Chapter 17 Anong nangyari?

100 6 4
                                    

A.N. :

WAAAHHH ANG SAYA KO SA 1K READS KAHIT IILAN LANG ANG TUMATAGAL. IKAW! IKAW NA NAGBABASA NITO. SALAMAT SA'YO. AY HINDI PALA, MARAMING SALAMAT. LOVE YOU ALL! MUAH :*

~~~~

Emelyn's POV

Dugdug

Dugdug.

Dugdug..

Dugdug...

Dugdug....

Kinakabahan po talaga ako. Si Allen kasi eh. Yung pakikipag-usap niya kanina hinihingal tapos parang natatakot na ewan. Malamang pinsan niya 'yon.

Ito namang katabi ko, si Alex, na nagda-drive ng kotse ay kanina pa deretso ang tingin sa labas at parang naghahadali talaga.

Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa ospital. Tinanong agad ni Alex kung saang room si Ms. Rocielle Marie Flores, tapos ay sinagot naman kami nung nurse kaya agad na kaming umakyat papunta doon.

Paano niyang nalaman ang buong pangalan ni Rocielle?

Bakit mukhang kinakabahan rin siya?

Posible ngang magkakilala sila.

Pero anong koneksyon nila sa isa't-isa?

Eto na. Nasa harap na kami ng kwarto ni Rocielle. Binuksan na ni Alex ang pintuan at nakita naming nakahiga si Rocielle sa kama habang natutulog. Tapos si Allen, Amor at.... Jeric ay nasa sofa nanonood lang.

Bakit nandito si Jeric? 'Yung boyfriend ni DenMae?

Ay ewan. Hindi dapat iyan ang pinoproblema.

"Cyna.." Tinawag ako ni Allen kaya agad akong lumapit sa kaniya at tumayo naman siya.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim. "Lumabas daw kanina si Rocielle ng ospital para bumili ng mga gamot, eh nasagi ng motor. Buti nga hindi ganoon kalakas ang tama."

Napalingon ako kay Rocielle. Mukhang may malaki siyang pasa sa may braso niya.

Teka? Nakaupo si Alex sa may upuan sa tabi ng kama habang hawak ang kamay ni Rocielle. What the?

ANONG MERON SA KANILA NA HINDI KO ALAM?

Tumingin ako kay Allen na nagtatanong kung bakit ganoon. "Tsaka ko nalang sasabihin.." sabi niya.

"Oy kayong dalawa, umupo nga muna kayo." Si Amor na mukhang bad trip.

Umupo naman kami ni Allen, nang biglang marinig namin sina Amor at Jeric na nagtatalo.

"Panget ka nga kasi." -Amor

"Anong koneksyon ng pagiging panget sa walang pagkain?"-Jeric

"Isipin mo." -Amor

"Kakatamad." -Jeric

"Itulog mo nalang 'yan." Sabay irap ni Amor.

"Uy concern siya.." Pang-iinis ni Jeric.

"Waahh!" Kinuha ni Amor 'yung nasa gilid niya at akmang ihahagis kay Jeric nang bigla ko siyang pigilan.

"Waahh wag Amor! Sayang 'yung apple." Then nag-pout nalang ako dahil hindi naman niya iniabot sa akin pero itinabi na niya.

"Pwede ba wag kang masyadong mayabang?" -Amor

"Pwede ba wag ka masyadong mataray?" -Jeric

"Pwede ba wag kang masyadong mapang-inis?" -Amor

"Pwede ba wag ka masyadong mainit ang ulo?" -Jeric

"PWEDE BA TUMIGIL MUNA KAYO? Kita niyong natutulog si Rocielle oh. Tsk." Maski ako ay nagulat nang biglang magsalita si Alex. May relasyon ba sila? Sila ba? Bakit walang sinasabi sa akin ai Rocielle? Kainis naman oh. Ang daya nila.

Naramdaman kong umakbay sa akin si Allen, sinandal ko lang ang ulo ko sa kanya. Hindi ako matutulog, hihintayin kong magising si Rocielle.

Ang akala ko naman may sakit na siyang malubha, kaya niya siguro pinagawa yung scrapbook noon. Hindi naman pala.


What The?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon