KABANATA 18

3.5K 130 32
                                    

JEWEL POV:

Napasimangot ako habang nakatanaw sa bintana ng kotse ni Axel, hindi ko alam kung san kami pupunta. Bigla nalang niya akong ginising na may pupuntahan kami, magbabakasyon daw kami! Hindi ko nalang kinontra baka topakin pa, tinanong ko kung pano ang kompanya nya dahil sabi niya ay tatlong araw kaming mawawala. Sagot niya lang sakin si sir Leo na ang bahala sa lahat.

"Gutom kana ba baby?" basag niya sa katahimikan, mabilis siyang sumulyap sakin kaya napatango ako. Mahigit dalawang oras na din ang byahe namin.

Naghanap kami ng pwedeng kainan pero lahat ay puno siguro kasi lunch time na. Kaya nag drive thru nalang kami sa isang kilalang fastfood chain.

Mabilis akong kumain habang sinusubuan ko siya dahil nag da drive siya. Tinaasan ko siya ng kilay nang subuan ko siya ng fries ay pati yata kamay ko ay gusto niyang kainin.

"Axel!" sigaw ko sa kanya, ayaw niya ilabas ang daliri ko na nasa bibig niya. Natatawa naman siya nang pakawalan na niya ang daliri ko.

"Siraulo," I said as I wiped my finger with tissue. Tawa naman siya ng tawa na parang tuwang tuwa talaga siya sa ginawa niya. I frowned at him, so he stopped laughing.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko, hindi ko siya pinansin hanggang sa nagsalita siya.

"Hindi mo na ba ako susubuan? I'm still hungry baby."

Naawa naman ako sa kanya, kanina pa siya nag da drive kaya katulad ko ay gutom na gutom siya. Nakakainis lang kasi itong lalakeng ito pati kamay ko kinakain.

"Oh!" Itinapat ko sa labi niya ang burger na kanina ay kinakain ko. Agad naman niya yong kinain.

"Thank you baby," sabi niya at mabilis akong hinalikan sa noo habang nag da drive. Hindi naman delikado ang ginawa niya dahil nakatingin naman siya sa daan habang kinikiss niya ako sa noo.

Hindi niya na muli ginawa ang pagsubo sa daliri ko kaya madali namin naubos ang pagkain. Halos tatlong oras ang naging byahe namin nang makarating kami dito sa lugar na sinasabi niya.

Napa wow ako sa ganda ng lugar, magandang white sand beach napakalinaw ng tubig nakikita ko na ang mga isda na naglalangoy. Gusto ko na sana mag langoy at manghuli ng isda kung hindi lang ako hinila ni Axel.

"Lets go baby, kanina pa tayo hinihintay nina mommy."

Agad akong napatingin sa kanya gamit ang malalaking mata. Anong pinagsasabi nito na hinihintay kami ng mommy niya! Baka nagkamali lang ako ng pandinig! Tama! Alam ko na sa America ang magulang niya kaya imposible naman na nandito sila, sakay lang naman kami ng kotse pano kami makakarating ng america?

"S-sinong naghihintay satin dito?" kinakabahan na tanong ko, sana lang talaga mali ang pandinig ko.

"My parents," natatawang sagot niya habang hinihila ako papasok sa malaki at magandang beach house.

"Ano!" Gino-good time ba ako ng lalakeng ito, hindi na ako natutuwa.

"we are here mommy!" sigaw nito at mas lalong lumaki ang mata ko nang may lumabas na ginang na nakangiti habang papalapit samin ni Axel at kilalang kilala ko siya dahil ilang taon na akong nag trabaho kay Axel ay ilang beses ko siyang nakitang dumalaw kay Axel.

Pero sa halip na kay Axel siya lumapit para yakapin ay sa akin siya lumapit at niyakap ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi bago lumayo ng konti sakin para ibuka ang dalawang braso.

"Welcome to our family Hija!" Maligayang sabi ng ginang. Para naman akong na-estatwa, nakaramdam din ako ng hilo.

Marami pa na sinasabi ang monmy ni Axel pero wala na akong naintindihan dahil tuluyan na akong kinain ng dilim. Narinig ko nalang ang malakas na sigaw ni Axel at ang pag-angat ng katawan ko. Kahit hindi ko nakikita kung sino ang bumuhat sakin ay alam ko na si Axel yun. And what happened next? wala na akong matandaan.

TBC

Hot Men Series 3: Axel MontrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon