Emelyn's POV
"Sharam sharam shararaman.." Umagang pagkagising ko palang ang saya-saya ko na. Natapos na nga akong mag concert sa paliligo eh. Ganito pala feeling nun. One week na rin mula nung pumunta dito si Allen. At nakausap na kami ni Rocielle about dun sa scrapbook. May naisip na kong ilagay! :) Pero ngayon, palaisipan pa rin sa akin bakit niya naisipan na pag lagayin kaming tatlo dun. Hmm, di bale.
/krrrr/
Awww. 'Yung tiyan ko. Gutom na pala ako. Habang pababa ako ng hagdan, wala sige kanta lang. "Kapag tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kun'di sundin ito Kapag tumi--"
A-Alex? Wait! Imagination ko lang 'yan, nasa office 'yun eh. Nababaliw na ba si Emelyn? Hayy.
Aba tuloy, "Kapag tumibok ang puso, lagot ka na siguradong --"
"Oh kape mo, wala ka na namang magawa." Kumakanta ako eh, biglang nagsalita si Alex. Panira. Teka? Alex? Alex Smith? Yung asawa kong playboy? Yung gwapo? Yung mayabang? Waahh ano bang nasa isip ko.
"H-hoy ikaw Alex! Anong ginamit mong powers para makapunta dito sa bahay? Ha!" Aba kita mo nga naman, ayaw na magsalita, nanghihina na siguro ang powers nito. Hmm buti nga.
"Paano mo nga kasi nagawa 'yun? H-hoy baka hindi ikaw si Alex. Pero teka, gwapo ka pa rin eh, edi ikaw nga 'yan! Huy Alex naman eh. Sumagot ka nga." Ayaw pa rin niyang magsalita. Ilang segundo din yun.
"Pfft, Emelyn nasisiraan ka na ba?" Tumayo siya tapos tinulak niya ako ng mahina sa may noo ko.
Dere-deretso na siya sa paglakad palayo sa akin at paakyat na ng hagdan. Huminto siya sa pag-akyat at nilingon ako, "Gwapo pala ako ah." Napanganga ako sabay tuloy niya sa pag-akyat ng hagdan. Napahampas ako sa labi ko. Bakit ba kasi lumabas 'yun sa bibig ko?
------
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas. Malamang. Alangan namang umakyat sa baba? -_-
Maliligo na sana ako nang maabutan ko si Alex na nakasandal sa headboard ng kama, nanonood.
Wala bang trabaho itong lalakeng 'to ngayon?
Napansin niya yata 'yung tingin ko sa kanya, kaya siya na ang nauna sa pagsasalita.
"Aalis kami ni Sean, sama ka?" Waahh si kuya Jorge? Namiss ko din 'yung loko na yun na aking instant kuya.
"Ha? Ah eh hindi na. Enjoy hunting girls." I smiled. Aba'y nagsalubong ba naman ang kilay niya na tumingin sa akin. May mali ba sa sinabi ko ha? Tell me! Hindi na siya sumagot bagkus ay tumayo siya at unti-unting lumapit sa akin. Eh di syempre napapaatras naman ako sa bawat hakbang niya. Ang alam ko sa ganito maco-corner nung lalaki 'yung babae tapos... tapos magkikiss sila! Diba? Waaahhh edi ibig sabihin..
*pik*
Aww. Pinitik ba naman niya ako sa noo ko. Pero hindi naman masakit iyon. "Hindi ko na kailangang maghanap.." Kinabahan ako sa sinabi niya. "Masyado na akong gwapo para maghanap." Tss. Yun lang pala. Kala ko kung ano. Napakayabang.
"Ang yabang mo!" Pagkasigaw ko sa kanya niyan ay deretso na ako sa banyo para maligo.
BINABASA MO ANG
What The?
Roman d'amourEmelyn Cyna Amandi had an arranged marriage with Mr. playboy Alex Smith. They don't love each other but they are already living in one house. What will happen if Emelyn Cyna Amandi-Smith fall inlove with another guy, named Allen Guieb. Will Mr. Alex...
