Chapter 4 He Can't Stand It

193 15 9
                                    

Emelyn's POV

"Salamat sa paghatid." Hinatid na ko ni Allen bading sa bahay. Parang boyfriend ko lang. Hihihi. :"><3

"You're welcome sis. Sige na, you enter your house na baka iuwi pa kita." Ha? Hindi ko narinig yung huli niyang sinabi.

"Ano kamo?"

"Waley gurl, bye!" *kindat* Ang lakas ng trip nung baklang yun, nangindat pa. Eh hindi ba niya alam na kinikilig ako? Pffft. Makapasok na nga.

Naabutan ko sa sala si Alex, nakaupo sa sofa, nanonood. "Good Evening Alex." Hindi man lang niya ako pinansin kaya dumeretso nalang ako sa kwarto namin.

Napag-isip isip ko habang nagpapalit na ako ng pantulog, bakit nga kaya ang hilig kong pakielaman si Alex gayong hindi ko naman siya mahal? Siguro kaya nga dumating sa buhay ko ang panibagong best friend na laging nagpapatawa sa akin at nagpapagaan ng loob ko ay para ma-realize ko na . . . . hindi lang si Alex ang mundo ko.

Matawagan na nga lang muna si Amor ....

Allen's POV

Nakarating na 'ko sa bahay. Nakahiga na ko sa kama ko at nag-iisip. Masaya na ako kasi ayos na, yung gusto kong mangyari, ang mapalapit sa kanya, sa taong minamahal ko. Mahal ko na nga siyang tunay. Kaya hindi ako papayag na saktan lang siya nung Alex na 'yun.

Isa na lang ang problema ko! Kung paano ako aamin sa kanya. Pag mas pinatagal ko pa, baka mas magalit lang siya sa akin. Napapahawak na ako sa labi ko kakaisip.

Bahala na.

********

Buti nalang pwede ngayon yung dalawa, masyado kasing workaholic. Lalabas kaming apat, pupunta sa isang kilalang restaurant. Wala pa nga si Emelyn eh. Sabi ko susunduin ko na siya ayaw naman niya.

"Uy nga pala guys, may sasabihin ako sa inyo." -Amor

"Alam niyo ba, nagiging successful na yung pinaplano natin? Tumawag sakin si Emelyn kagabi." Sabay pahapyaw na inom niya ng juice.

"Oh tapos? Pabitin ka naman eh. Tuloy mo na."

"Easy. Ganto kasi yun, sabi niya na tuwing magkasama daw kayong dalawa pakiramdam niya boyfriend ka niya. Pfft. Sa itsura mong yun? Hahaha! Wait, wait, ito na. Pinakanagustuhan ko sa sinabi niya na tiyak mapapanganga ka. Sana daw hindi ka nalang bakla." Speechless. -_-

"Eh bakit sayo lang sinabi ha, Amor?"

"Baka kasi pinsan ka ni Allen? Tignin mo?"

"Batukan kita dyan eh."

"Subukan mo."

Ang inagy naman nitong dalawang ito. "Wag nga kayong magulo. Tsaka habang wala pa si Emelyn, sasabihin ko na yung dahilan bakit nag-aya akong lumabas tayo."

"Bakit nga ba, pinsan?"

"Aamin na ko."

"ANO??" Bakit ang hilig nilang magsabay. Ang sakit sa tainga. Sure na talaga ko, wala ng urungan. Dapat niya ng malaman ang totoo.

"Hi guys. Sorry nalate ako. Ah kasi-ano. Ah basta. Kanina pa kayo?" Bigla naming dumating si Emelyn tapos umupo na sa tabi ko. Parang medyo hinihingal pa siya, mukhang nagmadali na. Maganda pa rin. Tch. "Oh bakit ang tahimik niyo?" Wala ba naman kasing nagsasalita sa'ming tatlo, hindi ko alam paano sisimulan.

"Wait lang guys."

Emelyn's POV

What The?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon