KABANATA 15

3K 127 7
                                    

JEWEL POV:

Ilang minuto nang nakaalis si Axel, patuloy parin na pumapatak ang luha sa mata ko. Ganun nalang ba yun, kaonting away lalayas siya, iiwan ako?

Pumasok ako sa kwarto, hindi ako kumain wala akong gutom na nararamdaman mas nangingibabaw sakin ang sakit sa puso ko.

"Ganyan ba kababaw ang pag mamahal sakin ni Axel?" Hindi ko mapigilan itanong sa sarili ko.

Mas lalo akong naiyak dahil pakiramdam ko ay hindi naman niya talaga ako mahal, baka na challenge lang siya sakin siguro ay gusto niya lang ng bagong kalaro. Bakit hindi ko agad naisip yun no'ng una palang. Siguro ngayon ay pupunta sya sa bago niyang babae.

Isinobsob ko ang mukha ko sa unan at  duon ko ibinuhos ang mga luha ko. Ilang minuto pa akong umiiyak habang nakadapa sa malaking kama nang marinig ko ang pag bukas-sarado ng pinto ng kwarto, narinig ko rin ang mga yabag na papalapit sakin.

Hindi ako gumalaw, patuloy parin ako sa pagsinok nang maramdaman ko na may humiga sa tabi ko bago ako yakapin ng mahigpit mula sa likod. Kahit hindi ako tumingin ay kilalang-kilala ko ang amoy at yakap niya.

"Si Axel. Bakit siya bumalik?" tanong ko sa sarili ko.

"I'm sorry baby," sabi niya habang marahang hinahalikan ang ulo ko, hindi ko na naman napigilan ang pagdaloy ng luha ko dahil sa narinig ko sa kanya.

---

AXEL POV:

Napapikit ako nang maalala ko ang mukha ni Jewel na nangingilid ang luha. Agad kong kinabig ang kotse ko pabalik sa condo ko. Naiisip ko ang katarantaduhan na nagawa ko kay Jewel.

"I'm sorry baby."

Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko pabalik sa condo, hinihiling na sana ay hindi siya umalis.

"Ang tanga mo kasi Axel! Gago!" galit na sabi ko sa sarili.

Nang makarating ako sa unit ko ay nagmadali akong pumasok sa kwarto ko, at parang nadurog ang puso ko nang makita ko si Jewel na nakadapa habang nakasobsob sa unan ang mukha at naririnig ko ang mahihina niyang paghikbi.

Agad akong lumapit sa kanya, humiga sa tabi niya at niyakap siya mula sa likod.

"I'm sorry baby," malambing na bulong ko habang pinapatakan ng magaan na halik ang ulo niya.

"Ang gago ng boyfriend mo baby," sabi ko pa sa kanya, narinig ko ang mahina niyang pagsinok.

Hinarap ko siya sakin at mas sumakit ang puso ko nang makita ko ang mukha niyang puno ng luha, ang mata at ilong niya ay namumula dahil sa pag-iyak.

"A-axel," paos na boses na tawag niya sa pangalan ko, hinintay ko kung ano pa ang sasabihin nya pero tanging pangalan ko lang ang binangit niya.

"I'm so-sorry baby."

Ginamit ko ang palad ko para tuyuin ang luha sa mukha niya, nakatingin lang siya sakin habang ginagawa ko yun.

"I love you." Magaan ko siyang hinalikan sa labi pagkatapos kong sabihin yun.

Hindi siya sumagot sa halip ay niyakap niya ako at isinobsob sa mukha sa dibdib ko. Hinaplos ko ang likod niya habang walang tigil ang pag hingi ko ng sorry kasabay nang paghalik ko sa ulo niya. Mas niyakap ko siya ng mahigpit, pinaparamdam ko sa kanyan na ayaw kong mawala siya sa piling ko.

Ang gago ko talaga! Pinaiyak ko ang babaeng mahal ko.

TBC

Hot Men Series 3: Axel MontrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon