Chapter 13 Revelations

135 7 2
                                        

Allen's POV

Nakakadalawang baso palang kami ni Alex. Si Cyna, kumakain at nanonood lang. Pinatay na niya ang tv tapos ay humarap sa amin.

"Ahh.. ehh.. masarap ba iyang iniinom niyo?"

"Oo pero 'wag mo nang subukan, Emelyn." Si Alex magsasabi ng ganun? Diyata nga. Tsaka wala namang masama kung titikman ni Cyna 'di ba?

"Wag kang KJ, dude. Eto oh Cyna, subukan mo, isang baso lang." Naglagay ako ng wine sa baso at iniabot sa kanya, "Here."

Sa unang tikim ni Cyna sa wine ay pumakla ang mukha niya pero pinilit pa ring ubusin ang baso ng wine na ibinigay ko sa kanya.

Maya-maya ay nakaramdam daw siya ng antok. Inakbayan ko siya at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Pumikit siya hanggang sa nakatulog na.

Napuyat siguro 'to kagabi, sinabayan pa ng wine na pinainom ko.

Umiinom si Alex nang tanungin ko siya, "Sa tingin mo ba wala akong alam tungkol sa koneksyon mo sa pinsan ko?"

Nakita kong nagulat siya sa tinanong ko. Ibinaba niya ang iniinom niya at tumingin sa akin nang nagtataka, "Si Rocielle?"

"Sino pa ba?" Napangisi ako at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ang babaeng dahilan kaya nagpakaplayboy ka noon, kaya tumitigil ka na sa pambababae ngayon at kaya..." Tinignan ko siya na parang kinakabahan siya na alam ko ang tungkol sa kanilang dalawa.

"At kaya.. uuwi ang mga magulang niyo ni Cyna bukas. Teka, sinabi mo na ba sa kanya ang tungkol dito?"

Uminom muli siya ng wine at umiling. "Ang sinabi ko lang ay tungkol sa kailangan naming mag kunyaring maayos dahil sa darating ang parents niya, niya lang." Husay mag sinungaling ng lalaking 'to. Pero hindi naman talaga iyon ang dahilan. Alam ko. Mula ng pagkauwi ko dito galing Japan, ay nalaman ko na ang lahat ng sikreto ni Rocielle, di pwedeng hindi magsasabi sa akin si insan. Kahit 'yung dahilan niya sa pagpapagawa sa amin sa scrapbook, alam ko rin.

"Husay mo rin dude. Ang sarap mo lang naman sapakin."

"Ba't di mo gawin?" Nanggagalaiting tanong niya. Ngunit hindi kalakasan dahil baka nga naman magising si Cyna. Nilingon ko ang katabi kong natutulog. Itong babaeng 'to, mahal ko na talaga. Bago ko pa malaman ang tungkol kay Rocielle at Alex.

Lumingon ulit ako kay Alex, "Alam ko ang sikreto niyo.."

Galit na ang nakikita ko sa mukha niya. 'Yung tipong kahit anong oras susugod siya. Pero hindi niya magagawa 'yon dahil nandito si Cyna.

"Una palang, kayo na ang magkarelasyon. Hiniwalayan ka niya dahil nalaman niyang kay Cyna ka ikakasal, na best friend pa niya. Tss. Nagalit ka kaya simula noon hanggang ikasal kayo ni Cyna ay naging playboy ka. Parang ganti ng galit kay Rocielle, ganon?" Napangisi ako dahil nakikita ko ang pagkainis niya. Kaya tinuloy ko lang.

"Pero nung malaman mong may pag-asa ka pa kay Rocielle, nalaman mong may namamagitan sa amin ng asawa mo, hindi mo inaksaya ang pagkakataon 'di ba? At 'yung baliw kong pinsan, tinanggap ka ulit. Kaya nawala na ang pambababae mo. Galing ko talaga, tsk." Kailangan ko nalang tanggapin na pag naghiwalay na sila ni Cyna at nagkatuluyan ni Rocielle, ay magiging parte na ng pamilya itong si Alex. -_-

"Tama na. Hindi mo na kailangang i-detalye pa lahat. Baka magising pa si Emelyn."

"Easy lang dude. Di pa ako tapos, may isa pa akong sasabihin. Bukas ang uwi ng parents niyo 'di ba? Sayang hindi mo pinaalam kay Cyna ang dahilan, baka matuwa pa siya."

Ang parents ni Cyna at parents ni Alex ay nagkaproblema sa business daw nila, ayon din ito lahat kay Rocielle. Na nanggaling lang din sa salita ni Alex.

Nagalit ng husto ang parents ni Cyna, kaya napagdesisyunan nila na pag hiwalayin ang dalawa. Lalo na nung malaman nito mula kay Alex, na nagkabalikan na sila nung ex niya, na ayun nga, si Rocielle.

Mas umaasa ang pamilya ni Alex kayna Cyna kaya sa una ay nagawa pa nitong magmakaawa pero hindi rin tinanggap.

Kaya sila uuwi bukas ng Pilipinas ay para pag-usapan ang bagay na ito. Papunta na sila sa inaasam ko.. sa paghihiwalay.

"Tumigil ka na. Wala na akong pakielam sa nalalaman mo."

Magsasalita sana ako ng maramdaman kong gumalaw si Cyna at nagsalita na parang nananaginip.

"Mamahalin pa kita.."

Napakunot ang noo ko sa napapanaginipan ng babaeng 'to. Di bale, panaginip lang 'yon.


What The?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon