JEWEL POV:
Naningkit ang mata ko habang nakatingin kay Axel na may nakayakap na maganda at sexy na babae. Ngayon ko lang siya nakita o siguro sa dami ng naging babae ni Axel ay hindi ko na maalala. Pero mukhang kakilala rin siya ng mga magulang ni Axel dahil welcome siya sa beach house ng mga ito.
"Ehem!" Kinuha ko ang atensyon nila sa pamamagitang ng pagtikhim, mukha kasing nakalimutan na ni Axel na kasama niya ako at enjoy-enjoy na siya sa yakap ng higad.
Agad na tumingin si Axel at mabilis na umalis sa pagkakayap ng babaeng higad. Lumapit sakin si Axel, niyakap niya ako at hinalikan ng mabilis sa labi. Hindi nakaligtas sakin ang pagsimangot at pagtaas ng kilay sakin ng babae.
"Baby, gising kana pala." Pagkatapos ko kasi kaninang kumain ay natulog ako para makapagpahinga binilin kasi kay Axel ng doctor yon. Tapos ngayon kagigising ko lang ay bumungad naman sakin ang pagharot ng boyfriend ko.
"who is she?" agad na tanong ko kay Axel, pero napako ang tingin ko duon sa babae. Napasimagot ako nang makita ko na umirap siya sakin pero nang tumingin si Axel ay akala mo ay maamong tupa.
"Baby, she is Meagan Morales, my childhood friend. And Meg this is my girlfriend Jewel Magnaye," Pagpapakilala samin ni Axel, at talagang Meg lang ang tawag ni Axel sa babaeng higad ha!
"You forgot to say that I am also your first love, Axel." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Meagan, nakita ko ang matamis pero pekeng ngiti sa labi niya. Aba't iniinis yata ako ng higad na'to, wala ba itong hiya. Hello? Girlfriend is here!
"But I am Axel's true and last love." Matamis ang ngiti na sabi ko naman sa kanya. Hindi ako magpapatalo sa babaeng malaki ang dyoga na ito. Ano naman kung siya ang first love ni Axel? Bakit kailangan pa nitong sabihin sakin? May malansa akong naamoy sa babaeng ito.
Nawala ang matamis na pekeng ngiti niya sa labi at napalitan yon ng pagsimangot habang nakatingin sakin, hindi kasi nakita yon ni Axel dahil sakin lang siya nakatingin. Naramdaman ko pa ang marahang paghaplos ni Axel sa bewang ko.
"Anyway! Axel, pwede mo ba ako samahan mag swiming?" Lumapit pa talaga siya kay Axel at ipinulupot ang braso sa braso ng boyfriend ko. Pinadilatan ko ng mata si Axel, kaya para siyang nataranta na tangalin ang braso ng babae sa braso niya. Hindi pa nakakasagot si Axel nang magsalita na naman si Meagan, promise nakakairita ang boses niya.
"Don't tell me you will not accept my invitation, ngayon lang ulit tayo nagkita." para siyang nagpapa-awa kay Axel! Nakakairita.
Tumingin sakin si Axel, na parang nagpapaalam kung papayagan ko ba siya. Napapikit ako bago bumuntong hininga. I opened my eyes then smiled sweetly at Axel, I also gave Meagan a sweet but fake smile before nodding to Axel to give him my approval para samahan si Meagan mag swimming.
Nakita ko ang tagumpay na ngiti ni Meagan, pero agad din nabura nang magsalita si Axel.
"Are you sure baby? I would rather be locked in our room with you than swim." Naglalambing pa na yumakap siya sakin kaya nakikita ko na umusok na ang ilong ni Meagan habang masama ang tingin sakin. Buti nga sayo bitch!
"Ano ka ba baby, gusto ko din mag swim 'no," natatawang sabi ko.
"Hindi! Kami lang na Axel ang magkasama mag swiming!"
"What's your problem Meagan? Why are you shouting?" nagtatakang tanong ni Axel habang kunot noong tumingin si Axel kay Meagan, habang ako ay nakahalukipkip at nakataas ang kilay na nakatingin sa kanya.
"I mean kasi Axel dapat tayong dalawa lang, kasi bonding natin yon yaw ko ng may third wheel satin," pagpaliwanag niya kay Axel. Talaga lang ha baka gusto mo solohin si Axel at ako pa talaga ang third wheel ha.
"Kung ayaw mo na kasama ang girlfriend you can swim alone Meagan, at kahit kailan ay hindi magiging third wheel ang girlfriend ko sa lahat ng lakad at gagawin ko," sabi ni Axel at mabilis akong hinila paalis sa harap ni Meagan na mukhang maiiyak na dahil sa sinabi ni Axel.
Nakaramdam ako ng kaonting awa kay Meagan pero mabilis din naalis yon dahil nanglingunin ko siya ay masama ang tingin niya sakin at parang may kakaiba siyang binabalak. Pero ipinagkibit balikat ko lang yon siguro ay guni-guni ko lang yon. Wala naman mangyayari kasi nasa tabi ko lang naman si Axel, at alam ko na safe ako lagi sa tabi niya. Napa-praning lamg siguro ako dahil sa biglaan pagsulpot ng babaeng yon.
TBC
![](https://img.wattpad.com/cover/198324259-288-k783709.jpg)