Amor's POV
Takte naman. Mapapamura ako ng di oras. Waahh buwisit! Nakakainis!
"Lumayas ka nga dito." Sabi ko sa kanya.
"Tinulungan ka na nga eh." Sabi niya. Tulong? Eto ba ang tulong sa kanya? Nanggugulo lang siya eh!
"Di ko kailangan ng tulong mo, layas!"
"Ang sakit naman nun, layas talaga? Bahay mo to? Bahay mo??" Ugghhh! Namimilosopo pa. -_- Kasama ko ngayon 'yung tinutukoy ko kay Emelyn na anak ng nakaaway na business family namin noon. Ang tagal na nun grabe. Tapos etong lalake na to, balak pang guluhin ang buhay ko? Haayy.
"Pwede ba umalis ka nalang?"
"Hindi pwede."
"Argh. Ano bang problema mo?"
"Wala."
"Wala naman pala eh, bakit nanggugulo ka?"
"Nanggugulo? Eh nakaupo lang naman ako habang nakatingin sa'yo ha? Asan ang nanggugulo dun? Ahh! Alam ko na. Feeling mo nanggugulo ako kasi naiilang ka sa kagwapuhan ko. Tama!" Wow ha. Ang kapal. =_= Kung tutuusin, mas gwapo pa sa kanya si Allen.
Wait, bakit si Allen ang nabanggit ko?
Ah, syempre kasi best friend ko yun.
"Ang hangin sobra! Paki-off nga yung aircon."
"Kahit kailan, hindi naging mahangin ang aircon. Lamig ang dinadala nun, hindi hangin."
"Whatever." Inirapan ko nalang siya at itinuloy ang ginagawa ko. Ang hirap makapag-concentrate sa trabaho pag may unggoy na nasa paligid mo. Aish.
"Baligtad oh." Tinuro niya 'yung papel na hawak ko. Pagtingin ko, gosh. Ini-istaple ko tapos hindi pantay-pantay tsaka may baligtad pang papel.
Kulang nalang talaga, lulukutin ko na 'tong mga papel na hawak ko! Atsaka isa-isa kong ihahagis sa mukha ng Jeric na 'yan!! Shoot sana sa bibig para sakto.
Inayos ko na 'yung ginagawa ko nang magsalita na naman siya, "Wala man lang thank you?" Anu daaaw? Asaness.
"Pwede ba pakisara nalang 'yang bibig mo? Nakakaistorbo ka eh!"
"Okay." Nag-act siya ng zip-mouth. Good. Hmp.
"Oops, nasira eh." At nagsimula na naman siyang dumaldal. -_-
Jeric's POV
May nakakaalala pa ba sa akin? Sa tingin ko wala na. Tsk. Tampo na 'ko nyan.
Ako 'yung boyfriend ni Deniece. Si Deniece, 'yung high school friend daw nung Emelyn.
Hahahaha! Sobrang tawa ko sa utak ko kanina. Bwisit na bwisit si Amor. Parang 'yun lang eh, ang babaw niya. Siguro pag madaling magalit, iyakin din? Ganun sa pagkakaalam ko ah, sa'kin lang naman.
Pero wala akong pake dun.
Natutuwa lang akong inisin siya. Pero malabong magkagusto ako sa tulad niya. Kahit na ba hindi ako seryoso kay Deniece, dahil may kailangan lang ako sa kanya, ay hindi pa rin ako magkakagusto sa tulad ni Amor.
Amor's POV
*Allen calling*
Bakit naman kaya tumatawag 'to?
"Hello Allen?"
"Amor?"
"Ohh?"
"Ay tae. Mali pala ako nang napindot. Si Cyna tatawagan ko eh, sorry." Aysh -_- Akala ko may sasabihin sa'kin, namali lang pala.
"Ge." -ako
"Sungit naman nito." -siya
"Ibaba mo na." -ako
"Ayoko nga." -siya
Di ako nagsalita.
"Uy Sam.."
"Sam??"
"Oo. Di ba Samantha Amor Meneses naman pangalan mo, kaya Sam."
"Ah galing sa Samantha." Psh, yun lang pala.
"Hindi." -siya
"Eh ano?" -ako
"Initials." Ay oo nga noh?
"Ahh oo nalang ge. Tatawagan mo pa si Emelyn 'di ba? Bye." In-end ko na 'yung call. Hindi naman talaga ako 'yung sadya niya eh. Kaya bakit patatagalin ko pa?
Pati si Allen nasusungitan ko tuloy dahil kay Jeric. -_-

BINABASA MO ANG
What The?
RomanceEmelyn Cyna Amandi had an arranged marriage with Mr. playboy Alex Smith. They don't love each other but they are already living in one house. What will happen if Emelyn Cyna Amandi-Smith fall inlove with another guy, named Allen Guieb. Will Mr. Alex...