Chapter 5 First time

253 10 8
                                    

Emelyn's POV

Umuwi na ako ng bahay, deretso na sa kwarto sabay upo. Kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Dapat ko ba siyang patawarin dahil may sapat silang dahilan? O h'wag nalang muna hanggang masakit pa? Di ko na namalayan na nasa loob na pala ng kwarto namin si Alex. Bahala nga siya, dagdag isipin pa ba yan.

"Hoy para kang tanga dyan na nakatulala sa hangin."

Truth hurts nga ikaw ng karamihan. Totoo pala talaga. Gusto ng tao ng katotohanan pero pag nasa harap na nila gustong talikuran. Ang sakit sakit.

"Tignan mo itong babaeng to. Huy Emelyn, bingi ka ba?"

Para akong isdang tinutusokng sarili kong mga tinik. Nakapanghihina. Pakiramdam ko yung mga mata ko unti-unti nang luluha. Daig ko pa ang iniwan ng minamahal. Eh di ba ako pa nga ang nilalapitan ng pagmamahal? Ayshh.

Alex's POV

Ano bang problema ng babaeng eto? Hindi ako sanay sa kanya ng ganyan. Hindi sa nag-aalala ako ha! Nakakapanibago lang talaga. Ayaw naman akong pansinin mula kanina. Para kaming parehong tanga.

"Emelyn, ano ba, magsasalita o magsasalita?"

Ayaw niya pa ring sumagot o tumingin man lang sa akin. Parang iiyak yata siya?

"H-huy babae. Wag ka ngang iiyak dyan ha! Ako malalagot dahil sa'yo eh."

"Magsalita ka nga." Aba ayaw pa rin akong pansinin. May sasabihin pa sana ako ng bigla siyang sumigaw.

"Ano bang pakielam mo? May magagawa ka ba pag sinabi ko sa'yo ang dahilan? Eh sino ba ako sa tingin mo, isang ewan lang naman 'di ba?" Sht. Galit na galit 'yung tingin niya sa akin.

Ako ba may kasalanan sa kanya? Ewan! Ang gulo talaga nilang mga babae.

"Ewan sa'yo Emelyn, ang drama mo." Makalabas na nga lang.

••••

Mahigit isang linggo nang nasa bahay lang si Emelyn. Buti nga hindi na siya mukhang tanga. Kapag pupunta daw dito 'yung mga kaibigan niya, hindi daw siya bumababa, ayon kay manang. Nasa trabaho kasi ako kaya nagtatanong lang ako madalas kay manang. Ngayon, half day lang kami sa opisina. Pagpasok ko ng kwarto, andun lang siya nanonood.

"Kamusta ka na?" Hindi ko inaasahang lumabas 'yan sa bibig ko.

"Himala nangamusta ka Mr. Alex Smith. Ayos naman ako. So, how's your work?"

"Wag ka ng mag-english. Ayos lang din, pagod."

"Sige, magpalit ka na muna ng damit mo, kukuha kitang pagkain." Why do I have a sweet, pretty, and loving wife?

"Wag na, nagpakuha na 'ko kay manang."

"Bossy talaga." Bulong pa niya na rinig na rinig ko naman.

"Sabay na tayong kumain." Muntik na 'kong matawa sa reaksiyon niya.

Si Emelyn O______O ganyan.

"T-talaga? Alex ikaw ba 'yan?" Lumapit pa siya sa akin at medyo inalog ako. Hinawakan niya pa 'yung noo ko.

"Wala ka namang lagnat huh?" Tsk. Trip nitong babaeng 'to.

"Tumigil ka nga dyan, magpapalit lang ako ta's kakain na tayo." Ang gara talaga ng itsura niya. Pfft. Haha.

••••

Habang kumakain kami, tumitingin tingin lang siya sa akin.

"Ahm. Alex, aalis ako bukas ha?" Mukhang mas okay na 'yun kaysa magmukmok lang siya dito sa bahay.

Tumango ako at tinanong kung saan siya pupunta.

"Mamamasyal lang ako."

"Mag-isa?"

"Hmm. Oo. Bakit, sasamahan mo 'ko?" Binigyan niya ako ng nakakalokong tingin at may taas-taas pa ng kilay.

"Emelyn, ang pangit mo."

"Hmp. Kinagwapo mo na 'yan?" Tapos ay inirapan niya pa 'ko. Ibang klase. Tsk.

Pinisil ko ang dalawang pisngi niya. "Ang cute cute mo talaga Emelyn." Binitawan ko rin agad at sinabing, "Hindi kita pwedeng samahan, marami akong gagawin bukas."

"Ang alin, mambabae?"

"Tsk. Hindi. Kumain ka na nga."

"Okay.."

••••

Emelyn's POV

Di pa rin ako makaget-over na magkasabay kaming kumain ni Alex kagabi. That's the first time. Ngayon, mag-aaliw muna ako, gagala somewhere. Ang boring ng araw-araw nalang sa bahay, wala ako masyadong makausap. Miss ko na 'yung tatlo, lalo na si Allen.

While walking, I saw someone familiar. Lumapit ako sa kanya to make sure kung siya nga 'yun.

"Deniece Mae?" Gosh. Siya nga. Kilala pa kaya niya ako? Siya 'yung classmate ko nung highschool na madalas manalo sa mga beauty pageants.

"Uy Emelie? Ay wait Emelyn, right? You're Emelyn, a highschool friend." Buti nakilala niya pa 'ko. "Here, take a sit." May kasama siyang lalaki. Boyfriend niya siguro. Swerte naman nung boy.

"Ahmmm Emelyn, this is Jeric, my boyfriend." Tama pa 'ko ng hula oh.

"Hi." bati niya, nginitian ko lang siya.

"Matagal na kayo?" tanong ko.

"Hmm I can't say na three years na talaga kami pero that's it eh." Sabi naman ni DenMae.

"Ha? Parang di ko gets?"

"Sorry. Ganito kasi yun, three years na kami pero maraming break-ups na ang nangyari."

"Marami? Pero kayo pa rin?"

"Nakapagtataka ba? Haha ako man sa una ganyan. Ilang beses na kasi akong niloko niyan." Tumingin siya dun sa Jeric. "Nakita ko na 'yang nambabae isang beses, sumuway sa utos kong wag iinom, tapos may babae pang humalik sa kanya. Meron pang iba, yung iba pinalampas ko pero pag di ko na kinakaya, nakikipaghiwalay ako. Kaya lang masyado kong mahal eh. Lalo na when he is showing his sincerity." Tumingin si DenMae sakin. "Kaya pag ikaw nagmahal, piliin mo 'yung totoo. Hindi naman pagmamahal ang tawag sa pag-ibig pag walang hurt na na-involve. Chances are given. As long as true and sincere siya. Kuha mo?" She gave me a sweet smile.

"Huh. Ah eh oo nga." Napatango na lamang ako at biglang may sumagi sa isip ko.

"Hon, ano dami mo namang sinabi." Sabi nung Jeric.

"Sorry ha, sobra ba?" Tanong sa akin ni DenMae.

"No. It's alright. You helped me realize things. Salamat, una na ko. Bye! "

Agad akong umalis at isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon....

Kailangan kong makausap si Allen.

----

What The?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon