SIMULA

12.3K 252 10
                                    

SIMULA

JEWEL POV:

ILANG BUWAN na ba akong nagtatrabaho bilang secretary ng gwapo pero noknokan ng playboy kong boss? Ah tama tatlong buwan! At sa loob ng tatlong buwan na yon ay  lagi kong nakikita ang ibat-ibang babae na pumupunta sa office nito.

"Hi Jewel!" Bati sakin ni Mark, isa sa mga ka-trabaho at kaibigan ko. Tumango at ngumiti lang ako dito, nagmamadali kasi ako dahil may inuutos sakin ang playboy kong boss.

"Hey! Wait Jewel!" Tawag pa nito sakin at sinundan ako sa labas ng building, hinawakan nito ako sa braso kaya kunot noong ko siyang nilingon.

"Bakit?" Medyo naiinis na tanong ko sa kanya, kita naman kasi niyang nagmamadali ako. Tumingin ako sa relo ko nanlaki ang mata ko, "may sasabihin kaba Mark? Nagmamadali ako eh," tarantang ani ko.

"Bakit kaba nagmamadali? Lunch break naman ngayon," kunot noong sabi niya, "don't tell me inutusan ka naman ni boss na bumili ng lunch niya?"

Sinamaan ko siya nang tingin. Kung bakit kasi hindi pa magpa-deliver yong boss ko at ako pa talaga ang laging inuutusan, pero ayos lang din naman sakin dahil may extra income akong nakukuha sa kanya, syempre dapat may bayad no! Wala ng libre sa panahon ngayon.

"Eh ano pa nga ba? Kaya kung wala ka naman sasabihin ay aalis na ako para maka-abot pa ako sa break, ok?"

Tumango-tango ito.

"Samahan na kita. Magtatagal ka pa lalo pag naghintay ka ng taxi dito."

Napanguso naman ako, totoo naman kasi, medyo matagal pag naghintay pa ako ng taxi, baka hindi na ako makakain at may kotse itong si Mark, kaya mapapabilis talaga.

"Sige na-"

"Okey, hintayin mo ako dyan, kukunin ko lang ang kotse ko." Nagmadali itong tumakbo upang kunin ang kotse niya. Hindi ko mapigilan ang matawa, ito ang unang beses na tinangap ko ang alok niya na samahan ako sa pagbili ng lunch ng boss ko sa isang kilalang restaurant.


Mga sampung minuto din ang iginugol ko sa pagbili ng lunch ni boss, napangiti ako dahil mas napadali nga ako. Hindi na rin ako nakapag-pasalamat kay Mark dahil sa pagmamadali kong makababa sa kotse niya upang madala kay boss ang pinabili niya.

Hingal na hingal ako nang makapasok ako sa loob ng elevator bitbit ang pagkain ni boss na nakabalot, napangiwi ako nang makita ang itsura ko sa repleksyon ko sa elevator. My god! Ang haggard ko! Agad kong inayos ang sarili ko habang nakasakay sa elevator, buti nalang at wala akong kasabay. Napangiti ako nang makita na okey na ulit ang itsura ko. Tumunog ang elevator hudyat na nakarating na ako sa destinasyon ko, bumuntong hininga ako bago lumabas.

Habang papalapit ako sa office ni boss ay parang bumibilis ang tibok ng puso ko na parang kinakabahan sa hindi ko malaman dahilan. Napakunot ang noo ko nang makarinig ng kakaibang ingay na nagmumula sa office ni boss.

Nanginginig ang paa ko habang mas lumalapit ako, lumalakas din ang kakaibang ingay na nagmumula sa office niya.

"Ughhh harder baby... like it ahhh," malanding ungol na nagmumula duon, kahit hindi ko pa nakikita kong ano ang nangyayari sa loob ng office ni Sir ay may ideya na ako.

"Fuck! Fuck!" Sunod-sunod na pagmumura ang narinig ko at kilalang-kilala ko ang boses na yon.

Hindi ko mapigilan ang mangilid ang luha nang makalapit ako sa pinto na hindi masyadong nakasara, at parang nadurog ang puso ko nang makita at makompirma ang hinala ko.

Si sir Axel, nakatalikod habang medyo nakababa ang suot na pants, may kasama itong babae na nakatuwad sa may table niya habang walang saplot ang buong katawan at marahas na nag aatras-abante dito ang boss ko. Napatakip ako ng bibig at pilit na kinikimkim ang pag-hikbi, dahan-dahan kong isinara ang medyo nakasiwang na pinto kaya hindi ko na masyadong narinig ang malalakas na ungol.

Nanghihinang lumapit ako sa table ko upang maka-upo.

"Ano bang nangyayari sakin?" Parang tanga na tanong ko sa sarili bago marahas na pinahid ang luha sa pisngi ko, "eh ano naman kong may babaeng inaano siya! Secretary kalang Jewel, tandaan mo yan," mapait na sabi ko sa sarili.

"Tandaan mo Jewel Laine P. Magnaye, hindi ka pwedeng magka-gusto kay Axel Montreal, kung ano man ang nararamdaman mo sa kanya ay kalimutan mo na dahil wala yang patutunguhan," maraing paalala ko sa isip ko.



TBC

A/N

Hi guys! Pasensya na at medyo natagalan😊✌ maikli lang pero sana magustuhan nyo!😀

Anyway! Join kayo sa official fb group ko:) search nyo lang Roanaaax's Affairs or click the link on my bio:)

Hot Men Series 3: Axel MontrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon