Chapter 18 Pipitikin ko 'yang labi mo.

101 5 4
                                        

Emelyn's POV

"Kaya naman pala napakainit ng ulo sa'yo ni Amor eh ganyan ka kahangin."

"Ako, mahangin? Di ah. Sadyang ang hirap lang talagang maging gwapo."

"Oo nga eh. Sobrang swerte mo. Sobra, sobra!" Napangisi siya sa sinasabi ko. "Kasi hindi mo naranasan." Dugtong ko.

"Malabo na 'yang mata mo Emelyn, mag patingin ka na sa doctor. Etong mukhang 'to hindi gwapo?"

Hindi ko nalang siya sinagot. Baka magtalo rin kami gaya nila ni Amor. Si Jeric 'yung kausap ko, sino pa ba.

Kasalukuyan kaming nasa labas, kaming apat. Sabi kasi ni Allen lumabas muna kami baka kailangan nina Rocielle at Alex na makapag-usap. Pero tungkol saan? Ay ewan.

Tsaka ko nalang aalamin yun..

"Emelyn, Allen, bibili ako ng makakain dyan sa labas. Ano gusto niyo?" Tanong ni Amor.

"Sila lang talaga? Bakit ako di mo tinatanong?" -Jeric

Umirap lang si Amor.

"Ah alam ko na. Kaya si Emelyn at Allen lang tinatanong mo kasi... kasi ako 'yung isasama mo 'di ba?"

"Asa! Ikaw? Nevah!"

"Mas lalo namang ayaw kitang samahan."

Naku hahaba na naman 'to. Pero buti nalang sumingit na si Allen.

"Ako nalang sasama sa'yo Amor."

Hay buti naman. But wait? So, maiiwan akong kasama si Jeric na makulit na mayabang na .. na... gwapo? Sige na nga, gwapo naman kasi talaga.

"Oh ano inyo Cyna? Tol?" -Allen

"Ahmm french fries! *o* " Nag glare sa akin si Amor, hala. :o "Joke lang naman eh.. ano bang meron diyan sa labas.. uhmm Chicharong Bulaklak nalang!" Sabi ko.

"Anong klase Emelyn, Sampaguita o Ilang-Ilang?"

-________-

Kakornihan nga naman po ni Mr. Jeric Axton. Tsk tsk.

"Aish epal naman. Ge alis na kami. Tara, Allen!" Sabi ni Amor sabay hila kay Allen. Awts. Bakit may kumirot? Oopsy. Best friend ko 'yan oy, dapat di pinagseselos-an tsaka parang 'yun lang eh.

Nakaalis na rin sila at eto kami ni Jeric, naghihintay.

Napa-pout nalang ako dahil wala akong magawa. Nakakaewan.

"Pfft. Wag kang ngumuso Emelyn, di bagay! Hahaha." Ay? Epal? Shangaw?

"Gumaya ka kung gusto mo." Sabi ko pero inalis ko rin 'yung pagkapout ko. Lakas makainsulto eh.

"Paano, ganto?" Tapos ay ayun, ngumuso nga siya. Ang cute. Haha-- ay hindi, panget pala.

"Itigil mo na nga 'yan." Sabi ko sa kanya. Nakakailang kaya kasi parang ang sarap i-kiss. Waahh! Joke lang, joke lang. Binabawi ko po, sorry sorry. Yung totoo kasi.. ano.. ahh.. panget! Tama! Pangit kasing tignan.

"Sabing itigil mo na eh. Pipitikin ko 'yang labi mo." Parang tanga na kasi siya eh.

Biglang siyang umayos at sinabing, "Sige ba, basta labi mo rin
ang ipampipitik mo." Sabay kindat niya.

O____________________O

WHAT THE? Anong sabi niya? Ano nga ulet? Ay ay wag na palang ulitin. Ang lakas po ng toyo niya. O.o

"Namula ka agad. Biro lang Emelyn. Hahaha."

Speechless.

Bigla akong nailang. Kahit na ba Casanova yan o hindi, nakakailang 'yung sinabi niya.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Alex.

"Asan sila?"

"May binili." Sagot ko.

"Ah. Pasok na kayo."

Hay buti nalang. Tapos ayun, pumasok na kami. Nakausap ko na rin si Rocielle pero di ko muna siya tinanong tungkol sa bagay na yun. You know.

Kumain na rin kami pagdating nina Allen at Amor. Infairness ha? Masaya silang nagtatawanan pag dating.

Ayos.

Lumingon sa akin si Jeric kaya napalingon din ako sa kanya.

Nakita ko siyang natatawa. Malamang tungkol dun sa nangyari kanina.

Hay.

Pag tingin ko kay Allen ay nakakunot ang noo niya. Nagtataka siguro kung anong meron sa'min ni Jeric. Ay. Ang gara ng term.

Nagulat ako ng ngumisi si Allen. Tapos ay... tapos ay inakbayan si Amor? What the? O.o Ano ba naman ituuu. Napa-pout ako. Ayy! Bigla kong inayos 'yung labi ko, di na ako nag pout ulit. Mahirap na..

Nagulat din si Amor kay Allen pero parang nakisakay lang siya. Kinapit pa niya 'yung kamay niya sa bandang baywang ni Allen.

WHAT THE? O_O

What The?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon