KABANATA 1
JEWEL POV:
PAGOD, yan agad ang naramdaman ko matapos ang araw na'to. Sa tatlong taon ko nagta-trabaho bilang secretary ni sir Axel ay ganito lagi ang nararamdaman ko pag-out sa trabaho. Minsan iniisip ko ng mag-resign dahil malaki narin naman ang naipon ko, pero iniisip ko na sayang din kasi ang sweldo.
"Hatid na kita."
Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang magsalita sa likod ko, hinarap ko kung sino man ang demonyong yong, masama ang tingin ko nang makita ko kung sino yun.
"Gago ka, aatakihin ako sa puso dahil sayo!" Inis na ani ko dito, pero ang hudas tinawanan lang ako.
"Hatid na kita?" Nakangiting tanong parin nito. Inirapan ko naman siya, at ibinaling nalang ulit ang tingin sa unahan.
"Sige na naman Jewel, pumayag kana." Bakas sa boses niya ang determinasyon para maihatid ako, napalabi ako, ilang beses na ba akong tumangi sa alok niya? Pero heto parin at kinukulit niya ako.
"Hindi na, malapit lang naman ang appartment ko dito at isa pa, iba ang daan ng appartment ko sa bahay mo." Tanggi ko sa alok niya.
"888." Naguluhang lumingon naman ako sa kanya.
"Pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko. Bumuntong hininga muna siya bago sumagot.
"888, ganyan kadami mo na ako tinangihan," nakangunsong sagot niya. Hindi ko mapigilan mapahagik dahil sa sinabi niya.
"At talagang binibilang mo ha!" Natatawang sagot ko habang napapailing.
"Kaya nga, hindi kaba naawa sakin?" Nakangusong tanong niya, napapailing nalang ako habang natatawa.
"Bakit naman ako maawa sayo, Mark? Bakit di nalang si Kaye ang ihatid mo? I'm sure willing yong magpahatid sayo," natatawang sabi ko sa kanya, lalo naman humaba ang nguso ni Mark dahil sa sinabi ko.
"Ahmp. Baka magasgasan lang ang kotse ko." Ingos nito sakin, napalakas naman ang tawa ko dahil sa naging sagot niya, si Kaye, ay isa sa mga katrabaho namin at hindi lingid sa kaalaman ko na may gusto ito kay Mark, at alam ko din na may galit iyon na sakin. Ewan ko ba duon, tuwing nakikita ako ay hindi nakakaligtas sa aking mata ang pag-ingos niya sakin.
"Ewan ko sayo Mark," natatawang sagot ko parin sa kanya.
"Sige na naman oh, please." Nagpapaawa pa talaga ito sakin, bakit nga ba hindi ako pumayag? Bukod sa makakalibre na ako ng pamasahe ay mapapadali pa ako makauwi. Nakakatamad din maghintay na taxi dito ah!
Papayag na sana ako, pero hindi pa ako nakakapag-salita nang may tumigil na mamahaling kotse sa tapat namin at malakas na bumusina. Kunot ang noo ko habang nakatingin sa bintana ng kotse na unti-unting bumubukas, agad na sumalubong sakin ang nakasimangot na mukha ng gwapo kong boss.
"Let's go Jewel," madiin na sabi ni sir Axel, madilim din ang mukha nito habang nag-iigting ang panga.
"Huh?"
"Hindi ko akalain na bingi ka pala Ms. Magnaye, I said let's go, ihahatid na kita." Napanguso ako dahil sa sinabi niya, lalo na at batid ko sa boses niya ang pagkainis.
"Naku Mr. Montreal, ako na po ang maghahatid kay Jewel," pag-singit ni Mark sa usapan. Walang gana naman na tiningnan ni sir si Mark, na parang sinasabi dito na hindi siya nito kinakausap bago ibinaling ulit sakin ang tingin na parang naiinip na.
"Sir si ano..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil iniiwas na nito ang tingin habang tinatapik ang manibela at parang ipinahihiwatig sakin na wala na akong ibang choice.
Bumuntong hininga ako bago ibinaling ang tingin kay Mark, na ngayon ay may bigong mga mata na nakatingin sakin. Tipid ko siyang nginitian.
"Sa susunod nalang Mark."
Marahan itong tumango at tipid din na ngumiti sakin.
"Sige, ingat Jewel. Sir." Walang naging sagot si Sir, kaya ako nalang ang tumango kay Mark.
Sa frontseat ako sumakay dahil baka isipin ni sir na ginagawa ko siyang driver.
"Bye Mark," paalam ko kay Mark bago ko isinara ang binatana ng kotse.
"Tsk."
Narinig kong sabi ni boss bago paandarin ang kotse, napanguso naman ako. Ano na naman kaya ang problema nito.
"Wala kang date ngayon, sir?" Pambasag ko sa katahimikan, sanay naman kasi ako na ibat-iba ang ka-date niya, minsan pa nga ako pa ang nagpapa-reserve ng restaurant na pinagdadalahan niya sa mga babae niya. Mga babae talaga! Sa dami ba naman hindi ko na mabilang. Iniisip ko nga baka may sakit na'to dahil sa papalit-palit nito ng babae, pero siguro naman maingat ito. At iniisip ko din na baka may naanakan na ito, pero dapat wala na akong pakialam duon, duh!
"Buti nga hindi ako natuloy, nalusutan sana ako," bulong-bulong na sagot nito. Kunot noo naman akong tumingin dito, hindi ko kasi masyadong maintidihan ang sinabi niya.
"May sinasabi ka sir?" Tanong ko sa kanya, nakita ako ang pag-simangot ng gwapo nitong mukha.
"Wala, wag kana lang magsalita baka sipain kita palabas ng kotse ko," masungit na sagot nito.
Huh! Napakasama talaga ng ugali, buti nalang at sanay na ako sa ugali niya. Masungit na medyo kenkoy, sa tatlong taon, bukod sa pagiging playboy at nalaman ko din na may pagka-kenkoy ang boss ko.
Napaikot nalang ang mata ko at nanahimik, mukhang may sayad na naman ang aking boss, siguro ay hindi sinipot ng flavor of the day niya.
TSK! PLAYBOY TALAGA!
TBC
A/N
Hi! Add nyo ako sa facebook account ko, nasa link ko ang bio:) click nyo pareho para maka-join din kayo sa fb group ko:)
Thank you!