JEWEL POV:
Pinakiramdaman ko ang paligid ko habang nakahiga ako sa malambot na kama at nakapikit, may narinig akong nag-uusap ang isa ay nakilala kong si Axel at ang isa ay hindi ko kilala. Pero nang magsalita muli si Axel, ay nalaman ko kung sino kausap niya.
"Hindi po ba buntis ang girlfriend ko doc?" Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil sa naging tanong ni Axel sa doctor. Parang na excite ako sa magiging sagot ng doctor, pero may kaonting takot iniisip ko na kung buntis ako at ayaw pa ni Axel na magkaanak? Anong mangyayari samin ng baby? Lalaki na walang kikilalanin ama or worst baka ipalalaglag niya pa ang bata. Hindi yata kakayanin ng konsensya ko na kitilin ang inosenteng bata.
Alam ko naman na wala pa sa plano ni Axel ang magka-anak dahil hindi pa namin na pag-uusapan ang tungkol sa ganon bagay. Kahit madami ng beses na may nangyari samin ay never namin napag-usapan ang tungkol sa baby.
"Base on my observation she is not pregnant hijo, dahil lang sa stress at pagod kaya siya nahimatay kanina. Pero mas mabuting pumunta kayo sa OB para makasigurado tayo."
Hindi ko alam kong nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil sa naging sagot ng doctor, pero hindi ko rin maiwasan ang malungkot dahil kahit papano ay umaasa ako na buntis ako. Hindi ko ipagkakaila na gusto kong magkaanak kami ni Axel, ang sarap siguro sa pakiramdam na maging magulang, na may baby ka ng inaalagaan.
"Sige po Doc. Salamat."
"Sige hijo mauna ako."
Narinig ko ang papalayong yabag at ang pagbukas-sara ng pinto hudyat na lumabas na ang doctor. Naramdaman ko ang paglundo ng kama na hinihigaan ko, hinalikan niya ako sa may noo ko. I slowly opened my eyes, and the first thing I saw was Axel's handsome face.
"Baby," malamyos na boses na sabi niya sakin, may tipid na ngiti siya sa labi. Nagpangap ako na wala akong narinig sa pinag-usapan nila ng doctor.
"I'm sorry I fainted earlier, nakakahiya sa mommy mo." Bigla nawala sa isip ko ang tungkol sa buntis thing nang maalala ko na nakaharap ko kanina ang mommy niya. Dito niya ako dinala sa magulang niya! Bigla akong napaupo nang maalala ang nangyari kanina.
"Carefull baby." Inalalayan niya akong makaupo ng maayos sa kama. "Ako dapat ang mag sorry baby, napagod yata kita kagabi." Napakamot siya sa kanyang ulo nang sabihin niya yon. Hindi ko naman mapigilan ang pamulahan ng mukha dahil sa sinabi niya.
"Ikaw talaga!"
Mahina ko siyang pinalo sa matigas niyang balikat. Mabilis naman niyang kinuha ang kamay ko at dinala sa tapat ng labi niya para halikan. Napangiti ako at hindi ko napigilan ang mabilis siyang halikan sa labi. Balak niya rin sana na halikan ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung saan ako nakahiga.
Agad kaming napabaling at halos umusok ang buong mukha ko nang makilala kung sino ang bagong pasok.
"Gising kana pala Hija," nakangiting sabi ni Mrs. Montreal habang papalapit samin ni Axel. Tatayo sana ako para mag bigay galang sa kanya nang mabilis siyang makalapit sakin at pigilan ako.
"Naku hija, wag kana munang tumayo at baka mahilo ka ulit," nakangiti parin na sabi ng ginang sakin.
"Sorry po ma'am," nahihiyang sagot ko sa kanya. Hindi ko lubos na naisip na ganito kami magkakaharap ng mommy ni Axel.
"Mom' you are scaring my girlfriend!" Agad nanlaki ang mata ko ng humarap sakin ang mukha ng kanyang ina na parang nagtatanong. Umiling iling pa ako habang iwinawagayway ko ang kamay ko sa harap nila.
"N-naku hindi po ma'am," nahihiyang sagot ko sa kanya.
"You are really cute hija, from now on I want you to call me mommy," maligayang sabi niya at hinawakan pa ang kamay ko na nanlalamig pa. Napatingin ako kay Axel para humingi ng tulong pero hindi ko alam kung para san yong tulong na hinihingi ko sa kanya. Nagkibit balikat lang ang gwapo kong boyfriend.
"Say it hija, M-O-M-M-Y." Parang bata niya akong tinuturuan kung ano ang sasabihin.
"M-mommy." Napa-ngiwi ako nang bigla siyang tumili at mabilis akong niyakap.
"Mom! Hindi na makahinga ang girlfriend ko!" pagmamaktol ni Axel. Natatawa naman na lumayo ang mommy niya sakin, agad naman na pumalit si Axel sa pagyakap sakin. Hinalikan pa niya ako ng mabilis sa labi, nahihiya naman akong napatingin sa mommy niya para humingi ng pasensya sa inakto ni Axel sa harap niya. Nginitian lang ako mommy niya at nagkibit balikat siguro ay sanay na sa ugali ng anak.
"Maiwan ko na kayo lovebirds. Bilisan niyo naman na gumawa ng apo ko!" Napatingin nalang ako sa nilabasan na pinto ng mommy niya.
"Oh pano ba yan baby, gusto na ng apo ni mommy. Bakit kasi wapa pa 'tong laman," sabi niya habang hinihimas ang tiyan ko.
"Ikaw Axel gusto mo na ba ng anak sakin?" Gusto ko sanang itanong sa kanya pero mas pinili ko nalang tumahik.
TBC