KABANATA 3

8.1K 195 9
                                    

A/N
Join my official facebook group😊 naka post duon ang the mans obsession😊 mababasa nyo yon ng buo😊 click nyo lang yung link sa bio ko😊

Thank you!

---

KABANATA 3

JEWEL POV:

ILANG ARAW NA NAKALIPAS matapos niya akong halikan, pero parang baliwala lang dito ang ginawa niyang paghalik sakin, samantalang ako, heto lagi parin nakatulala at inaalala parin kung pano nya kinain ang labi ko! Yep! Kinain talaga!

"Aist! Jewel! Huwag mo na nga alalahanin yun!" Inis na sita ko sa sarili ko. Sino ba hindi maiinis matapos kasi nito akong halikan slash kainin ang labi ay nagmadali itong umalis na parang may sakit akong nakakahawa! Oh diba? Bastos!

Sa halip na alalahanin pa ang karupukan ko ay mas tinuon ko nalang ang atensyon ko sa mahalagang bagay. Mahalagang bagay tulad ng pagtatrabaho ko sa manyak kong boss!

"Ehem!"

Napaangat ang tingin ko mula sa computer nang may tumikhim sa harap ko. Nagibg sobra yata akong busy dahil hindi ko manlang namalayan na nasa harap ko na pala ang manyak kong boss.

"Come with me," sabi lang nito bago tumalikod para umalis. Tingnan mo bastos talaga! Cum with me daw!

"Ano pa ginagawa mo? Faster ms. Magnaye!" Naiinip na sabi nito nang hindi ako gumalaw sa pag-upo ko.

Nataranta naman ako na kumilos, kinuha ko ang shoulder bag ko at nagmadali na lumapit sa kanya. Sakto naman bumukas ang elevator kaya dali-dali akong sumunod sa kanya papasok.

---

"Teka sir, saan po ba tayo pupunta?" Hindi ko na mapigilan tanong, lalabas na kasi kami sa syudad at medyo madilim na rin ang paligid.

Napanguso ako nang wala manlang itong naging sagot, minsan tuloy iniisip ko na naputan ito ng dila!

"Sir, saan po ba tayo pupunta? Wala na po tayo sa city," sabi ko sa kanya, hindi ko rin mapigilan ang kabahan lalo na at nakikita ko na ang matataas na puno sa dinadaanan namin! Mukhang nasa probinsya na kami, at alam na alam ko ang probinsya na'to! Ito ang probinsya namin!



"Sir, anong ginagawa natin dito?" Agad na tanong ko nang tumigil ang sinasakyan namin sa tapat ng isang hotel.


Pero mukhang walang balak na sagutin niya ang lahat ng tanong ko! Shit! Ano ba problema ng manyakis na'to?! Siya pa talaga ang hindi namamansin! My god!


"Get out," walang ganang sabi nito matapos pagbuksan ako ng pinto bg kotse niya. Medyo nataranta naman ako dahil sa kaba na nararamdaman ko. Ano ba kasi ang gagawin namin dito sa hotel?! Huhuhu gagahasain ba niya ako?! My god I'm not ready!

"S-sir wag po," natatakot na sabi ko, itinakip ko pa ang dalawang braso ko sa tapat ng dib-dib ko.


"Tsk. Sigi kung ayaw mo bumaba dyan ka matulog, at isa pa hindi kita pagsasamantalahan kasi alam ko kusa mong isusuko sakin yan," nakangising sabi nito habang taas-baba ang dalawang kilay na parang naaliw sa reaksyon ko.


"Bastos!" Halos mamula ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Ano daw? Kusa kung isusuko? No way!!!

Tuluyan na itong tumawa dahil sa naging reaksyon ko, may pailing-iling pa habang nakahawak sa tiyan. At inaamin ko na parang naging mas gwapo siya sa paningin ko, kung sa bagay siya lang naman ang pinaka-gwapong lalake na nakilala ko.

"Matae ka sana!" Mahinang bulong ko habang nakanguso, pilit kong itinatago ang paghanga na nararamdaman ko. Minsan talaga iniisip ko may sira siya sa utak! Minsan kasi seryoso tapos ngayon naman kulang nalang maihi sa pagtawa!


"My god Jewel! Ikaw lang ang nakakapag-patawa sakin ng ganito. Hindi ko alam kung ano ang buhay ko kung wala ka sakin ngayon," patuloy parin ito sa pagtawa.

Hindi ko naman mapigilan ang kiligin. My god! Sinabi niya ba na kulang ang buhay niya kung wala ako?! God! Kinikilig ang pem- puso ko!

"Hindi ako clown para pagtawanan mo sir," kunwari naiinis na sabi ko, pero ang totoo nangi-nginig na ang tuhod ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Pero tinawan niya lang ulit ako na parang aliw na aliw talaga sakin.

"Ahmp."

Nagmadali akong lumabas ng sasakyan niya, hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy ako sa entrance ng hotel. Narinig ko pa ang pagtawag niya ng pangalan ko, pero hindi ko siya pinansin. Eh ano naman kung boss ko siya?! Wala akong paki-alam, mukhang pinagti-tripan niya ulit ako.


Hindi ko mapigilan ang kumawalang ngiti sa labi ko, kasi kahit anong tago ko lumalabas lang ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Kahit anong iwas ko kusang lumalabas, mahirap talagang pigilan pag nag mamahal.




TBC

Hot Men Series 3: Axel MontrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon