JEWEL POV:
"Hi ms. Beautiful secretary!"
Agad na napaangat ako nang tingin mula sa computer ko nang may nagsalita, aga na bumungad ang mukha ng kaibigan ng boss slash boyfriend ko. Nakangiti ito sakin habang ang isang kamay ay nakalagay sa bulsa.
"Hello po sir Leo," nakangiting sagot ko, lalo naman itong ngumiti kaya lalo itong naging gwapo pero mas gwapo parin ang boyfriend ko. Halos lahat naman silang magkakaibigan ay gwapo at lahat sila ay babaero pero yung iba ay hindi na dahil nagkapamilya na. Masasabi kong hindi na babaero ang mga nakapag asawa sa kaibigan nila dahil nakikita ko naman na mahal na mahal ng mga ito ang napangasawa.
"How are you miss secretary?" nakangiting tanong nito na parang nag papacute. Napangiwi ako, parang nandidiri ako sa kanya kahit gwapo siya, dati naman ay hindi ako ganito, siguro dahil para sakin isa nalang ang cute yun ay ang boyfriend ko!
"Mabuti naman sir," ngiting sagot ko nalang dito.
"Hindi ka pa nagsasawa dito sa trabaho? Kailan ka mag re-resign? Pag nag resign ka ay sabihin mo lang sakin, bukas ang kompanya ko para sayo." Kumindat pa ito sakin pagkatapos sabihin yun
Mas lalo yata akong napangiwi dahil sa sinabi niya, matagal na nito akong pinag re-resign sa trabaho ko dito at bibigyan yan daw ako ng trabaho at dodoblehin niya daw ang sweldo ko.
"Sir...."
"LUMYAS KA SA KOMPANYA KO MADRIGAL!"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa ginawang pagsigaw ni Axel, kanina pa pala niya kaming pinapanuod ni sir Leo. Nanlilisik ang mata na lumapit siya samin, pero sa halip na matakot si sir Leo ay natawa pa ito.
"Hey man," nakangiting sabi ni sir Leo sa nobyo ko, pero hindi ito pinansin ni Axel deretsyo lang ang tingin niya sakin.
"Baby, wag kang papayag sa gusto ng siraulong ito," nakangusong sabi niya sakin bago binalingan ng masamang tingin ang kaibigan.
Nag init naman ang mukha ko dahil sa pagtawag niya sakin ng baby sa harap ng kaibigan kaya agad akong napantingin kay sir Leo sa magiging reaksyon niya at nakita ko ang pagka-aliw sa mukha nito.
"Ano pang nginingiti mo dyan Madrigal! Lumayas ka sa kompanya ko kung ayaw mo na ipakaladkad kita sa guard!" inis parin na sabi nito sa kaibigan.
Itinaas lang ni sir Leo ang kamay na parang sumusuko habang may ngisi sa labi.
"Hindi ko akalain na magiging katulad ka rin ni Montegro bud, nagka girlfriend lang kayo ipinagtatabuyan nyo na ako," natatawang sabi nito.
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nito, alam na ba nito na girlfriend na siya ni Axel. Sinabi na rin ba niya sa kaibigan niya? Nasagot naman ang tanong ko dahil sa nagsalita muli si Axel.
"I told you Madrigal, wag muna kakausapin si Jewel na nakangiti ka dahil girlfriend ko na siya!" galit parin na sabi nito sa kaibigan niya.
"Sobrang possessive mo naman bud, baka iwan ka ni ms. Secretary dahil nasakal na sayo," nakangising sagot naman ni sir Leo kay Axel.
Agad na napatingin sakin si Axel na may pangamba sa mukha.
"Hindi mo naman ako iiwan baby diba?" parang batang tanong nito sakin, para naman akong nahihipnotismo na napatango sa kanya.
"Oo hindi kita iiwan," sagot ko sa kanya na ikinangiti niya.
"See Madrigal hindi niya ako iiwan, kaya lumayas kana sa kompanya ko at may gagawin pa kami," sabi nito at bigla nalang ako hinila, iniwan ang kaibigan na malakas na tumatawa sa likod namin.
Napatawa narin ako dahil sa naging asal ni Axel, pero hindi ko maiwasan ang kiligin dahil maging ang mga kaibigan niya ay alam ang relasyon namin at tingin ko ay tanggap naman ako ni sir Leo para sa kaibigan kahit pa halata na inaasar nito si Axel kanina.
TBC