Chapter 10 Cool *o*

166 10 8
                                    


Emelyn's POV

"Wala, ngayon ko lang napagtanto, ang ganda pala ng asawa ko."

"Wala, ngayon ko lang napagtanto, ang ganda pala ng asawa ko."

"Wala, ngayon ko lang napagtanto, ang ganda pala ng asawa ko."

"Wala, ngayon ko lang napagtanto, ang ganda pala ng asawa ko."

Waahh ano ba naman ito? Kanina pa ako nakaalis ng bahay. Una, hindi ako pumayag na sumama kayna Alex kahit na gusto ko ng makita si kuya Jorge kasi may sarili akong lakad. Nag text sa akin si DenMae nung isang araw na magkita daw kami, kasama niya yung boyfriend niya. Di daw kasi kami masyadong nagkausap nung huli kaming magkita. Kaya eto, on the way na ako sa pagkikitaan namin.

"Wala, ngayon ko lang napagtanto, ang ganda pala ng asawa ko."

Hala. Ayaw matanggal sa utak ko? Ikalawa, si Amor naman ay hindi na ulit tumawag o nagtext sa akin. Baka nasa trabaho na.

"Wala, ngayon ko lang napagtanto, ang ganda pala ng asawa ko."

Aish. Ayan na naman. Ikatlo, hindi si Rocielle ang kasama ko kasi pareho sila ni Amor na malamang nagtatrabaho. Si Rocielle naman ay isang nurse. Buti pa siya. Kaya lang mas pinili niya dito kaysa sa ibang bansa na magtrabaho.

"Wala, ngayon ko lang napagtanto, ang ganda pala ng asawa ko."

Hindi ko rin kasama si baby Allen kasi naman umuwi siya ngayon sa bahay ng parents niya. Maybe once or twice a week siya kung bumisita dun. Isang araw nga daw, isasama na niya ako. Hihintayin ko 'yun.

"Wala, ngayon ko lang napagtanto, ang ganda pala ng asawa ko."

Arghh. Ano ba naman ito? Bakit ba ulit ulit sa utak ko 'yung sinabi ni Alex? Nauto ata ako dun. Pero teka, maganda naman talaga ako diba?

Naiinggit na rin ako kasi sila may trabaho na tapos ako wala. Ayoko kasi ng negosyo. Kahit na ba ang natapos ko ay Business Management, na ipinilit nina mama't papa. (Batchmates kami nun ni Amor, kung saan sabay naming nakilala si Rocielle sa may canteen na nursing ang course.) Ayoko rin naman magtrabaho sa kumpanya namin. Gusto ko.. Ano nga bang gusto ko? Ah basta, gusto ko nang magtrabaho.

Naglalakad na ako ng matanaw ko si DenMae short for Deniece Mae doon sa loob ng isang restaurant. Kasama niya si Jeron? Jerry? Ano nga ulet yun?

"Emelyn!" Masayang bati sa akin Deniece.

"Hi." Nahihiya kong tugon tapos umupo na kung saan katapat ko silang dalawa.

"At dahil nabitin tayo noon, kaya naisipan naming imbitahan ka ngayon."

"Ahh." Yan lang ang masabi ko. -_- Apakamahiyainkonamantotooba'to?

"Okay! The order is here guys." Sabi ni DenMae. Nag-order na pala sila habang hinihintay ako, pero syempre in-order din nila ako. Kumain lang kami ng kumain though kakaunti lang ang kinain ko. Eh kasi ba naman sobrang ang so-sosyal ng foods. Mayaman man ang pamilya namin ay hindi kami nagpupunta sa ganitong ka-sossy na place.

"May boyfriend ka na ba Emelyn?"

"Pft. Ah eh w-wala."

"Eh bakit nauutal ka?"

Shemay naman Deniece. Stop it. Please? Huhu.

"Ahh nevermind. Mukhang di ka pa ready-ng pag-usapan yan. Hahaha." Pati ba naman pag tawa sosyal pa rin? Naknampalaka naman oh. Nakakailang na po kaya.

Base sa aking peripheral vision, nakatingin sa ak-- no -- nakatitig sa akin si boyfriend ni Deniece. Naeewan naman ako oh.

"Jeric, hon." Haayy nakahingang malalim ako dun ng tinawag ni Deniece ang boyfriend niya, ah Jeric pala.

Grabe kasing tumingin. Parang akala mo eh close na close kami.

"Bakit?" Ang cool *o* ng boses niya. Kasing cool niya. Hooo, stop it Emelyn.

"Nagtext na kasi sila sa akin, punta na daw tayo dun."

Tutal tapos na rin naman kaming kumain ay napagkasunduan na rin nilang umuwi, ako man.

Nagpaalam na rin silang dalawa at mukhang magkakaroon sila ng isang magandang buong pamilya. Ako kaya, magkakaroon rin ng pamilya?

*Allen baby calling*


What The?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon