya.

Naglakad siya palayo sakin eh.

"Netong nakaraan, napansin ko ang sanggol na yan. At nalaman kong magkaka- anak muli ang aking ina at robins ang magiging ama ng bata" sabi niya at inaya na akong lumabas.

Mukhang di niya matanggap ang katotohanang magkakaroon na siya ng kapatid.

"Perong sinong Robins yun? Pano sila magkikita ng mahal na Reyna?" Sunod sunod na tanong ko.

Nakalabas kami ng talon at sumarado naman ulit yun. Umupo ako sa isang putol na puno at tumabi naman sakin si Vier.

"Hindi ko alam, pero may hinala ako na may mga Robins dito sa academya" sagot niya.

Medyo napa-igtad ako ng ipatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Dumampot nalang ako ng maliit na sanga at binali bali yun.

"Ano bang dahilan at ang lungkot mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko matanggap na may lahing Robins ang magiging kapatid ko. Robins ang pumatay sa ama ko. Di ko kayang tanggapin ang kalahi ng mga taong pumatay sa aking ama" sabi niya.

"PINAPATAWAG TAYO NG MAHAL NA------- ay patay" bigla nalang sumulpot si Ernest sa harapan namin.

Pero natigil siya ng tutukan ko siya ng espada at may itim na apoy naman sa kamay ni Vier.

"Sa susunod na sumulpot ka nalang bigla sa harapan ko tutuluyan na talaga kita" walang ekspresyon na sabi ko sa kanya.

"Oo na, pasensya na. Tara na pinapatawag tayo ng reyna" sabi niya.

"Pano mo kami nahanap?" Tanong ko.

"Na aamoy kayo ni Linda" simpleng sagot niya at hinawakan kami ni Vier.

Bigla nalang kaming nakarating sa opisina ng Reyna. Astig, ang bilis. Sana nagkaroon din ako ng abilidad na tulad ng kay Ernest

"Bakit po" pambungad ni Vier sa ina niya.

Naiilang na tuloy ako sa kilos ng mahal na reyna. Buntis na kaya siya? Hays ang hirap naman neto.

"Ipapadala ko kayo sa mundo ng mga tao para sa isang misyon"

****************

+Vote, Comment and Share+

By; Peach_Daday

Missing ProphecyWhere stories live. Discover now