Chapter 11 Someone's Watching

139 9 0
                                        

Emelyn's POV

*Allen baby calling*

Kinuha ko ang phone ko then rejected the call. De joke lang. Sinagot ko 'yung tawag syempre. :)

"Hello?"

"Baby Cyna, nasan ka?" Yun talaga agad? Wala man lang 'hello din' o di kaya 'I miss you' ?

"Sa SM. Nagkita kami nung classmates ko nung highschool."

"Great. Pupunta na ako dyan." Ha?

"Pero di ba--?"

"Umalis pala sila ngayon, hindi ko alam. Sa makalawa nalang ako babalik dun. Nagda-drive na ako papunta dyan." Wala naman sa Japan ang parents niya. Nasa isang probinsya lang na di kalayuan.

"Ano?? Nagdadrive ka? Eh bakit tumawag ka pa? Oy i-end mo na yan lalake at baka mapano ka pa." Nako po, uso pa naman ngayon na-aaksidente dahil sa pagce-cellphone ng nagdadrive.

"Easy baby. Malabong---" What the? Bakit naputol 'yung call?

Hala bakit ganito? Ah! Ako na ang tatawag.

Sorry, you don't have blah blah blah

Shemay! Wala akong load! Bakit ngayon pa?? Anong klaseng cellphone? Tsk.

May malo-loadan ba naman sa SM ngayon?

Bakit kasi na-end yung call? Kakasabi ko palang na-- waahh hindi pwede! Allen baby naman eh pinapakaba ako ng ganito.

Hoooo. Sana walang nangyaring masama dun. Palakad-lakad lang ako dito na parang tuliro. Ano ba ang gagawin ko?

Lumabas para maghanap ng malo-loadan?

Manghila ng tao at makihiram ng cellphone?

Makipagswitch ng sim sa may load?

Bibili ng bagong sim? Ah hindi. Nakasave pala dito sa sim ko yung number niya at hindi sa phone.

Ano na? Emelyn! Isip.

*Unknown number calling*

Hala? Unknown na naman? Pero hindi ito kagaya nung numerong tumawag sa akin noon na misteryoso.

Pero paano kung siya rin pala ito?

Pero paano naman kung ito yung nakakita kay Allen na--na naksidente? H-hindi pwede!

Emelyn sagutin mo na.Ay oo nga. Teka, calm down. Hooo!

"Baby Cyna!" Geez. Yung puso ko, tumalon. Lahat ng tinik lumangoy na palayo. Lahat ng bato tumalon na rin paalis. Nabuhayan na naman ang puso ko. Woah salamat talaga. Pero bakit iba number na gamit niya?

"B-baby Allen? Bakit--"

"Sorry baby. Kasi naman, nakalimutan ko. Nag-expire na yung load ko. Kaya nakihiram na muna ako dito sa cashier nung gasoline station."

/face palm/ Hindi ako nagmumura pero parang gustong lumabas sa bibig ko eh. Pinakaba ako ng sobra ng load na yan! Akala ko ano ng nangyari! Grabe.

"Hey, Cyna. Still there?"

"Oo! Bilisan mo ngang pumunta dito nang makapag-usap tayo lalaki!"

"Malapit na?" May narinig akong malambing na boses sa kabilang linya.

"Oo, sandali na lang." Sagot ni Allen dun sa babae. Aba, teka.

"Hoy Allen! Sino 'yan ah?"

What The?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon