Kabanata 12:

3.5K 131 11
                                    

JEWEL POV:

Sa bawat araw na nag daan bilang magkarelasyon kami ni Axel, ay mas nakikilala ko siya dati kasi tingin ko lang sa kanya sobrang playboy at manyakis na boss may tinatago rin pala siyang ka sweetan sa katawan. Minsan kasi bigla nalang siyang nanghahalik kahit maraming nakatingin na empleyado niya, no'ng una ay natatakot pa ako sa sasabihin ng mga katrabaho ko dahil boyfriend ko na ang boss namin.

May iba na hindi tangap ang relasyon namin may nagsasabi pa nga na baka pera lang ang habol ko kay Axel, may iba naman na sinasabi na naging mababa na daw ang standard ni Axel sa babae dahil dati daw ay puro model at galing sa may kayang pamilya ang nagiging girlfriend nito. Masakit para sakin na makarinig ng ganun, alam ko naman na kung iko-kompara sa naging babae ni Axel noon ay walang wala ako sa kalingkingan nila.

Hindi naman nag bago ang tingin sakin ni Geo at Camille sila lang talaga ang maituturing kung tunay na kaibigan sa trabaho, pero nong una ay nagulat din sila pero hindi nila ako hinusgahan sa halip ay sinuportahan nila ako. Bigla ko tuloy na miss anh dalawang yun bihira nalang kasi kami magkita kita.

"Anong iniisip na baby ko?" tanong ni Axel, hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa kanyang labi habang ang isa naman kamay niya ay nakahawak sa manebela.

Pauwi na kami ngayon sa condo niya, gusto niya duon kami mag dinner, sanibi ko sa kanya na mag take out nalang kami pero ayaw niya gusto daw niya akong ipagluto, ngayon ko lang nalaman na marunong pala siyang magluto akala ko puro pambabae lang ang alam niya. Marami pa talaga akong hindi nalalaman sa nobyo ko kahit three years na kaming nakasama sa trabaho.

"Wala baby, iniisip ko lang kung ano ba yung lulutuin mo para sakin, gusto ko ng matikman," nakangiting sagot ko sa kanya.

"Pangalawa sa pinaka masarap na pagkain na matitikman mo," nakangising sagot niya sakin habang ang mata ay nakatutok sa kalye medyo malapit narin kami sa condo niya.

Nagtaka naman ako dahil sa naging sagot niya, madami na akong natikman na pagkain pano niya nalaman ng pangalawa yun alam niya ba kung ano ang una na masarap na nakain ko?

"ano naman yung una na masarap na nakain ko?" nalilitong tanong ko sa kanya.

Mabilis niyang tinigil ang kotse na sa may ground floor na pala kami ng condo niya, agad niyang tinangal ang seatbelt niya bago humarap sakin na may pilyong ngisi sa labi. Kinuha niya ang kamay ko at mabilis na nag init ang mukha ko sa sunod niyang ginawa.

"Ito." Mabilis niyang ipinatong ang kamay ko sa nakaumbok niyang harapan.

"Bastos!" Hinamapas ko siya sa balikat at nagmadaling lumabas ng kotse niya.

My god! Kahit hindi ko tingnan ang mukha ko ay alam ko na namumula ang buong mukha ko. Naririnig ko pa ang pagtawag niya sakin pero hindi ko siya pinansin nag tuloy tuloy ako sa elevator.

Himapit niya ako sa bewang  nang makalapit siya sakin.

"Huwag kanang maiinis baby," malambing na bulong niya sa teynga ko habang hinahaplos ang pataas baba ang bewang ko.

"Ang bastos mo," nakangusong sabi ko, hindi naman ako naiinis sa ginawa niya. Naiinis ako sa sarili ko kasi ang dali kong ma turn on sa kanya. God!

"Sorry, tsup."

Hinalikan niya ang nakausli kong nguso.

"I love you," malambing na sabi niya na nakapag pangiti sakin.

"I love you too," malambing na sagot ko sa kanya.

Ipinalibot ko ang dalawang braso ko sa leeg niya bago ko dampian ng magaan na halik ang labi niya, wala naman tao dito kaya hindi ako nahiya na halikan siya. Napapikit naman siya dahil sa ginawa ko. Lumayo na ang labi ko sa kanya pero siya ay nakapikit parang dinadama parin ang halik ko sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti, napakagwapo talaga niya kahit nakapikit pa at medyo magulo ang buhok. Napaka-swerte ko dahil akin na siya! Akin lang siya.

TBC

Hot Men Series 3: Axel MontrealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon