JEWEL POV:
Masakit ang buong katawan ko nang magising ako kanina, pero mas masakit ang bagay na nasa gitna ng mga hita ko, pakiramdam ko ay namamaga ito. Ang laki ba naman ng bagay na pumasok duon kahit yata araw-araw namin gawin yun ay mararamdaman ko parin ang sakit.
"at talagang naiisip mo pa na may mangyayari ulit sa inyo ha!" kastigo ko sa sarili.
Ilang araw narin ang nagdaan nang huling may nangyari samin, wala naman nag bago sa pakikitungo niya sakin. Minsan masungit, minsan naman maloko. Parang wala lang dito ang dalawang beses nangyari samin, kung sa bagay sino ba naman ako? Isamg hamak na secretary niya lang.
"i need to talk to Axel, nandyan ba siya sa loob?"
Umangat ang tingin ko mula sa harap ng computer ko nang biglang may nagsalita. Hindi ko mapigilang ang mapataas ng konti ang kilay nang bumungad sakin ang isang babae na akala mo kinulang sa tela ang suot. Kulang nalang wag na itong magsuot ng damit, dahil kitang kita ko na ang malaki nitong dibdib pero halatang peke naman.
"yes ma'am, may appointment po ba kayo sa kanya?" medyo naiirita na tanong ko habang nakangiti ng peke. Nakita ko naman ang pag-ismid ng babae sakin at pagtaas ng kaliwa nitong kilay.
"oh well miss secretary hindi ko kailangan ng appoitment. I'm sure papasukin agad ako ni Axel, dahil alam ko na miss na miss na niya ako," nakangising sabi nito.
Hindi ko mapigilan ang pagka-irita dahil sa sinabi nito, pati narin ang mukha niyang retokada ay nakakainis din.
"bwesit isa ba ito sa mga babae ni sir Axel?"
"hindi po maaaring pumasok ng walang pahintulot ng boss ko." Hindi ko na mapigilan ang pagkairita sa boses ko, ewan ko ba nakakainis kasi ang babaeng ito.
Hindi sumagot ang babae sa halip ay nginisian niya lang ako na tila nang-aasar. Hindi ko na ito napigilang nang maglakad na ito papunta sa may pinto ng office ni sir Axel at walang pakialam na binuksan ang pintuan. Agad kong sinundan ito para pigilan sa pagpasok.
"ma'am bawal po talagang pumasok," sabi ko dito habang nakahawak sa kamay niya.
"Kim? What the hell are you doing here?" malakas na boses ni sir Axel na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin samin.
"I'm visiting you babe, I really missed you na," malambing na sagot nito, at marahas na tinangal ang kamay kong nakakapit sa braso niya. Agad ko naman pinahid sa suot na skirt ko ang kamay ko baka kasi magka-germs ako.
Agad lumapit ang babaeng tinawag ni sir Axel sa pangalang Kim, parang may dumagan na mabigat na bagay sa dib-dib ko ng makita ko ang paglapat ng labi nung Kim kay sir Axel.
Ilang segundo lang nanglapat ang labi ng dalawa dahil agad tinulak ni sir Axel ang babae, parang kinakabahan naman na tumigin sakin si sir Axel, yung mata niya ay parang takot na takot. Siguro mali lang ang nakikita ko sa mata niya siguro ay nahihiya lang siya sakin.
"m-maiwan ko muna kayo, Sir." Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil nagmadali na akong tumalikod dahil pakiramdam ko ay mahuhulog na luha sa mga mata ko.
"Bakit ba kailangan ko pa masaktan e sanay na naman ako sa ganyan, dati nga nahuli ko pa siyang may kasex, pero bakit ang sakit parin?"
Hindi na ako lumingon kahit na tinatawag ako ni sir Axel, bahala siya dun magsama sila nang haliparot na babaeng retokadang yon. Naiinis ako kay sir Axel, naiinis ako sa babaeng retojadang yun pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil nasasaktan ako. Agad kong pinalis ang luha sa pisngi ko nang makarating ako sa elevator, agad na bumukas ito kaya pumasok ako.
Diretso ako sa caffeteria dahil lunch break narin naman. Agad na lumapit ako kina Geo at Camille nang makita ko sila, mga katrabaho ko at naging close ko narin. Si Geo ay bakla habang si Camille naman ay babaeng bakla.
"bakit ganyan ang mukha mo friend umiyak kaba?" agad na tanong ni Camille nang mapansin nito ang mata ko.
"Hindi," sagot ko at kinain ang pagkain na inorder nila para sakin. Nagkibit balikat lang ang dalawa dahil sa naginig sagot ko.
"teka nasan pala si Mark?" nagtatakang tanong ko nang hindi ko nakita si Mark, madalas din kasing sumabay ito samin. Nakita ko ang pagtitinginan ng dalawa.
"sis kasi inilipat na sa ibang branch si Mark, biglaan nga eh hindi ba nagsabi sayo?" Napanganga ako dahil sa naging sagot ni Geo, wala akong alam hindi manlang ito nag chat sakin. Umiling nalang ako bilang sagot dito.
"baka nakalimutan lang, mamaya mag text ako sa kanya," sabi ko sa dalawa.
Tumango-tango naman ang dalawa at nagpatuloy na kami sa pagkain.
---
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa pwesto ko, siguro naman tapos na kung ano man milagro ang gagawin ng dalawang yun.
"where did you go?" halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa harap ko, walang iba kundi si Sir Axel, na nakatayo sa harap ko.
"k-kumain, diba lunch na," sagot ko dito, nakita ko naman ang pagsimangot nito.
"at hindi mo manlang ako ibinili," nakasimangot na sagot nito.
"sorry, akala ko kasi busy ka sa bisita mo," sagot ko sa kanya, mas sumimangot naman ito.
"isa pa yan hindi mo dapat ako iniwan sa babaeng yun," seryosong sabi niya habang magkasalubong abg kilay.
"so--- ay." napatili ako ng bigla niya akong hilahin patayo.
"lets go," sabi nito habang hinihila ako.
"Wait! Sir san ba tayo pupunta?" agad na tanong ko nang makapasok kami sa loob ng elevator.
"samahan mo ako kumain, nagugutom na ako," sabi nito at simpatikong nakangiti sakin. Hindi ko mapigilan ang mapatulala habang nakatingin sa kanya, bakit parang lalo yata itong gumagwapo sa paniningin ko?
Magkahawak parin ang kamay namin kahit nang makarating kami sa ground floor, hindi ko mapigilan ang mahiya dahil halos lahat ng empleyado na nandun ay nakatingin samin, pero parang walang pakialam si sir Axel kahit pagtinginan siya ng lahat.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil kahit magkasalubong ang kilay niya ay napakagwapo parin nito. Napakagat labi ako at mas hinigpitang ang hawak sa kamay niya.
TBC
