Chapter 14 Ahhhh.

139 7 2
                                    

Emelyn's POV

"Basta, Didi, tatandaan mo ito. Kapag pumunta kami ng parents ko sa ibang bansa, best friends pa rin tayo." Proud na sabi niya sa akin.

"Oo naman, ikaw pa." Proud na sagot ko naman. Pinisil niya ako sa ilong at ganun din ang ginawa ko sa kanya. Ang cute ng best friend ko.

Natigilan siya ng magsalita na ako, "Tsaka, hindi ka naman magtatagal doon 'di ba?" Sana hindi.

"Oo naman Didi, babalik pa kami, kasi 'pag lumaki na tayo..." Kahit bata palang kami ay kinikilig na ako sa titig niya "...mamahalin pa kita."

Napangiti ako at inulit ang sinabi niya, "Mamahalin pa kita.."


Kinusot ko ang mata ko at unti-unting dumilat. Umayos ako ng pagkakaupo atsaka inalis ni Allen ang kamay niya sa balikat ko.

Lumingon ako sa orasan, sandali lang pala akong nakatulog?

At 'yung panaginip... Siya na naman.

****

Lumipas ang mga oras, gabi na. Kanina pa umalis si Allen. Si Alex naman parang nababalisa. Anong problema nito?

"Emelyn... may aaminin pala ako sa iyo." Awtomatikong lumingon ako sa kanya.

"Ano 'yun?"

"Ahhh... Ano... Ano kasi..." Si Alex Smith, nauutal? Aba, bago 'to.

"Ano nga 'yun?" Nagpipigil na tawang tanong ko.

"Ahh..." Napalingon siya sa kalendaryo. "..hindi ko kasi agad nasabi sa'yo 'yung totoo..."

"Totoong alin?" Tanong ko.

"Ano... ahhh.."

"Ehh? Ihh? Ohh, uhh? Ano nga 'yun Alex?"

"Eto na talaga.. ano... ahhhh--- aqwsedrfgthyujkiolp" Ayan bagay sayo! Pfft. Puro kasi-ahh, edi dinampot ko 'yung tinapay dito na dapat kakainin ko, pero sinubo ko nalang sa kanya. Kawawa naman eh, kanina pa naka-nganga.

"Hahahahahaha!" Ang dami kong tawa. Di ko mabilang. Nakakatawa kasi 'yung mukha ni Alex, parang natatae. Hahaha-- teka? Mukha na natatae? Meron ba nun?

Sa wakas, nanguya niya na at nalunok. Success!

"Matulog ka na nga diyan -_- " Oww. Nabad trip po siya. How sad. Pag kasabi niya nun, ay lumabas na siya ng kwarto at aba! Sinara pa ng malakas 'yung pinto.

Di bale, malalaman ko rin naman kung ano 'yung gusto niyang sabihin kanina.

****

Kinabukasan.

"Good morning anak!" Masayang bati sa akin ni mama pag gising ko.

"Morning din po.." Matamlay kong sagot habang kinukusot ko ang mata ko.

"Tara, sabay sabay na tayong mag breakfast."

Tumango naman ako, "Opo ma-- wait! Ma????"

Biglang nagising ang diwa ko at na-realize na si mama na ang nasa harap ko. This isn't a dream. *hampas ng pisngi kaliwa't kanan* *facepalm* Aww. Truth hurts.

"Anak talaga oh.." Hinawi niya ang buhok kong nakasabog sa mukha ko, at isinabit ito sa may tainga ko.

"Pero ma, paanong--"

"Hindi ba sinabi sa'yo ni Alex?"

"Ang alin po?"

"Na ngayon kami uuwi ng papa mo. Kasabay ng parents ni Alex."

O_____O

"Whaaaaat? Pati sina tito't tita nandyan? Si Papa nasaan, ma? Si Alex? Tsaka bakit--"

"Sshh. Mamaya nalang natin pag-usapan 'yan anak. Maligo ka muna tapos kakain na tayo, okay? Hintayin ka na namin sa baba. Sige." Lumabas na si mama at ako'y naiwang tuliro.

Umiling-iling na lang ako ng ilang beses. Maka-klaro rin naman ito mamaya. Ito siguro 'yung dapat na sasabihin ni Alex kagabi. Pero bakit kaya sila nandito?

Wag nilang sabihing kasal sa simbahan na? Ang bilis naman ata. Tsaka ayoko na no.

O di kaya kakamustahin kami kung magkaka-apo na? Waahh no. A big NO.

Ang alam ko kasi, parents ko lang ang pupunta. Bakit ba hindi nilinaw ni Alex? Hindi kaya kasabwat siya?

Sasabihin niyang mahal na niya ako? Magkakatuluyan na gaya ng mga arranged married couples sa Wattpad? Hala ang gara naman no'n, no originality.

O baka naman mag di-divorce na kami? Teka, wala namang ganun dito sa Pinas eh.

Geez. Ang OA mo na, Emelyn. Maligo ka na nga lang.

****

Third person's POV

Pagkatapos mag-ayos ni Emelyn ng sarili niya ay bumaba na siya at sinalubong naman siya ng papa niya. Nagyakap sila.

"Pa, kamusta?"

"Still handsome." Ganyan talaga ang papa ni Emelyn, madalas masayahin at kwela lang, pero ibang klase 'pag ginalit.

"Papa naman.."

"Bakit anak, hindi ka na naniniwala?"

"Naniniwala po, pa."

"Good." Ti-nap niya sa ulo si Emelyn.

"Pa naman! Hindi ako aso no."

Natigilan sila ng dumating na ang mama ni Emelyn, kasunod si Alex.

"Tama na 'yan, kayong mag-ama. Kumain muna tayo. Kanina pa ako nagugutom."


"Opo." Sabay na sagot ng mag-ama. Nakakatuwa sila kung titignan, pero naiiba lang ang aura nila 'pag nadawit na ang business sa usapan.

Umupo na sila upang magsimulang kumain ang agahan.

"Ah Ma, bakit po pala kayo naparito?" Tanong ni Emelyn habang naghihiwa ng pancake.

"Nagkaroon kasi ng problema sa kumpanya anak." Kumpanya na naman, sa isip ni Emelyn. "Yung kumpanya namin.." Lumingon ang mama ni Emelyn kay Alex. "...at 'yung sa parents ni Alex. Masyadong mabigat 'yung nangyari. Hindi ko alam bakit nila nagawa iyon." Lumingon ulit siya kay Emelyn. "Na pagnakawan kami ng pera para lang maisagawa 'yung proyekto nila, malaking produksiyon din kasi iyon. I thought we can trust them so much because you see.. we're business partners for almost a year. But we were wrong." Lungkot at inis ang nararamdaman ngayon ng mama ni Emelyn.

Hindi agad nakapagsalita si Emelyn at hinintay na mag sink-in lahat sa utak niya.

"Sorry po.." wika ni Alex.

"Wala iyon iho, wala kang kasalanan. Pero sa gagawin naming kapalit, tiyak kabilang ka." Sagot ng papa ni Emelyn.

Alam na ni Alex kung ano ang tinutukoy ng papa ni Emelyn.


"Anong kapalit?"


"Hindi pala iyon nasabi sa'yo ni Alex, anak."


"H-hindi nga po. Ano po ba 'yon?"

"Mamaya nalang natin pag-usapan ang lahat 'pag dumating na ang parents ni Alex, para mas malinaw ang gagawin nating hakbang sa annulment niyo."

"Annulment?" Takang-takang tanong ni Emelyn.

What The?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon